Chapter 19

11.1K 278 24
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nagising na lamang si Yohan na nakagapos ang kanyang mga kamay at paa habang nakaupo siya sa isang silya. Naalala pa niya na ganito ang ginawa niya sa kababata ni Sarina na si Trey bago niya ito patayin. Ni wala siyang bakas ng pagsisisi dahil sa ginawa niyang pagpatay sa isang inosenteng tao. Basta para sa mga lalakeng umaagaw sa babaeng mahal niya ay hindi siya magdadalawang-isip na burahin kaagad sila sa mundo. Pero, bakit nga ba ultimo'y isa siyang hostage victim sa itsura niya ngayon? Naalala niya kanina na bago siya umuwi mula sa St. Therese ay may mga armadong lalake ang dumukot sa kanya at isinakay siya sa isang puting van at tinakpan nito ang ilong niya ng isang panyo na may kemikal na amoy dahilan para malanghap niya ito at mawalan siya ng malay.

Nilingon niya ang buong paligid ng bodega kung saan siya naroon. Mas madilim dito kumpara sa pinagdalhan niya ng mga kuya niya at kagangmates nito kay Trey sa isang bodega na abandonadong lugar na. Bakit naman siya dinukot ng mga armadong lalake? Akala ba ng mga ito ay mayaman siya dahil mukha naman talaga siyang mayaman kahit na mas masahol pa siya sa daga? Wala naman silang mahihitang ransom money sa kanya dahil dinaig pa niya ang mga palaboy sa daan dahil sa sobrang hirap niya.

Natigil lang ang lihim niyang pagtawa sa kanyang isipan nang bumukas ang pintuan ng bodega kung saan siya dinala ng mga armadong lalake. Pumasok ang isang matangkad at maputing lalake na naka business attire pa saka siya nito nilapitan. Aminin man niya o hindi pero napakagwapo at mukhang mayaman ang lalakeng ito. Mukha rin na mas matanda ito sa kanya ng ilang taon. Ito ba ang nag-utos para ipadukot siya? Pero mukha namang hindi na niya kailangan pa ng ransom money dahil mukha naman siyang mayaman.

"Ikaw si Yohan Suarez, 'di ba?" Tanong ng lalake sa kanya.

Tumaas naman ang isang kilay niya. "Bakit mo ako kilala? Saka bakit mo pa ako pinadukot sa mga alagad mo? Alam mo ba na isa lang akong mahirap na tao na sa iskwater lang nakatira kaya wala kang makukuhang pera sa akin. Mukha lang akong mayaman pero mas mahirap pa ako sa inaakala mo!" Nakangising sabi ni Yohan na wala man lang bakas ng pagkatakot sa lalakeng kaharap niya.

Tumawa lang naman ang lalake sa sinabi niya at saka ito nagpamulsa. "You're so full of yourself. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit pinatay mo si Trey Delos Santos."

Kaagad namang nakaramdam ng pagkatakot at pagkagulat si Yohan dahil sa sinabi ng lalake. Papaano nito nalaman na siya ang pumatay kay Trey? Tinitigan pa niya ang mukha ng lalake. Mukhang pamilyar ito at nakita na niya kung saan. Para itong may kamukha na nakita na niya.

"H-Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. W-wala akong pinapatay na tao!" Pagtanggi niya kahit sobra na siyang kinakabahan dahil alam nito ang madilim niyang sikreto.

Tinitigan siya ng masama ng lalake at itinuro siya. "Sinungaling! Pinaimbestigahan kita sa Private Investigator ko at nalaman ko na pinatay mo si Trey Delos Santos kasama ang kagangmates ng mga kapatid mo. Masyadong malinis ang ginawa niyong krimen para hindi kayo mahuli at paghinalaan ng mga pulis pero iba ako Mr. Yohan Suarez dahil marami akong paraan para malaman kung sino mismo ang pumatay sa kababata ni Sarina." Nakangising sabi nito.

Mas lalo pang nadagdagan ang kaba at takot ni Yohan dahil maging si Sarina ay kilala rin nito.

Tumingin naman siya ng masama sa lalake at nag-umpisa siyang sigawan ito. "Sino ka ba talaga? Bakit mo kilala sina Sarina at Trey? Saka ano naman sa'yo kung pumatay ako ng isang tao? Yayaman ka ba dahil do'n? Eh tanga ka pala e!" Pang-aalaska pa niya.

Hinawakan naman siya sa panga ng lalake nang mahigpit. Halatang nangigigil na ito sa galit dahil sa kanya pero sino nga ba ito para katakutan niya? Siya dapat ang katakutan nito dahil kapatid siya ng No. 1 Serial Killer gang sa buong pilipinas, ng kanyang Kuya Aldwin at Kuya Ace.

"Ako lang naman si Maverick Eliazar na nakatatandang kapatid ni Mace Ann Eliazar na tinatakot mo para lang hindi niya mabunyag ang mga sikreto mo. Alam mo rin bang dahil sa ginawa mong pagpatay kay Trey ay ako ang pinaghihinalaan ni Sarina na pumatay sa kababata niya?" Sigaw nito sa kanya at padabog siya nitong binitawan.

Doon lamang luminaw ang lahat kay Yohan. Kaya pala parang pamilyar ang mukha ng lalakeng kaharap niya ngayon ay dahil naaalala niya rito si Macy. Magkamukhang-kamukha kasi sila at hindi niya akalain na kapatid niya pala ang lalakeng ito pero ano naman ang ikinakagalit ng kapatid ni Macy at pinagdududahan pa ito ni Sarina na siya ang pumatay kay Trey?

Napangisi na lang si Yohan. "So, ikaw pala ang kapatid ni Macy. Ginawa ko lang naman siyang takutin dahil ayokong sumama ang imahe sa akin ni Sarina at para na rin hindi masira ang friendship nila kung magsusumbong siya. Pero, teka.. bakit naman pinaghihinalaan ka ni Sarina na ikaw ang pumatay kay Trey? May galit ka rin ba sa kababata niya? Katulad ko ba ay may gusto ka rin kay Sarina kaya ka nagagalit ngayon, tanda?" Panghuhuli ni Yohan na ikinatigil ni Maverick.

Tama ang mga naiisip ni Yohan. Kaya siya pinadukot ng lalakeng ito ay dahil may gusto ito kay Sarina at hindi nito matanggap na may karibal pa pala siya bukod kay Trey. Katulad niya ay mukhang obsessed na rin ito kay Sarina.

Nagtiim-bagang naman si Maverick. "Oo, gusto ko si Sarina. May galit ako sa Trey na 'yon dahil inaagaw niya sa akin si Sarina pero hindi ko matanggap na nagagalit siya sa akin dahil sa kagagawan mo. Pareho lang tayong obsessed sa pagmamahal sa isang babae pero mukhang ikaw pa ang dehado ngayon."

Napangiti na lang si Yohan. Iba talaga ang nagagawa ng obsesyion sa isang tao. Hindi niya akalain na ang isang katulad ni Maverick Eliazar na mukhang respetado at marami nang naging achievements sa buhay ay ma-iinlove lang sa isang labing-anim na taong gulang na high school student. Mukhang magkakasundo sila at magagamit niya ito para yumaman siya.

"Mr. Eliazar, kung gusto mo ay magtulungan tayo. Kukumbinsihin ko si Sarina na 'wag nang magalit sa'yo pero may kapalit, siyempre."

Natigilan naman si Maverick do'n at tila nag-isip pero pagkaraan ay pumayag rin ito. "Sige, anong kapalit?" Tanong niya.

Sumandal naman si Yohan sa silyang inuupuan niya habang nakagapos pa rin ang mga kamay at paa niya maipakita lang na isa siyang hari at walang kinatatakutan sa kahit sinong tao.

"Bigyan mo ako ng isang condo unit, kotse at 25 Million cash. Alam ko namang wala lang sa'yo 'yon dahil naalala ko na chineck ko pala ang background ng kapatid mong si Macy at napakayaman naman pala talaga ng Pamilyang Eliazar. Dapat nga ay pipikutin ko sana ang kapatid mo dahil alam kong may gusto siya sa akin at higit sa lahat ay mayaman siya pero si Sarina lang talaga ang mahal ko kaya hindi ko na itinuloy ang balak ko." Sabi niya na animo'y parang wala lang.

Napailing na lang si Maverick at hindi makapaniwala na sobrang taas pala ng tingin ni Yohan Suarez sa sarili niya at mukha rin itong pera. Mukha siyang inosente kung titigan pero isa pala itong demonyo. Masyado rin itong makasarili at hindi iniisip ang mararamdaman ng iba. Mas masama pa ito kung tutuusin kaysa sa kanya at sigurado siyang mas marami pa itong kayang gawin na masama bukod sa pagpatay sa kababata ni Sarina na si Trey.

Pero kailangan niyang sakyan ang gusto nito dahil may plano rin siya para mawala ito sa landas nila ni Sarina. Sarina is his only.

Pinagkrus naman ni Maverick ang kanyang mga kamay at saka tumango kay Yohan. "Sure. Gawin mo lang ang lahat para hindi na ako paghinalaan ni Sarina sa krimeng ginawa mo at ibibigay ko ang gusto mo."

Napangisi na lang si Yohan dahil do'n. "Makakaasa ka, Mr. Maverick Eliazar. I won't break promises."

Dalawang lalake ang nagmamahal para sa isang babae. Obsession kung matatawag na malayo na sa totoong pagmamahal. Sino kaya ang mananalo sa kanilang dalawa para sa puso ni Sarina? Matatanggap kaya sila ng babaeng minamahal nila dahil sa obsession nila? O, kamumuhian sila nito dahil sa lihim nilang galit at pagpatay sa pinakamamahal nitong si Trey? Will this Danger Alley is going to be a permanently path walk for them?

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon