Chapter 36

7.2K 187 11
                                    

MAVERICK'S POV
Halos hindi ako makapagfocus sa ginagawa ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nag go-goodmorning sa akin si Sarina. That kid! Bakit kinalimutan niya akong batiin ngayong araw? Ang sabi ko kasi sa kanya ay huwag niya ako kakalimutang batiin lagi para man lang may motivation ako sa pagtatrabaho ko. Alam naman niya at ipinaalam ko na sa kapatid niya na liligawan ko siya kaya dapat lang na magfocus na siya sa akin. Medyo bad mood tuloy ako ngayong araw!

"What's with that face, Maverick?" Tanong ni Xavier pagkapasok niya sa opisina ko.

I massage my temple. "Nothing." Hindi na siya muling nagtanong pa at iniabot sa akin ang isang envelope na may laman na mga business proposals.

"Basahin mo 'yan at pirmahan mo na lang. Babalik ako mamaya." Akmang aalis na siya nang magsalita ulit ako.

"Is that okay with you if I court your little sister?" I asked seriously.

Napahinto naman siya sa sinabi ko at hindi agad nakaimik. I know that he's still doubting about me at sa pakay ko sa kapatid niya pero mahal ko na talaga si Sarina at gagawin ko ang lahat para sa kanya.

He looked at me with his emotionless expression. "No." Then he walks out.

I sighed and nodded my head. "Okay, Xavier. You're testing my patience."

Sumandal muna ako sa kinauupuan ko at pumikit. Suddenly my telephone rang at sinagot ang tawag habang nakapikit pa rin ako.

"Hello?"

(Hey, Mavy how are you?) A voice of a woman.

"Who are you?" I asked.

(It's me Farah. How can you forget about me? And I'm the only one who calling you Mavy. Remember?) She said.

Oh. It's her.

"What do you want? I'm busy right now." I said in my bored tone.

(You're still a snob and cold to me. Nothing's changed for how many years!) She said while laughing on the other line.

She's annoying.

I was about to end the call nang magsalita ulit siya.

(Are you free tonight? Pwede mo ba akong samahan magbar ngayon? I just want to see you, Mavy.) She asked.

Umiling lang ako. "I'm also busy later. Invite your other friends not me."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pinatay ko na ang tawag. Farah De Silva is my classmate way back in college. She's annoying and always bothering me but I don't really like her.

Naalala ko na naman ang hindi pagbati sa akin ni Sarina kaya natuloy na naman ang bad mood spirit ko. Bakit ba nagkakaganito ako nang dahil lang sa isang teenager? Aish!

"Bro, mukhang bad mood ka yata? Dahil ba 'yan kay Sarina?" Nakangising tanong ni Bryan.

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sa loob ng opisina ko si Bryan at may hawak itong wine at wine glasses. Nilapag naman niya iyon sa lamesa ko at sinalinan ng wine ang glasses na hawak niya.

"That kid! It's already 10:00am and she's still not texting me to greet me. Shit!" I said and frustratedly messed my hair.

Natawa lang si Bryan sa ginawa ko at iniabot sa akin ang glasses na may lamang wine. "Relax bro. Maybe she's busy right now sa school nila. Please stay calm. Hindi naman mawawala sa'yo si Sarina, e." He said and tapped my shoulder.

I sip from my wine. "I hope so too. Ayokong hadlangan ako ni Xavier sa kapatid niya. He doesn't like me for his youngest sister." Sabi ko.

"Hmm. Maybe he's just being overprotective dahil nga sa nangyari dun sa kaibigan ni Sarina na si Trey. Nabaliw si Yohan Suarez kay Sarina, di ba? Kaya pinatay niya si Trey and you know that bro. He's the older brother at hindi mo siya masisisi kung hindi kaagad siya magtitiwala sa'yo na ligawan si Sarina." Nilabas naman niya ang hawak niyang vape at bumuga ng usok.

Napaisip ako. Bryan is right but Xavier can't stop me to court and love his youngest sister.

"I also want to court Annika but the situation is really hard right now. Nakatakas 'yung Ace na 'yon at anytime ay baka atakihin niya si Annika o ang pamilya nila. I won't ever let that happen." Sabi niya ng seryoso.

Tinignan ko si Bryan. I know that he likes Sarina's sister and he didn't even know na nalaman ko na kung nasaan ang Ace Suarez na 'yon na kapatid ni Yohan Suarez. I have a plan and I don't want anyone to know about that.

SARINA'S POV
Pumasok ako sa loob ng classroom ng maaga. Ang awkward nung nangyari kagabi at hindi ko ine-expect na masasabi iyon ni Alex sa akin. Bakit ba bigla na lang siyang nagkaganon? Paano kapag nalaman ni Jenica iyon? Hindi pwede dahil masasaktan lang si Jenica. Sinaktan na siya ni Ulysses kaya hindi ko hahayaan na pati si Alex ay saktan din siya.

"Hello, Sarina!" Mula sa pagkakasubsob ko sa lamesa ay laking gulat ko nang makita ko sa harapan ko si Jenica kasama si Alex na tahimik lang habang nakatingin sa akin. Kaagad naman akong umiwas ng tingin sa kanya at bumaling kay Jenica.

"J-Jenica. Ikaw pala," Sabi ko at pilit na ngumiti.

"Ang aga mo yata ngayon, ha? Mas maaga ka pang nakarating dito kaysa sa akin. Kulang ka ba sa tulog? Bakit parang puyat ka?" Tanong niya at kaagad akong inobserbahan.

Iniwas ko naman ang tingin sa kanya. "Oo. Medyo napuyat lang ako kagabi. Hehe." Sagot ko na lang.

Tumango naman siya at may kinuha mula sa bag niya at pagkatapos ay iniabot niya iyon sa akin. Kinuha ko naman ito. Salad 'yon na nakalagay sa isang lunch box.

"Oh ayan, kainin mo para naman mawala 'yang puyat mo at magka energy ka naman. Ginawa ko yan para sa'yo, friend!" Masayang sabi niya at niyakap ang braso ko.

Ngumiti ako at niyakap rin siya. "Thank you, Jenica." Sabi ko at napatingin ako sa nakatayong si Alex. Ngumiti naman siya sa akin pero umiwas ulit ako ng tingin sa kanya.

"You're welcome, Sarina." Sagot naman ni Jenica habang nakangiti pagkatapos ay bumaling siya kay Alex.

"We're now okay here. See you later na lang." Sabi niya kay Alex. Tumango lang si Alex at nginitian kami.

"Okay then. Susunduin kita after ng dismissal niyo. See you later Jenica and Sarina." Sabi ni Alex at tumango pa ito bago umalis.

Napatingin naman ako kay Jenica at nakangiti lang ito habang pinagmamasdan si Alex na naglalakad papalabas ng classroom. Nalungkot akong bigla at parang maiiyak na. Nakikita ko na mahal na mahal niya si Alex pero kapag nalaman kaya niya ang totoo ay magalit kaya siya sa akin at ituring pa rin akong isang kaibigan?

"Hindi ko alam na gusto pa rin kita, Sarina. Akala ko nawala na 'yung nararamdaman ko para sa'yo pero bigla na lang bumalik ulit ngayon and I don't know why. I like Jenica but I like you more."

"Alex, girlfriend mo si Jenica. Please don't break her heart!"

"I know but I just want you to know this-"

"Are you out of your mind? You're already commited and you know that Jenica really loves you. Please Alex, stop this nonsense!"

"But-"

"Please! Iuwi mo na ako. Ayoko nang marinig ang susunod na sasabihin mo."

Niyakap ko na lang ulit si Jenica na ikinagulat niya but instead she hugged me back.

"May problema ba, girl?" Tanong niya habang natatawa siyang nakayakap sa akin.

Umiling lang ako. "Wala. I just want to hug you dahil isa kang napakabuting kaibigan para sa akin." Sabi ko at pilit pinipigilan ang pag-iyak ko.

"Ang drama naman nito. Nagpapasalamat rin ako at isa kang mabuting kaibigan para sa akin, Sarina. Ikaw at si Alex ang mahalaga at importanteng tao sa buhay ko ngayon." Sabi niya pagkatapos ay hinarap niya ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay ko.

I sadly nodded. Sana hindi malaman ni Jenica ang mga sinabi sa akin ni Alex at ang magagawa ko lang ngayon ay pigilan na malaman iyon ni Jenica dahil ayoko na masaktan siya ulit.

She smiled.

--
Malapit na magkagulo. Haha

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon