06

23.1K 649 65
                                    

SARINA'S POV

Pagkatapos naming manood ng movies sa living room nila Macy ay dumiretso na kami sa loob ng kwarto niya. Ipinagpapasalamat ko naman na hindi nanood si Kuya Maverick kasama namin dahil may gagawin pa raw siyang reports tungkol sa trabaho niya.

Hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi niya kanina sa kitchen bago dumating si Macy. Natatakot at kinakabahan talaga ako sa kanya.

Pagkatapos ng overnight na 'to ay hinding-hindi na ulit ako babalik dito dahil hindi talaga safe ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Kuya Maverick.

"Ang saya ko ngayong araw, best friend! Thank you at pumayag kang mag-overnight dito sa house namin, ha?" Malambing na sabi ni Macy habang niyayakap ang isang unan niya. Magkatabi kami sa kama.

Ngumiti ako. "Wala 'yon, Macy. Masaya din ako at kasama kita."

Dumapa siya mula sa pagkakahiga at nagpahalumbaba na tumingin sa akin.

"May ginawa ba sa'yo si Kuya nung wala ako sa kitchen at kayong dalawa lang ang nandoon?" Seryoso niyang tanong na ikinagulat ko.

Sasabihin ko ba ang totoo na natatakot ako kay Kuya Maverick? Baka kapag sinabi ko iyon ay mag-away pa kami ni Macy at magalit siya sa akin. Hindi ko na muna siguro iyon sasabihin.

Umiling ako. "W-wala naman, Macy. Bakit mo natanong 'yan?" Tanong ko at umiwas ng tingin.

"Napapansin ko lang kasi na iba kung tumingin sa'yo si Kuya Maverick e, more on titig pa nga. I think he likes you, Sarina." Sabi niya at bigla siyang ngumiti.

Nabigla ako sa sinabi at naalala ang mga sinabi sa akin ni Kuya Maverick sa kitchen area.

"Do you know how beautiful and innocent you are? I'm so dazed by your beauty, Sarina.."

Iwinaksi ko na lang sa utak ko ang mga iyon at umiling ng paulit-ulit sa sinabi ni Macy.

"Hindi naman siguro. Gwapo 'yong Kuya mo kaya baka may girlfriend na rin 'yon." Parang nasisigurado kong sabi.

Natawa naman siya. "Never pa kayang nagka-girlfriend si Kuya. Ni hindi nga siya pumapansin ng girls na nagpapapansin at may gusto sa kanya. Actually, ikaw pa lang ang unang girl na kinakausap niya nang hindi siya nagsusuplado at hindi ka binabaliwala."

Napaawang ang bibig ko doon. H-hindi pumapansin ng ibang babae si Kuya Maverick at ako pa lang ang unang babaeng kinakausap niya ng maayos at walang pagsusuplado?

Baka ganoon lang talaga ang trato niya sa akin dahil ako lang ang nag-iisang kaibigan ni Macy.

"Mabait lang siguro si Kuya Maverick sa akin dahil kaibigan kita, Macy." Paninigurado ko.

Macy just rolled her eyes on me at bumalik na ito mula sa pagkakahiga niya. "I'm 100% sure that my brother likes you at boto ako sa'yo para kay kuya. Forget your Trey at gusto ko na kay kuya ka lang magkakagusto." Mataray niyang sabi saka niya kinuha ang kumot niya at nagtalukbong.

Hindi ko na pinansin si Macy at bumuntong-hininga. Mahirap yata ang sinasabi niyang kalimutan ko na si Trey dahil si Trey lang ang lalakeng gusto ko.

NAGISING ako ng bandang 2am at nakaramdam ng pagkauhaw. Tumingin ako kay Macy na natutulog pa rin.

Bumangon ako sa kama at saka lumabas sa loob ng kwarto niya at bumaba papunta sa kitchen area.

Nang makarating na ako sa kitchen ay kaagad kong binuksan ang ref at kumuha ng isang bottled water. Ininom ko ito at pagkatapos ay tinapon sa trash can na nasa gilid ng ref ang plastic bottle na pinag-inuman ko.

Aalis na sana ako nang bigla akong napatalon sa gulat nang makita si Kuya Maverick sa harapan ko.

Nailang at biglang nag-init ang mukha ko nang makita ko siyang topless habang nakatapis lang ng towel ang ibaba niya. Halatang kakatapos lang niyang maligo dahil basa ang buhok niya.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon