Epilogue

23.2K 425 72
                                    

SARINA'S POV

After 4 years

(Summer)

Sa dami ng pinagdaanan ko ay hindi ko akalaing aabot ako sa ganitong punto. Noon ay naaalala ko na normal lang ang takbo ng buhay ko kasama ang mga kaibigan at ang pamilya ko pero simula noong mag 4th year high school ako ay doon sinubok ng itaas ang tatag at pananalig ko at pati na rin sa mga taong nandiyan para sa akin.

Makalipas ang apat na taon at graduated na ako ng college ay maraming nang nagbago at isa na doon ay ang sarili ko.

Napagtanto ko na hindi ako pwede umikot sa isang sitwasyon na kung saan ay wala akong daranasing hirap at sakit. Lahat ng napagdaanan ko ay ipinagpapasalamat ko dahil doon ako natutong maging matatag at tumayo sa sarili kong mga paa.

Pagkatapos ng insidenteng nangyari 4 years ago ay nakulong si Yohan kasama ang tunay niyang ama na isang korean citizen at tumulong sa kanya para makalabas sa DSWD. Dahil sa ginawa niya ay ikukulong talaga siya dahil sa krimen at pangingidnap na ginawa nito sa amin ni Maverick. Hindi ko akalain na ang dati kong itinuring na kaibigan ay magiging kaaway ko ng dahil sa matinding obsesyon sa akin.

Si Alex ay nasa ibang bansa na at doon naninirahan kasama si Ate Farah. Pinatawad ko siya sa kasalanang nagawa niya sa akin dahil nagmakaawa siya at lubos ang pagsisisi na nagawa ang bagay na iyon at nakita ko iyon. Nagalit pa nga si Maverick dahil dapat raw ay makulong rin si Alex pero hindi ako pumayag. Kahit papaano ay naging kaibigan ko 'yong tao at binigyan ko ng isa pang pagkakataon para magbago.

Si Jenica ay single pa rin pero napapansin ko na palagi niyang kasama si Ulysses at sa tingin ko ay may nararamdaman na silang dalawa para sa isa't-isa. Naka move-on na sa akin si Ulysses at tanggap ang relasyon naming dalawa ni Maverick.

Si Macy ay boyfriend pa rin si Walter. Recently ay nagbreak sila pero nagkabalikan ulit dahil sa pagiging seloso ni Walter sa mga lalaking nakakasalamuha ni Macy. Hindi ko masisisi si Walter kung bakit niya pinagseselosan ang mga lalaking iyon dahil maganda si Macy at kahit sinong lalaki ay mahuhumaling sa kanya.

Si Ate Annika ay nililigawan ngayon ni Kuya Bryan. Sinasabi ko na nga ba't may nararamdaman silang dalawa sa isa'i-isa dahil nakikita ko kung paano sila makitungo at kitang-kita rin ang sweetness nila kapag magkasama sila.

Si Kuya Xavier ay tanggap na ang relasyon namin ni Maverick. Sina Mommy at Daddy ay ganoon rin at nagpasalamat sila kay Maverick dahil niligtas niya muli ako kay Yohan.

Simula noong nakidnap kami nila Yohan ay kaagad humingi ng tawad si kuya dahil sa ginawa niyang balak na paghiwalayin kaming dalawa ni Maverick. Nagawa lang daw niya iyon dahil natatakot siyang ipagkatiwala pa ako sa ibang lalaki dahil sa ginawa ni Yohan kay Trey kaya naiintindihan ko ito. Single pa rin si Kuya Xavier at patuloy ang pagpaparamdam sa kanya ni Ate Georgina.

Si Kuya Cyril ay kaibigan ko na at paminsan-minsan ay dinadalaw niya ako sa bahay para tignan ang mga inaalagaan kong flowers. Walang malisya sa akin iyon dahil napakabait ni Kuya Cyril pero minsan ay nagseselos sa kanya si Maverick kaya madalang na lang siyang pumunta sa bahay. Masaya siya para sa aming dalawa ni Maverick at nakatulong siya noong time na kinidnap kami nila Yohan.

Si Wayne ay hindi ko na muling nakita. Pagkatapos ng graduation namin noong high school ay umalis siya at hindi ko alam kung nasaan na ito.

"Princess, ang dami namang nagchachat sa'yong mga lalaki. Pwede bang magpalit ka na lang ng bagong account at ako lang ang i-friend mo do'n? This is irritating!" Naiinis na sabi ni Maverick habang tinitignan ang fb account ko sa cellphone.

"Hindi pwede, no! Nandyan kaya 'yong contacts ko sa ibang relatives namin pati na rin sa mga naging kaklase ko noon." Sabi ko at saka inilagay ang mga bulaklak sa harap ng puntod ni Trey.

Nandito kaming dalawa sa sementeryo at dinadalaw ang puntod ni Trey. It's been 4 years since I saw him at sobrang namimiss ko na siya.

He's my first love and everything.

"I miss you, Trey. Sa lahat ng pinagsamahan natin simula nung nakilala kita noong mga bata pa lang tayo. Sa pagtatanggol mo sa mga bumubully sa akin noon at sa pagpapasaya at pagmamahal na ibinigay mo. I miss you so much..." Naluluha kong sabi.

Lumapit sa akin si Maverick at niyakap ako.

Pagkatapos ay kumalas ako sa pagkakayakap nito at umupo banda sa puntod ni Trey.

"I love you so much, Trey at naaalala ko pa na sinabi mong kung mamamatay ka ay 'wag kong pigilan ang puso kong magmahal ng iba bukod sa'yo dahil magagalit ka. Ang akala ko ay nagbibiro ka lang nun pero nangyari pala talaga. Nandito si Maverick Eliazar, siya na ang nagpapatibok ng puso ko."

Kung nasaan ka man ngayon, Trey ay alam kong masaya ka na dyan.

Lumapit at tumabi sa akin si Maverick at humarap sa puntod ni Trey.

"Do you still remember me, Trey? Ako 'yong lalaking pilit kang pinapahiya noon sa harap ng mga magulang ni Sarina para magalit sila sa'yo, and I'm sorry for that. Sobrang mahal ko lang si Sarina at nagseselos ako sa'yo pero alam kong ikaw pa rin ang pipiliin niya kahit anong gawin ko noon dahil mahal ka niya." Malungkot niyang sabi at napayuko.

"Huwag kang mag-alala, napagbayaran na ni Yohan at ng mga kapatid niya ang ginawa nila sa'yo kaya alam kong mabubuhay ka na ng payapa sa kung nasaan ka man. I will also take care of Sarina at mamahalin ko siya ng pang habangbuhay katulad na lang ngayon." Sabi niya pa.

Humarap si Maverick at itinayo ako mula sa pagkakaupo.

"Where do you want to eat after this?" Nakangiti niyang tanong.

"As usual." Sabi ko at nginitian rin siya.

"Sarina, Kuya Maverick!"

Napabaling ang atensyon namin sa tumawag sa pangalan ko at iyon ay si Macy kasama sila Jenica, Ulysses, at Walter na naglalakad papalapit sa amin.

"Kayo pala," Nakangiti kong sabi.

"Dadalawin din namin si Trey at kayong dalawa ni kuya, ah? Mukhang lalanggamin na kayo sa overload sweetness n'yo!" Pang-aasar ni Macy na nagpamula sa buong mukha ko.

"Don't do that, sis. Sarina is blushing." Sabi ni Maverick kaya napatakip ako sa mukha dahil sa hiya.

Natawa silang lahat sa reaksyon ko.

"Oo nga naman pero hindi pa rin masanay-sanay si Sarina kahit ilang taon na sila ni Kuya Maverick." Natatawang sabi ni Jenica katabi si Ulysses na nakangiti sa amin.

"Huwag nga kayong ganyan! Pinagkakaisahan n'yo na si Sarina e," Kunwari pang concern na sabi ni Walter pero alam kong nang-aasar lang din.

"Ewan ko sa inyo!" Kunwaring galit kong sabi at umiwas ng tingin.

Tama sila. Kahit dalawang taon na kaming magkarelasyon ni Maverick ay palagi pa rin akong kinikilig at nahihiya sa tuwing kasama ko siya. Ang lakas pa rin ng epekto niya sa akin maging pati na sa puso ko.

Inakbayan ako ni Maverick. "Okay, enough. My girlfriend is already mad. By the way, saan n'yo gustong kumain, kids? My treat." Tanong niya at biglang naghiyawan itong mga kaibigan ko dahil nakarinig sila ng word na 'treat'.

"Ayon oh! Salamat naman at may grasya na darating!" Parang nagdarasal na sabi ni Walter kaya binatukan siya ni Macy na ikinatawa namin.

"Tumigil ka nga dyan, Walter, para kang sira!" Naiinis na sabi ni Macy pero hindi mapigilang mapangiti.

"Makakatipid na rin ako sa wakas!" Sabi ni Jenica at tinawanan siya ni Ulysses.

Tumingin ako kay Maverick at kanina pa pala siya nakatitig sa akin. Nginitian ko siya at niyakap na ikinabigla niya.

"Thank you so much for everything..."

Napangiti siya at niyakap ako pabalik.

"Anything for you, My princess."

Alam kong marami pang hirap at pagsubok ang tatahakin ko kasama si Maverick pero sisiguraduhin kong hindi mawawala ang tiwala, pagmamahal at pag-aalaga ko sa kanya.

And I guess, he saved me from Danger Alley.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon