Chapter 24

11.3K 263 22
                                    

ACE'S POV

Nandito ako ngayon sa labas ng building ng kompanya nila Annika habang nakasandal ako sa motor ko at naninigarilyo. Hindi ko inaasahan na magiging malapit kami sa isa't-isa. Mabuti na lang talaga at naisipan kong sumama kay Yohan sa libing ng pinatay niyang si Trey, nakakatuwa nga lang at kapatid pa ni Sarina na gusto ni Yohan ang natitipuhan kong babae ngayon. Sa maikli rin na panahon ay sisiguraduhin kong magiging akin si Annika.

Maraming mga taong dumadaan ang napapatingin sa akin lalo na 'yung mga babae kaya nginingitian ko naman sila at halata na nagugustuhan nila ang ginagawa ko dahil halos magtatalon na sila sa kilig nang dahil sa akin. Kung sa pagwapuhan lang ay hindi naman ako nalalayo kila Yohan at Kuya Aldwin at may ibubuga rin naman ako. Kaya nga hindi nahahalata ng ibang mga hindi nakakakilala sa amin na mahirap lang kami dahil meztiso at matatangkad rin kami. Namana naming magkakapatid ang magandang lahi ng nanay namin.

Napatayo ako nang tuwid at itinapon sa sahig ang sigarilyong hawak ko nang makita kong papalabas na si Annika mula sa building ng kompanya nila na pinagtatrabauhan niya. Napatunganga na lang ako sa angking kagandahan niya. Maganda rin siya katulad ng kapatid niyang si Sarina. Napakasexy niya at napakaputi rin kaya nababagay lang siya sa isang katulad ko na pinagpala rin sa itsura.

Nang makita niya ako ay kinawayan niya ako at lumapit papunta sa akin pero napakunot-noo na lang ako nang mapansin ko na may kasama pala siyang lalake. Nainis ako dahil sumunod rin ito kay Annika habang papalapit na sa akin.

"Hi, Ace. Sorry kung medyo natagalan kami. May inasikaso pa kasi akong mga files e." Paumanhin niya.

Umiling at ngumiti naman ako saka kinuha ang hawak niyang bag at ako na mismo ang nagdala. Nakatingin lang sa amin ang lalakeng kasama niya pero hindi ko pa rin ito pinapansin.

"Okay lang, Annika. Hindi naman ako masyadong naghintay ng matagal." Sabi ko habang nakangiti.

Ngumiti naman siya sa akin at ipinakilala na ang kasama niyang lalake. Hindi ko mapigilang hindi mainsecure sa lalakeng kasama niya. Gwapo rin ito pero mas gwapo pa rin ako. Mukha rin itong mayaman dahil sa suot niyang damit, relo at sapatos. Sigurado akong mayaman ang pamilya niya katulad rin nila Annika. Napakuyom na lang ako ng kamao ko dahil sa naiisip ko.

"Ace, siya nga pala si Bryan Jimenez. Isa siya sa mga investor ng kompanya namin." Pagpapakilala ni Annika sa lalakeng kasama niya.

Investor ng kompanya nila? Mayaman nga.

Ngumiti naman sa akin ang Bryan Jimenez na 'to at gusto pang makipag-kamay sa akin. "Hello. I'm Bryan Jimenez."

Kahit kumukulo na ang dugo ko at gusto ko nang suntukin ang lalakeng kasama niya ay nginitian ko pa rin ito at tinanggap ang pakikipagkamay niya sa akin.

"Ako naman si Ace Suarez. Manliligaw ni Annika." Nginisian ko naman ito na ikinatahimik niya, tinanggal ko na rin ang pakikipag-shake hands niya sa akin habang si Annika naman ay namula dahil sa sinabi ko at napayuko.

Nililigawan ko si Annika. Alam kong hindi naman niya inaasahan ang sinabi ko pero alam naman niyang ayon talaga ang pakay ko sa kanya. Sinabi ko sa kanya na liligawan ko siya sa ayaw at sa gusto niya. Siyempre, noong una ay tinanggihan niya ako pero dahil sa kung anu-anong mga pambobola at pang-uuto ang ginawa ko kaya napapayag ko na rin siya.

"Ah. I see. so, you're courting Annika, then." Sabi niya sa parang dissappointed na tono.

Napangisi naman ako at inakbayan si Annika. "Yes. I'm courting her. Right, Annika?" Takte! Napapa-english pa ako dahil sa gunggong na 'to. Pasalamat na lang talaga siya at kahit papaano ay natuto akong mag-english dahil sa mga napapanood kong pelikuha ni Jason Statham. Nakakahiya naman kay Annika na mahirap na nga lang ako e, ang bobo ko pang mag-english.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon