Chapter 25

11.4K 303 16
                                    

SARINA'S POV

Todo-todo ngayon ang pag-iwas ko kay Yohan dahil sa mga sinabi niya sa akin sa Clinic. Hindi ko rin akalain na matagal na pala siyang may gusto sa akin. I didn't expect na kaya niyang makapagsalita ng ganong mga bagay sa harapan ko. He even insulted my love for Trey at sa pagiging mayabang niya. I will never forgive him kahit pa naging isang mabuting kaibigan siya sa akin. Mabuti nga ba o ginagawa niya lang iyon para hindi masira ang tiwala ko sa kanya? I doubt it. Mabuti na lang at nasuspend siya ng 2 weeks dahil sa ginawa niyang pambubugbog sa nambastos sa akin kaya hindi ko na muna siya makikita ng pansamantala.

I took up a deep breathe and sigh. Totoo kaya ang sinasabi niyang nagkakagusto na ako kay Kuya Maverick? Aminin ko man o hindi pero nag-iiba talaga ang pakiramdam ko kapag kaharap ko siya. Bumibilis ang pintig ng puso ko hindi dahil sa kaba o takot kundi sa parang admiration at excitement kapag nakikita ko siya. Ibang-iba sa unang araw na nameet ko siya sa bahay nila Macy. Pero, he's already 25 and i'm only 16 years-old. Alam kong age doesn't matter naman pero parang mali pa rin dahil parang nakatatandang kapatid ko na rin si Kuya Maverick.

"Okay ka lang ba, Sarina?" Tanong ni Jenica habang kumakain kami sa Canteen.

Tumango na lang ako at ngumiti ng pilit. "O-Oo naman. Okay lang ako, Jenica." Tinaasan naman niya ako ng kilay sa sinabi ko saka ito napailing.

"Iniisip mo pa rin ba 'yung mga sinabi ni Yohan sa'yo? Alam mo Sarina, matagal ko nang alam na may gusto si Yohan sa'yo pero hindi ko ineexpect na kaya niyang sabihin ang mga ganong bagay kay Trey gaya nga ng ikwinento mo sa akin. At 'yung pagyayabang niya sa looks niya at katalinuhan? Ibang-iba na siya sa Yohan na nakilala natin na humble, o ganon naman talaga siya pero hindi niya sa atin ipinapakita 'yon? Kapag nakapasok na ulit siya dito sa St. Therese ay iwasan mo na siya. He's our friend pero sa mga sinabi at ipinakita niya sa'yo ay totoo ngang hindi pa natin siya lubos na kilala." Sabi niya at hinagod ang balikat ko.

"Oo, Jenica. Tama ka. I should avoid Yohan starting from now on." Ngumiti lang naman siya at pagkatapos ay tinapos na namin kumain para makahabol pa kami sa practice namin ng Volleyball.

**

Nang matapos na kami sa pagpapractice ng Volleyball sa gymnasium ay didiretso na sana kami ni Jenica sa classroom namin nang may humarang sa amin. Laking gulat ko nang makita namin si Yohan kasama ang ibang mga kateammates niya sa basketball na sa pagkakaalam ko ay mga nasa lower section ito. Hindi siya naka uniporme pero ang mga kateammates niya ay nakauniporme naman at halatang nagcutting-class lang.

Lalapit na sana siya sa akin nang hinarangan siya ni Jenica sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito, Yohan? Di' ba suspended ka ng dalawang linggo? Paano ka nakapasok dito sa loob ng school?" Pagalit na tanong ni Jenica.

Napangisi naman si Yohan sa sinabi ni Jenica at itinuro ang mga kateammates niya sa basketball. "Tinulungan nila akong makapasok dito sa loob. Gusto ko lang makausap si Sarina kaya umalis ka na sa harapan niya." Sabi niya.

Tumawa naman ng mapakla si Jenica at hinila ako para mas matago niya ako sa likuran niya. "Ayaw ka na munang makausap ni Sarina kaya pwede bang umalis ka na? Gusto mong tumawag pa ako ng guard para mapaalis ka dito?" Nangigigil niyang sabi. Napahawak naman ako ng mahigpit sa kamay ni Jenica dahil sa totoo lang ay natatakot na akong harapin si Yohan ngayon.

Matapos ang mga sinabi niya sa akin sa Clinic ay tuluyan na rin akong natakot sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na natakot ako kay Yohan. Napakaamo ng mukha niya pero totoo nga na hindi pa namin siya lubos na kilala ni Jenica. Baka may lihim pa siyang itinatago na hindi namin alam.

Natawa naman si Yohan sa sinabi ni Jenica at nagpamulsa pa ito. "Teka lang, Jenica. Bakit ka ba nangingialam sa ginagawa ko? Si Sarina ang gusto kong makausap kaya umalis ka na diyan."

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon