11

16.8K 414 10
                                    

MAVERICK'S POV

Sarina...

Sarina...

Sarina...

Hanggang sa paggising at pagtulog ko ay ang magandang mukha, ngiti at tawa ni Sarina ang palaging naiisip ko. Kahit sa pagtatrabaho ko ay siya na ang laman ng utak ko.

Damn! She drives me insane. Nababaliw na ako sa kakaisip sa kanya! Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil ngayon ko lang ito naramdaman sa isang babae at sa isang menor de edad pa na bagong kaibigan ng kapatid ko. Ilang araw ko na siyang nakikita at sobrang miss na miss ko na siya. Alam kong mali ang maramdaman kong ito pero hindi ko mapigilan.

I want her to be mine.

Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko ang kapatid kong si Macy na nanonood ng TV sa sala. Hindi ko alam pero napapansin ko na ilang araw na siyang tahimik at parang malalim ang iniisip. Kilala ko ang kapatid ko at hindi ganito ang normal niyang kinikilos.

Lumapit ako sa kanya at tumabi.

Nagulat siya nang makita ako pero unti-unti ring ngumiti. "I-Ikaw pala, kuya." Sabi niya at binalik ang tingin sa TV.

Napabuntong-hininga ako bago nagsalita. "Macy, ilang araw ko nang napapansin ang pagiging tahimik mo. May problema ka ba? Kapatid mo ako kaya 'wag kang mahihiyang magsabi ng problema sa akin."

Napahinto siya at tumingin na parang maluluha na.

"Kuya..." Umiiyak niyang sabi.

Nabigla ako kaya dali-dali ko siyang inalo.

"Tell me about your problem, and I'll listen." Malumanay kong sabi.

Tumango siya at pilit pinigilan ang paghikbi. "Y-yong matagal nang kaibigan ni Sarina na si Yohan ay obsessed sa kanya. Ginagamit niya ang pagiging magkaibigan nila ni Sarina para makuha ang bestfriend ko. Gusto kong sabihin kay Sarina ang lahat ng ginagawa ni Yohan pero hindi ko magawa dahil binantaan ako ni Yohan na sa oras na isumbong ko kay Sarina ang lahat ng plano niya ay sisiraan niya ako kay Sarina at baka mawala sa akin si Sarina bilang kaibigan ko kapag nangyari 'yon. Pwede niyang paniwalaan si Yohan dahil matagal na silang magkaibigan at may tiwala din si Sarina sa kanya. Natatakot akong mawala ang friendship namin ni Sarina, Kuya Maverick kaya nananahimik ako ngayon..."

Napatiim-bagang at kumuyom ang mga kamao ko sa sinabi ni Macy.

Blinackmail ng lalakeng iyon ang kapatid ko para lang hindi ito magsumbong kay Sarina sa mga plano niya.

"Kailangang malaman 'to ni Sarina. Hindi natin pwedeng hayaan na makasama na lang niya ang mapagpanggap na Yohan na 'yon. Manganganib ang buhay ng kaibigan mo sa lalakeng 'yon, Macy." Madiin kong sabi.

Hindi ko alam pero gustong-gusto kong saktan ang lalakeng tinutukoy ni Macy.

Umiling siya sa sinabi ko at niyakap ako. "Kuya, 'wag please...? Sa oras na gawin natin 'yon ay baka layuan ako ni Sarina at hindi na ituring na kaibigan. Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan kaya 'wag na natin 'tong ipaalam sa kanya. Wala namang ginagawang masama ngayon si Yohan. Mananahimik na lang ako hangga't kaya ko."

Hindi ako nakapagsalita.

Hindi ako papayag doon. May gusto na ako kay Sarina at hindi ko hahayaan na mapunta siya sa obsessed na lalakeng iyon.

"Sige, hindi na natin sasabihin 'to pero kailangan mong mag-ingat sa lalakeng 'yon. Bantayan mo ng maigi 'yang bestfriend mo dahil baka may kung anong gawin ang Yohan na 'yon sa kanya." Sabi ko na lang.

Humarap sa akin si Macy na ngumiti nang malungkot.

"Oo, kuya. Pangako na babantayan at poprotektahan ko si Sarina kay Yohan at mag-iingat rin ako. Alam ko naman na may gusto ka kay Sarina e." Sabi niya at nginitian ako.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon