Chapter 32

7.9K 231 5
                                    

SARINA'S POV

Inaabangan ko ngayon dito sa labas ng school si Kuya Xavier dahil siya raw ang magsusundo sa akin ngayon pauwi at hindi muna ang driver namin. Hanggang ngayon pa rin kasi ay natatakot siyang iwan akong mag-isa dahil baka raw may masama pang mangyari sa akin dahil sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Naiintindihan ko naman si Kuya Xavier dahil noong mga bata pa lang kami ay kapakanan palagi namin ni Ate Annika ang iniisip niya bilang mas nakatatandang kapatid sa amin.

Kasama ko ngayon na nag-aabang sa labas ng school sina Jenica at Alex. Si Macy naman ay maagang umuwi at parang ayaw muna kaming kausapin ngayon. Malamang ay dahil ito kay Wayne. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi maganda ang pakikitungo niya doon sa tao. Mabait naman si Wayne at alam kong kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin. Sana bukas ay makausap ko si Macy at itanong sa kanya kung ano ba talaga ang problema niya.

"Sigurado akong mas gumwapo pa lalo 'yang kuya mo, Sarina! Ilang buwan ko na rin kasing hindi nakikita ang kapatid mo at namimiss ko na ang mala God-of-handsome face niya!" Kinikilig na sabi ni Jenica na hindi man lang maramdaman ang presence ni Alex na masama na ang tingin dahil sa sinabi niya.

"Tama ba ang pagkakarinig ko, Jenica?Nagagwapuhan ka sa kuya ni Sarina at sinasabi mo 'yan habang nasa harapan mo ako?" Sarkastikong sabi ni Alex habang nakataas ang isang kilay.

Natawa naman si Jenica dahil sa sinabi ni Alex. "Gwapo naman kasi talaga at ubod pa ng hot ang kuya ni Sarina kaya bakit nagseselos ka?" Pang-aasar niya.

Tumikhim naman si Alex at umiwas ng tingin. "J-jealous? Who? Pagbubuhulin ko pa kayong dalawa, e!" Parang naiirita niyang sagot na ikinatawa naming dalawa ni Jenica.

He's obviously jealous but he's hiding it. She really likes Jenica.

Siniko naman ni Jenica si Alex at niyakap niya ang isang braso nito. "I'm kidding. I just want to see kung paano ka magselos Mr. Alex De Silva!" Natatawang sabi ni Jenica.

"Hindi nga ako nagseselos. Tsk!" Indenial pa rin na sagot ni Alex.

Napangiti naman ako dahil ang sweet nilang dalawa. Ilang minuto lang ay nakita ko na ang sasakyan ni Kuya Xavier na papalapit sa amin. Kumaway naman ako para makita niya kami. Lumapit naman sa amin si kuya at nang makalapit na siya ay hininto na niya ang sasakyan sa gilid at lumabas mula rito. Halatang kakatapos lang niyang magwork dahil nakasuot pa ito ng business attire pero nakatanggal na ang coat niya.

"Baby girl," Sabi ni Kuya Xavier at hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti naman ako pagkatapos.

"Hi Kuya. Kilala mo naman 'tong si Jenica 'di ba? Ito pala si Alex, manliligaw niya or maybe boyfriend?" Pakilala ko kay Kuya Xavier na ikinayuko ng dalawa.

Tumango at ngumiti naman si Kuya Xavier sa kanila. "Of course, I know Jenica. Nice to meet you, Alex." Sabi ni Kuya Xavier.

"Nice to meet you din po." Sabi naman ni Alex at ngumiti rin.

"So, I need to pick up my sister. Let's go Sarina?" Tumango naman ako at nagpaalam na kina Jenica at Alex.

"Bukas na lang ulit. Bye guys!" Paalam ko pagkatapos ay sumakay na kami sa loob ng sasakyan ni Kuya Xavier. Nagwave naman sila sa akin bago patakbuhin ni kuya ang sasakyan niya.

"We will go to the restaurant and I want you to meet my co-workers." Nakangiting sabi naman ni Kuya Xavier.

Co-workers? Ibig sabihin ba ay nandoon si Kuya Maverick?

"Maverick was not there. Marami siyang inaasikaso ngayon sa Company nila." Tila nabasa naman ni Kuya Xavier ang nasa isip ko pero nanatili lang akong tahimik. Hindi ko alam pero may konting panghihinayang ako na hindi ko makikita si Kuya Maverick. Dapat hindi ko ito maisip!

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon