Chapter 23

10.7K 273 6
                                    

SARINA'S POV

Kasama sila Jenica at Macy ay kaagad naming pinuntahan si Yohan sa clinic. Nang dahil sa akin kaya siya napaaway. Nasabi kasi ni Macy na pinag-uusapan at binabastos raw ako ng mga nakaaway ni Yohan na estudyante lang rin dito sa St. Therese. Narinig ni Yohan ang pambabastos nila sa akin kaya hindi na ito nakatiis at sinugod na ang mga lalakeng iyon. Naiintindihan ko naman kung bakit nagawa ni Yohan ang bagay na 'yon pero kanina lang talaga ay hindi ko mapigilan ang takot ko nang makita siyang binubugbog at sinasaktan 'yung lalakeng estudyante na nambastos sa akin. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang nakitang magalit si Yohan nang ganon. Kung hindi pa nga siya napigilan nina Alex at Walter ay baka napatay na niya 'yung lalake.

Nang makarating na kami sa clinic ay naabutan namin si Yohan na tahimik lang habang ginagamot ng isang nurse ang mga sugat niya sa kamay. Nasa tabi naman niya sina Alex at Walter. Lumapit naman kami kaagad sa pwesto nila.

"I think, kailangan na naming umalis. Mas maganda siguro kung mag-usap muna kayong dalawa." Sabi ni Alex at nilapitan si Jenica. Ganon rin si Walter at nilapitan si Macy saka ito hinapit sa bewang niya.

Tumango na lang ako hanggang sa makaalis na sila. Nang matapos na ang nurse sa paggamot ng sugat ni Yohan ay umalis na rin ito hanggang sa kaming dalawa na lang ni Yohan ang naiwan.

"Yohan.." Panimula ko.

Nakatingin lang siya sa bintana ng clinic at mukhang malalim ang iniisip niya. Napabuntong-hininga na lang ako saka tumabi sa pwesto niya.

"Are you mad at me?" Tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa bintana.

Umiling naman ako. "Hindi, ah. Naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa 'yon. Binabastos ako nung lalakeng binugbog mo, 'di ba? At alam ko na ayaw mo akong binabastos nang kahit sino kaya siguro hindi ka na nakapagpigil pero Yohan, hindi mo naman sila kailangang saktan pa ng ganon. Ayokong baka masaktan ka rin nila. Importante ka sa akin dahil espesyal kang kaibigan para sa akin." Puno ng sincerity kong pagkakasabi.

Napatawa naman siya nang mahina sa sinabi ko saka nito hinawi ang buhok niya at humarap sa akin.

"Espesyal akong kaibigan para sa'yo, Sarina? Ni minsan ba ay hindi pa higit doon ang nararamdaman mo para sa akin?" Seryoso niyang tanong.

"Anong ibig mong sabihin, Yohan?" Naguguluhan kong tanong.

Bigla naman niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Seryosong-seryoso ang dating niya at para bang may sasabihin siya na napakaimportante.

"Sarina, Mahal kita."

Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya at akmang bibitawan na ang kamay niya nang pinigilan niya ako at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Alam kong nabigla ka dahil sa sinabi ko pero hindi ko na kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko para sa'yo. Simula nang magkakilala tayo noong first year pa lang ay minahal na kita. Hindi ko mapigilang magkagusto sa'yo dahil napakabait at maaalalahanin kang kaibigan para sa akin. Natutuwa rin ako kapag tinutukso tayo na bagay daw tayo para sa isa't-isa dahil gwapo ako at maganda ka. Sarina, mahal na mahal kita. Alam kong kamamatay pa lang ng kababata mong si Trey pero nandito naman ako, kaya kong palitan ang pwesto niya diyan sa puso mo." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Pilit ko pa rin iniintindi ang mga sinabi niya at nang matauhan na ako ay umiling lang ako at lumayo ng kaunti sa kanya. Pilit ko na rin tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagtagumpay naman ako.

Napapikit ako saka nagmulat ulit. "Yohan, nabigla ako dahil sa pag-amin mo. Hindi ko alam na ganyan na pala ang nararamdaman mo para sa akin."

"Sarina, Oo at-"

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon