Chapter 31

8.6K 223 19
                                    

WAYNE'S POV
Pagkatapos kong malagpasan si Ulysses ay napangiti nalang ako ng palihim. Kahit kailan talaga ay tanga pa rin siya. Did he think na tutulungan ko talaga siya para mas mapalapit pa siyang lalo kay Sarina? Tanga ba ako para gawin iyon? Ni minsan naman ay hindi ko siya itinuring na isang kaibigan dahil sa inis, galit at inggit ko sa kanya. Lahat ng meron ako ay kinuha na niya. The popularity, attention from my parents, my position in our team, mga kaibigan ko tapos pati si Sarina ay aagawin niya rin sa akin? Nakakatawa talaga siya kahit kailan. Hindi naman ako isang alalay niya para maging sunod-sunuran nalang lahat sa gugustuhin niya.

Mabuti nalang talaga at lumipat na siya ng ibang school para hindi ko na araw-araw makita ang pagiging attention seeker niya sa buong school. Mabuti nga sa kanya na nabugbog siya ni Yohan at ng mga kapatid nito dahil masyado siyang kumpiyansa sa sarili niya na pati si Sarina ay makukuha rin niya katulad ng nagagawa niya sa ibang babaeng pinaglalaruan lang niya.

Pagkauwi ko galing ng bahay ay dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko at hinubad ang suot kong uniform. Humiga ako sa kama at saka binuksan ang TV ko. Habang nanonood ako ay bigla nalang nag-ring ang phone ko. Sinagot ko naman ang tawag nang hindi tinignan kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

(Babe, I miss you so much! Kailan ba tayo ulit magkikita? I'm so bored na kasi. I need you and let's make some fun.) Nang-aakit niyang sabi.

"I'm busy. Huwag mo nga akong istorbohin." Humihikab kong pagkakasabi.

(Why? You don't miss me, Wayne? I'm your girlfriend and I need your attention!) Napaface-palm nalang ako at inis na napabuntong-hininga.

"Sabing ayoko nga 'di ba? And let me tell you something, Denise," Nakangisi kong sabi.

(What is it?)

"Break na tayo. Nagsawa na ako sa'yo. Hindi ko alam kung ilang lalaki na ang gumalaw sa'yo dahil isa ka namang cheap na babae at hindi pa exciting na makipag-sex sa'yo kaya nagsawa na kaagad ako. Don't you dare to call and text me again kung ayaw mong malintikan ka sa akin." Pagbabanta ko.

Narinig ko naman ang biglang pag-iyak niya sa kabilang linya. (How dare you, Wayne! Napakasama mo talaga. I will tell this to Dad!) Sigaw niya.

Tumawa nalang ako at pinatay na ang TV.

"Go ahead, bitch. Hindi ako natatakot sa Dad mo kung magsumbong pa siya sa parents ko. At hindi ba ginalaw ka na rin nila Kuya Axis at ng pinsan naming si Jack?" Natatawa kong sabi.

(T-that's not true!") Nauutal niyang sigaw.

Kumuha naman ako ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. "Keep lying whore but don't bother me again or else I will reap off your throat and kill you slowly." Pagbabanta ko at pinatay na ang tawag.

Bumuga naman ako ng usok at sumandal sa headboard ng kama ko.

Denise is nothing but a flirty bitch. Pinatulan ko lang naman siya dahil maganda at magaling siya sa kama. Ikinuwento sa akin nina kuya at ng pinsan naming si Jack na inakit sila ni Denise at nagalaw na rin nila ang babaeng iyon. I don't really care about her anymore dahil malayong-malayo siya kay Sarina.

Napangiti nalang ako nang maalala ko kanina na natuwa siya sa cake na ibinigay ko para sa kanya pero kung hindi lang umeksena at nag-inarte ang Macy na iyon ay mas masaya pa sana ang naging reaksyon ni Sarina. That stupid girl.

Gusto ko si Sarina noon pa. Katulad nila Ulysses at Yohan ay may lihim na pagtingin na talaga ako noon pa sa kanya. Mas pinili ko nalang rin itago ang nararamdaman ko dahil alam ko na wala akong pag-asa sa kanya dahil mas sikat sa St. Therese at mas gwapo sina Ulysses at Yohan kumpara sa akin. Pero dahil ngayon na wala na silang dalawa sa YGA ay may pag-asa na ako kay Sarina at hindi ko hahayaan na bigyan pa ng pagkakataon si Ulysses na mas mapalapit ang loob ni Sarina sa kanya.

"Hindi kita bibigyan ng pagkakataon para maagaw mo sa akin si Sarina. Stupid." Nakangisi kong bulong at napatawa nalang.

ALDWIN'S POV

"Pst!" Kinalabit ako ng isang matandang lalaki na maraming tattoo na katabi ko lang kasama ang dalawa pang lalaki na mas may edad sa akin.

"Oh ano 'yon?" Bagot kong tanong.

"Ibang klase pala kayo boy! Ang balita dito tungkol sa inyo ay pumatay raw ng isang binata ang nakababata mong kapatid kasama ang isa pang kapatid mo na nakatakas sa mga pulis. Halang pala ang mga kaluluwa ninyong magkakapatid. Sa kagwapuhan at amo ng mukha mo ay isa ka palang nagkukubling demonyo!" Tumatawang sabi ng lalaking matanda na maraming tattoo. Tumatawa rin ang mga kasama niya.

Dahil naiinis ako sa pag-iingay nila ay kinausap ko na sila. "Oo, kriminal na kami. Pwede bang itikom niyo na 'yang mga bibig niyo dahil iniistorbo niyo ako?"

Tumalim bigla ang titig nila sa akin at kwinelyuhan ako nung lalaking mataba at maitim.

"Hoy! 'Wag kang sisiga-siga dito. Gusto mo bang makatikim ng suntok?" Sabi niya at mas lalo pang tumalim ang titig niya sa akin.

"Bitawan mo nga ako. Gago!" Galit kong pagkakasabi at sinamaan rin siya ng tingin.

"Aba't-" Aambahan na sana niya ako ng suntok nang..

"Bitawan mo na siya, Erwin." Utos nung lalaking matanda na maraming tattoo sa lalaking mataba at maitim.

Binitawan naman ako ng padabog nung lalaki na masama pa rin ang titig sa akin. Tinitigan ko rin siya ng masama.

"Ikaw ang kapatid ni Ace Suarez, 'di ba?" Tanong niya ng seryoso.

"Teka.. Bakit mo kilala ang kapatid ko?" Nagtataka ko namang tanong.

Ngumiti siya at inakbayan ako. "Boy, kilalang-kilala ko ang kapatid mo dahil nakalaban na rin namin siya noon sa isang Drug transaction dealing at siya ang dahilan kaya kami nakakulong ngayon pero palalagpasin ko nalang ang ginawa ng kapatid mo sa isang kondisyon.."

Napahinto naman ako dahil sa sinabi niya. Talaga palang kilalang-kilala ng mga sindikato si Ace pagdating sa Drug transaction dealing na siya ang namamahala. Nasaan na kaya nagtatago ang ungas na iyon? Kailan ba niya itutuloy ang plano na itakas kami ni Yohan sa impyernong lugar na kinalalagyan namin ngayon?

"Anong kondisyon?" Tanong ko.

"Itatakas ka ng kapatid mo dito 'di ba? Pwede namin kayong matulungan." Nakangisi niyang sabi na ikinangisi rin ng dalawa niyang kasama.

Sumandal naman ako sa pader at nag-isip. "Hindi ko alam kung kailan balak ni Ace na itakas kami ng isang kapatid ko na nasa DSWD pa pero sa tingin ko ay sa susunod na linggo na niya gagawin ang plano niya." Sabi ko at napangisi pagkatapos.

Napangisi rin naman sila dahil sa sinabi ko. "Sige, balitaan mo nalang kami sa plano ng kapatid mo. Gusto na rin naming makatakas dito." Sabi niya at pagkatapos ay umalis na sila ng mga kasama niya.

Napatawa naman ako at napailing. Sa tingin ba nila ay magpapatulong ako sa kanila para makatakas kami dito?

Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone na ilegal na naipuslit ng isa sa mga ka-gangmates namin ni Ace na hindi nahuli ng mga pulis. Lumipat ako sa pinakatagong parte ng selda namin at nagpalinga-linga muna sa paligid bago buksan ang message na natanggap ko mula kay Ace.

Brother, nakaplano na ang lahat. Maghanda-handa na kayo sa gyera na ibibigay natin. -Ace

Napailing nalang ako dahil sa galing ng diskarte ni Ace. Good job kapatid.

--
Vote, comment and follow for more updates.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon