Chapter 29

9.5K 254 58
                                    

SARINA'S POV

Halos hindi ako makatingin kay Kuya Maverick habang nasa loob kami ng sasakyan niya at inihahatid na niya ako nito pauwi. Napa face palm na lang ako sa kahihiyan dahil napaamin na ako sa kanya kanina ng nararamdaman ko. Alam ko naman na noon pa ay may espesyal na akong nararamdaman para sa kanya at hindi ko na napigilan pang magconfess. Hindi ko rin naman akalain na may gusto siya sa akin at pareho kami ng nararamdaman. Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari ngayon sa buhay ko. All of the sudden ay biglang na lang nagkaganito.

Napatingin ako sa nagdadrive na si Kuya Maverick. He's perfect when it comes to all at nandito siya ngayon sa tabi ko para pagaanin at palakasin ang loob ko. Masakit ang pagkawala ni Trey at ang pagtraydor sa akin ni Yohan. Kung wala talaga si Kuya Maverick sa tabi ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Are you okay, My Princess?" Kuya Maverick asked while he's still driving.

"Ah, yes." Sagot ko na lang. Bigla naman niyang hinawakan ang isang kamay ko habang nagmamaneho pa rin siya na dahilan ng pagbilis pa lalo ng tibok ng puso ko.

Huminga na lang ako ng malalim dahil may mga nagkakarera na naman na kung ano sa sistema ko. Nararamdaman ko ito kay Trey pero ngayon ay mas lumalim pa ito nang dahil kay Kuya Maverick. Alam kong hindi ko dapat maramdaman ito, na magkagusto ako sa ibang tao dahil sa buong buhay ko ay si Trey lang ang minahal ko pero.. hindi ko mapigilan. Kahit anong pilit o iwas ko sa nararamdaman ko ay hindi ko na magawa nang dahil kay Maverick Eliazar. Napabuntong-hininga na lang ako at napapikit.

Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay narating na rin namin ang bahay namin. Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko nang unahan na ako ni Kuya Maverick at siya ang nagtanggal nito para sa akin. Nailang naman ako dahil nakatingin siya sa akin habang ginagawa ito hanggang sa matapos siya at lumayo na sa akin.

I sighed again.

He's making me uncomfortable especially with my feelings.

Bumaba na kaming dalawa sa sasakyan niya at hinawakan niya ang isang kamay ko.

"Don't worry, everything's gonna be alright. Kami na ang bahala sa kaso ni Trey at sisiguraduhin ko na pagbabayaran nila Yohan at ng mga kapatid niya ang ginawa nila sa kababata mo." Sabi niya at hinalikan nito ang ulo ko.

Napangiti naman ako. "Thank you-"

"Sarina!"

Napahinto ako at napalingon sa tumawag sa akin. Nakita ko si Kuya Xavier na nakasandal sa gate ng bahay namin habang nakahalukipkip at nakatingin ng masama sa amin ni Kuya Maverick. Bigla naman akong lumayo kay Kuya Maverick at nilapitan si Kuya.

"Kuya,"

"Saan ka nanggaling? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot. Saka bakit mo kasama si Maverick Eliazar?" Tanong niya.

Napakagat na lang ako ng labi nang lapitan kami ni Kuya Maverick at hinarap si Kuya.

"Xavier, she needs some air kaya dinala ko siya sa isang lugar kung saan ay makakapagrelax ang isip niya. Your sister is now experiencing too much pain and I did that to make her feel better." Sabi ni Kuya Maverick.

Kinabahan naman ako nang mas lalong sumama ang tingin ni Kuya Xavier kay Kuya Maverick. "Mr. Eliazar, hindi ibig sabihin na magkaibigan na tayo at magkatrabaho ay may karapatan ka nang dalhin sa kung saan ang kapatid ko. She is my youngest sister at ayoko lang na mapahamak siya. Hindi ko na kayang magtiwala sa mga lalaking nakapaligid sa kanya dahil sa ginawa ng kaibigan niyang si Yohan."

Napangiti naman si Kuya Maverick. "Your sister is safe with me. You don't need to worry about that. I will also help sa kaso ni Trey Delos Santos dahil concern ako sa kapatid mo." Seryosong ani niya.

Tumahimik naman si Kuya Xavier habang masama pa rin ang tingin niya kay Kuya Maverick. Bakit naman parang galit na galit pa si Kuya kay Kuya Maverick? Siguro nga ay dahil ayaw na niyang mapalapit pa ako sa ibang lalaki dahil sa ginawa ni Yohan. Naiintindihan ko si Kuya Xavier dahil kapatid niya ako at nag-aalala siya para sa kalagayan ko.

"Pumasok ka na sa loob ng bahay, Sarina, may pag-uusapan lang kami ni Mr. Eliazar." Sabi niya.

I sighed at hindi na nagreklamo pa. I took a glance at Kuya Maverick na nakangiti sa akin. I smiled back at pumasok na sa loob ng bahay.

I hope na maging maayos ang pag-uusap nila. Ang daming naganap ngayong araw at kailangan ko munang ipahinga ng sandali ang isip at puso ko 

XAVIER'S POV

"May gusto ka ba sa kapatid ko?" Diretsahan kong tanong kay Maverick.

Wala naman siyang pag-aalinlangang tumango.

"Obviously." Sabi niya.

Napailing naman ako. "Do you know that my sister is still a minor?" Sarkastiko kong tanong.

How the hell did happen na magkagusto siya sa kapatid ko? Sarina is too young for Maverick Eliazar. Alam kong mabuting tao at mapagkakatiwalaan si Maverick pero hindi ko na kayang magtiwala pa sa mga lalaking umaaligid sa kapatid ko. Ayoko na maulit yung ginawa ni Yohan Suarez kay Trey dahil sa pagiging baliw na nito sa kapatid ko. Idagdag pa sa kapatid kong si Annika na nanganganib na ngayon ang buhay dahil naman sa obsessed na kapatid ni Yohan na si Ace Suarez. My family are experiencing danger at bilang nakatatandang kapatid ay kailangan ko silang maprotektahan.

Nagpamulsa naman si Maverick at tinignan ako ng seryoso. "Alam ko naman 'yon Xavier pero hindi ko talaga maiwasan na hindi magkagusto sa kapatid mo. Ganito lang naman 'yon. Safe siya sa akin at hindi ko siya gagawan ng masama. As Macy's older brother ay ituturing ko na rin na parang pamilya ko si Sarina. You have to trust me, Xavier. I'm harmless." Sabi niya.

Harmless? Magaan ang loob ko kay Maverick Eliazar simula nang mameet ko siya pero nakikita ko na may iba pa siyang katauhan na hindi niya inilalabas. I can see that he is also a beast at natatakot ako para sa kapatid ko.

"Are you sure na hindi mo masasaktan ang kapatid ko?" Tumango naman siya.

"Yes. I will treat her like a princess. Habang nasa mga kamay ko siya ay magiging safe siya sa lahat." At ngumiti pa ito.

A Psycho.

Dahil sa alam ko naman na malaki ang maitutulong niya sa kaso ni Trey Delos Santos at makakatulong si Maverick sa pamilya nila ay pumayag na lang ako pero hindi ako lubos na nagtitiwala sa kanya dahil nakikita ko.. nakikita ko na mas malala pa si Maverick Eliazar kay Yohan Suarez at hindi ko hahayaan na mapunta na naman ang kapatid ko sa kamay ng mga lalaking gusto siyang angkinin at kunin

 Maverick Eliazar is a Psycho. I can see it through his eyes and gestures.

"Sige. Nagtitiwala ako sa'yo, Maverick." Sabi ko na lang at nakipag-kamay sa kanya.

Nginitian naman niya ako at tinapik ang balikat ko.

Nang matapos na kaming makapag-usap ni Maverick at umuwi na ito ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Pumunta ako sa kwarto ni Sarina at binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Naabutan ko siyang natutulog at halata ang pagod sa mga mata niya. Umupo ako sa kama niya at kinumutan siya. She's only a 16 years old at nararanasan na niya ang lahat ng 'to.

"Gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan ko kayo ni Annika. I will do what it takes kahit manganib pa ang buhay ko." Sabi ko at hinalikan ang noo nito.

Tumayo na ako at umalis ng kwarto ni Sarina. Dumiretso naman ako sa bar counter ng bahay namin at nagbukas ng isang beer at ininom ito. Sana maging maayos na ang lahat ng ito.


Mahal na mahal ko si Sarina.


--

After 5 months ay nakapag-UD na rin. Ang tagal na pala. Sorry sa mga naghintay.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon