Chapter 40

7.9K 176 10
                                    

SARINA'S POV

Halos hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga nangyari noong weekends. Hindi ko akalain na magkakilala pala sina Ate Farah at Kuya Maverick. Naaalala ko pa rin ang mga nangyari sa restaurant at kitang-kita ko ang galit ni Ate Farah nang malaman niyang nililigawan ako ni Kuya Maverick. She likes Kuya Maverick at alam kong galit siya sa akin. Ano bang magagawa niya kung gusto ko rin si Kuya Maverick? Buo na ang desisyon ko at wala nang makakapigil pa nun.

Habang naglalakad ako sa may hallway ng St. Therese ay nakasalubong ko si Alex. Nung nagkita kami sa restaurant kasama ang Ate Farah niya ay tahimik lang siya nun at halos walang masabi nang nakita niya kami ni Kuya Maverick. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya dahil ang hirap niyang basahin. Hindi ko aakalain na magiging ganito ang trato ko sa kanya dahil noon ay alam kong mahal na mahal pa niya si Jenica at parang kapatid lang ang turing niya sa akin pero ngayon ay hindi ko alam kung bakit naging ganito na lang bigla ang sitwasyon namin.

Hindi ko na lang siya pinansin at lalagpasan na sana siya nang hinawakan niya ako sa braso dahilan para mapatigil ako.

"Nililigawan ka ba talaga ni Maverick Eliazar?" Tanong niya.

Bumuntong-hininga muna ako bago siya hinarap. "Kailangan ko ba talagang sagutin 'yang tanong mo? Bitawan mo ako." Sagot ko at tinignan siya nang masama.

Binitawan naman niya ang braso ko at tinitigan rin ako ng masama na ikinagulat ko. "Oo o hindi lang naman, Sarina pero bakit hindi mo masagot ang tanong ko? Dine-date mo ba talaga 'yung lalaking 'yon?" Hindi makapaniwala niyang sabi.

Natawa ako ng mahina. "Sige, sasagutin ko 'yang tanong mo para matigil ka na. Yes, I'm dating Maverick Eliazar at wala ka nang pakialam kung sinuman ang gusto kong i-date." Sabi ko.

Natahimik naman siya sa sinabi ko at tumango pagkatapos. "Paano nangyari 'yon? Mas matanda siya sa'yo, Sarina at-"

"Alam mo ba ang kasabihang age doesn't matter, Alex? I like him so much kaya pumayag akong magdate kami." Yes, I really like Maverick Eliazar so much.

"Sarina!" Napalingon naman kami sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Macy na kasama ang boyfriend niyang si Walter.

Hindi ko na masyadong nakakausap si Macy dahil parang busy na rin ito sa buhay niya at hindi niya rin ako masyadong pinapansin lately. Ang akala ko nga ay galit siya sa akin dahil alam kong hindi niya gusto si Wayne na nakakausap ko pero mabuti na lang at okay lang pala kami.

"Macy, ikaw pala." Sabi ko naman at nginitian siya. Ngumiti rin siya sa akin pabalik pati na rin si Walter.

"Nandito ka pala, Alex. Nasaan si Jenica? Bakit hindi mo siya kasama?" Tanong naman ni Walter kay Alex at inakbayan ito.

"We already broke up." Sagot ni Alex at tumingin ito sa akin.

Nagulat kaming lahat dahil sa sinabi ni Alex. Nagbreak na sila ni Jenica? Dahil ba ito sa akin? Bigla ay parang nanghina ako sa sinabi niya.

"Totoo? Pero bakit naman?" Tanong ni Walter kay Alex.

Ngumiti naman ng malungkot si Alex. "We have so many priorities in life kaya mas minabuti na lang namin na maghiwalay muna." Sagot niya.

Maniniwala ba ako sa dahilan niya? Ang alam ko naman ay dahil iyon sa akin kaya hiniwalayan niya si Jenica. Napakawala niyang puso. Sinaktan niya ang kaibigan ko.

"That's so sad to hear, dude." Sabi ni Walter at hinagod ang balikat ni Alex.

Tumingin naman sa akin si Macy at hinawakan ang isang kamay ko.

"Are you okay? Namumutla ka girl," Nag-aalala niyang tanong.

Ngumiti na lang ako ng pilit. "Okay lang ako, Macy." Ngumiti naman siyang bigla nang nakakaloko at bumulong sa akin.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon