04

26.4K 689 117
                                    

YOHAN'S POV

Pagkatapos ng klase namin ay kaagad akong nagpunta sa mens locker room ng basketball team namin at sinugod si Ulysses na busy sa pakikipagtawanan sa iba pa naming mga kateammates.

Kwinelyuhan ko siya na ikinagulat niya at maging ang mga kateammates namin ay nagulat rin sa ginawa ko.

"Tangina! Ano bang problema mo at bigla mo na lang ako sinusugod?" Galit na galit niyang tanong habang nagpupumiglas ito sa pagkakahawak ko sa kanya.

Pilit naman akong inaawat ng mga kateammates namin pero hindi ako nagpatinag.

Mas lalo pang sumama ang tingin ko kay Ulysses. "Huwag na 'wag mong pinaglalaruan sina Sarina at Jenica kundi ang makakalaban mo." May diin kong sabi.

Bigla ay unti-unti siyang napangiti sa sinabi ko at nginisian ako na mas lalo pang nagpakulo ng dugo ko.

"Ayon ba ang ikinakagalit mo, Yohan? Totoo naman, ginamit ko lang si Jenica para mas lalo pa akong mapalapit kay Sarina. Matagal ko na ngang gusto si Sarina e, pero kung makabakod ka sa kanya ay para kang boyfriend niya kung umasta. Hindi mo na ako mapipigilan sa gagawin ko. Liligawan ko si Sarina sa ayaw at sa gusto mo." Nakangiti niyang sabi.

"Walanghiya ka!"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sinuntok ko siya sa mukha dahilan ng pagkakabagsak niya sa sahig at kaagad ring nagdugo ang labi niya dahil sa ginawa ko.

Akmang susugurin ko na ulit siya nang napigilan ako nila Walter at Alex na mga kateammates namin sa basketball.

"Pre, huminahon ka nga lang!" Sabi sa akin ni Walter. Hindi ko siya pinansin at tinitigan pa lalo ng masama si Ulysses.

"Bakit ba galit na galit ka sa akin, Yohan? Dahil ba may gusto ka rin kay Sarina at ayaw mong lapitan ko siya at ligawan? Binabakuran mo siya, hindi ba?" Nakangisi niyang tanong.

Mabilis ang paghinga ko at hindi ako makasagot dahil sa tanong niya. Totoo na binabakuran ko si Sarina sa kahit na sinong lalakeng may gusto sa kanya. Sa akin lang siya dapat. Sa akin lang.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at padabog nalang na kumalas sa pagkakahawak sa akin nina Walter at Alex.

Ayokong maging masama ang imahe ko sa St. Therese dahil kilala ako ng lahat bilang good and innocent boy student. Hindi ako gagawa ng isang bagay na makakasira sa iniingatan kong magandang imahe kay Sarina.

Gusto kong maging mabait at isang ideal guy para sa kanya kahit hindi naman talaga ganoon ang katauhan ko.

"Layuan mo na si Sarina dahil alam kong sasaktan mo lang rin siya katulad ng ginawa mo kay Jenica. Tandaan mo 'yan, Ulysses kundi ako ang makakalaban mo." Pagbabanta ko kay Ulysses at pagkatapos ay lumabas na ako ng mens locker room.

Kaagad akong nagtungo sa likod ng school at nagsindi ng sigarilyo.

Lintek! Muntik ko nang patulan kanina ang tinanong sa akin ni Ulysses. Sasabihin ko na sana sa kanya na akin lang si Sarina at layuan niya ang pag-aari ko pero mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko dahil alam kong maririnig iyon ng mga kateammates namin at baka makarating pa kay Sarina na matagal ko na siyang inaako bilang sa akin.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko at napakuyom ng kamao.

"Kailangan ko na sigurong gumawa ng paraan para maging akin ka na, Sarina. Hindi ako papayag na maagaw ka ni Ulysses sa akin. Sa akin ka lang.."

SARINA'S POV

Maaga akong pumasok sa school para abangan si Jenica dito sa loob ng classroom namin. Class President kasi siya at kailangang maaga palang ay nasa classroom na siya para magcheck ng attendance namin.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon