Chapter 22

11.6K 304 10
                                    

ALEX'S POV

Napangiti na lang ako nang makareceived ako ng text mula kay Jenica at sinasabi niyang pumunta raw ako sa Canteen dahil nandoon siya pati na rin ang mga kaibigan niya. I smiled at that thought na pumayag siyang ligawan ko siya. Simula kasi noong una kong makita si Jenica ay kaagad nang nahulog ang loob ko sa kanya. Nagustuhan ko siya hindi dahil sa maganda siya kundi nakikita ko na isa siyang mabuting tao at kaibigan, nakikitaan ko rin siya ng leadership bilang isang Captain ng Volleyball Team ng St. Therese. Kaya nga noong makita ko siyang umiiyak nang dahil sa break-up nila ni Ulysses ay hindi na ako nag-atubiling damayan at samahan siya. Kung ako na lang sana ang unang minahal ni Jenica ay hindi na siya masasaktan ng ganon.

"Abot langit ang ngiti mo diyan brad, ah?" Puna sa akin ni Wayne na kasalukuyang nag-aayos ng gamit sa loob ng locker niya.

Nginitian ko lang siya. "Pakiramdam ko talaga e, sasagutin na ako ni Jenica." Full of confidence kong sagot.

"Weh? Ang lakas naman ng bilib mo sa sarili mo na sasagutin ka na ni Captain Jenica. Huwag ka namang magpakampante, brad." Nakangisi niyang sabi.

Nagkibit-balikat na lang ako at aalis na sana nang pigilan ako ni Wayne. "Brad, kumusta na si Sarina? Hindi ba't pumunta kayo nila Yohan sa libing ng kababata niya? Okay na ba siya?" Nag-aalala niyang tanong.

Napakunot-noo naman ako dahil sa biglang pagbabago ng mood niya. "I think she's now okay. Nandiyan naman si Yohan para bantayan at damayan siya. Don't tell me na may gusto ka kay Sarina?" Nakataas-kilay kong tanong sa kanya.

Umiling lang siya at umiwas ng tingin sa akin. "H-Hindi ah. S-Siyempre tinatanong ko lang naman sa'yo kung maayos ba siya dahil mahirap mawalan ng isang kaibigan lalo na't kababata niya pa." Nauutal naman niyang sagot.

Napatawa naman ako ng mahina at tinapik siya sa balikat. "Tama ka naman, Wayne pero halata naman na may gusto ka kay Sarina. Itago mo na lang 'yang nararamdaman mo dahil mahihirapan kang banggain si Yohan." Napatigil siya sa sinabi ko at akmang magsasalita na nang tuluyan ko na siyang iniwan sa locker room.

Napailing at napangiti na lang ako nang maalala ko na nagkagusto rin ako kay Sarina noon at sobra akong nabaliw sa kanya pero dahil sa alam kong wala naman akong pag-asa sa kanya ay nabaling na lang ang atensyon ko kay Jenica.

Sino ba namang lalake ang hindi magkakagusto kay Sarina?

Pagkarating ko sa Canteen ay nakita ko kaagad si Jenica na kumakaway sa akin. Kasama niya sa table sila Sarina na medyo malungkot ang ekspresiyon, Yohan, Macy at Walter. Napapansin ko na parang napapalapit na si Walter kay Macy na isang transferee. Hindi kaya may gusto siya kay Macy? Hindi naman siguro malabong mangyari 'yon dahil maganda at mabait naman ito.

Nilapitan ko naman sila at tumabi kay Jenica. "Nandito ka pala, Walter." Nakangiting bati ko kay Walter.

Ngumiti lang naman siya sa akin at inakbayan ang namumulang si Macy. "Kami na ni Macy, bro." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at ultimo'y nagulat.

"Talaga? Tangina. Ang bilis mo naman, bro." Natatawa kong sagot kaya natawa rin ang iba pa naming mga kasama.

"Nakakagulat nga ang dalawang 'to. Parang noon ay hindi naman sila nagpapansinan tapos ito ngayon, ibabalita na lang nila sa amin na sila na pala." Natatawa namang sambit ni Jenica nang inakbayan ko siya.

"Wala nang ligaw-ligaw na nangyari? Samantalang ako nga ay nililigawan pa lang si Jenica na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sinasagot." Kunwari ay malungkot kong sabi kaya nakatikim ako ng isang batok mula kay Jenica.

"Aray naman, honey. Masakit!" Reklamo ko sa part na binatukan niya.

Inirapan lang naman niya ako. "Maghihintay kang sagutin kita o panghabang-buhay na lang kitang hindi sasagutin?" Pagbabanta niya na ikinagulantang ko naman.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon