Chapter 46

7.4K 160 4
                                    

ANNIKA'S POV

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ngayon ni Bryan. Nang makita ko siyang nakahandusay sa sahig at halos wala nang malay ay sobra akong natakot at nag-alala para sa kanya. Hindi ko aakalain na pag-iinitan siya ni Ace at muntikan pa siya nitong mapatay. Katulad lang rin pala ni Yohan ang kapatid niya. Pareho silang mga walang konsensya at kayang-kaya nilang manakit o pumatay ng isang tao.

Bryan is a good friend to me. Kapag kailangan ko siya ay nandoon rin siya and I think that I'm starting to like him. He's nice, gentleman and very bright person. Sobra rin siyang mag-alala sa akin at iniisip palagi ang kaligtasan ko mula kay Ace.

"Thank you for taking care of me, Annika." Sabi ni Bryan at ngumiti ito sa akin.

He's still lying on the hospital bed at marami pa rin nakabenda sa buong katawan niya. Sobrang dami kasi ng sugat at pasang natamo niya dahil sa ginawa nila Ace sa kanya.

"Wala 'yon. You've been taking care of me rin naman before kaya dapat give and take lang." Nakangiti ko namang sagot.

Ngumiti rin siya at hinawakan ang isang kamay ko na ikinagulat ko. Medyo namula rin ang pisngi ko nang dahil doon. "No matter what happens, I will always protect you because I really care for you."

Dahil sa sinabi niya ay sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Ibang-iba itong nararamdaman ko kumpara noong nagkagusto ako kay Maverick. Hindi ko halos maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon para kay Bryan but I know that he's always be special to my heart.

Napatigil naman ako nang may biglang nagtext sa phone ko.

Si Kuya Mar. Yung Security Guard ng bahay namin at matagal na rin itong naninilbihan sa amin.

From: Kuya Mar

Maa'm, may nakaaway po si Sir Xavier dito sa bahay ninyo at sa tingin ko ay si Maverick Eliazar iyon. Umiiyak rin kanina si Ma'am Sarina. Ina-update ko lang po kayo dahil mukhang may hindi magandang nangyari.

Natigilan naman ako. Nag-away sina Kuya Xavier at si Maverick? And Sarina is crying too? Bakit kaya? Kailangan kong umuwi ngayon at gusto kong makausap sina Kuya Xavier at Sarina.

"Bryan, I need to go home na muna. Nagtext 'yung Security Guard sa bahay namin at sinasabing nag-away daw sina Kuya Xavier at Maverick. I need to talk to my brother and sister." Hindi ko mapakaling sabi.

Natigilan rin si Bryan sa sinabi ko at tumango pagkatapos. "Sure. Ilang araw mo na rin naman akong binabantayan dito kaya umuwi ka na muna. Mag-iingat ka, Annika." Sabi niya.

"Thanks, Bryan." Tumango ako at pagkatapos ay lumabas na ng Confine Room.

Nagmadali naman akong umuwi ng bahay namin at nagtaxi na lang at pagkatapos ng isang oras ay nakauwi na rin ako. Kaagad akong pumunta sa kwarto kung nasaan si Kuya Xavier na naabutan kong nanonood ng tv at puro sugat at pasa ang nasa katawan niya. May benda rin ang kanang braso niya.

"What happened to you?" Tanong ko nang makalapit ako kay Kuya Xavier at umupo sa kama niya.

"Bakit hindi mo itanong sa ex-crush mo?" Sagot naman niya habang hindi pa rin nito inaalis ang tingin niya sa tv.

"Nag-away daw kayo ni Maverick? Pero bakit, sa anong dahilan?" Tanong ko ulit.

Kinuha niya ang remote control na nasa gilid lang niya at pinatay ang tv bago ito humarap sa akin.

"Sinabi ko lang sa kanya na layuan niya si Sarina dahil hindi siya nararapat para sa kapatid natin tapos ayon, nagalit na siya at bigla na lang akong inambahan ng suntok at binugbog na niya ako. Walanghiya ang gagong 'yon, muntikan pa niyang sirain ang mukha ko!" Sabi niya at hinawakan nito ang panga niyang may pasa.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon