03

27.5K 730 20
                                    

SARINA'S POV

Kaagad na naming tinungo ni Macy ang 2nd class na papasukan namin dahil nalate na nga kami sa first subject namin. Masaya siyang kasama at higit sa lahat ay napaka friendly rin niya. Kaya nga tinanggap ko na ako'y isang new bestfriend na niya.

Maganda at masayahing tao si Macy. Sinabi niya rin na isa siyang half German kaya pala mestiza siya at kakaiba ang kulay ng mga mata niya. Siya at ang kuya lang niya ang palaging nasa bahay nila dahil busy ang mga magulang niya sa business ng kompanya nila.

Nagtatrabaho ang kuya niya sa isang sikat na Telecommunications Company bilang isang investors doon. Gwapo at mabait raw ito sabi ni Macy at naniniwala naman ako doon dahil maganda at mabait rin naman si Macy.

Naikwento ko nga rin sa kanya si Trey na kababata ko at matagal ko nang gusto. Kinilig siya nang magkwento ako sa kanya at sinabing baka si Trey na talaga ang magiging future husband ko.

Sana nga ay mangyari iyon at kapag nagkatotoo 'yon ay magpapa-party talaga ako ng bonggang-bongga!

Pagkapasok namin sa 2nd class namin ay tumingin ang lahat ng mga kaklase namin sa amin ni Macy. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang wala pa ang teacher namin para sa 2nd class.

Napagawi ang tingin ko sa upuan ni Jenica at nalungkot ako na hindi rin siya aattend ng 2nd class. Tumingin naman ako kay Yohan na nilapitan kami ni Macy.

"Sarina, bakit ngayon ka lang? Ano ba talagang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Yohan.

Napansin ko naman na natulala si Macy pagkakita niya kay Yohan na hindi pa siya pinapansin.

Bumuntong-hininga ako at sandaling umupo muna sa upuan namin at ikwinento sa kanya ang lahat ng mga nangyari kanina lang. Narinig ko pang napamura si Yohan at kumuyom ang mga kamao niya pagkatapos kong magkuwento sa kanya.

"Shit! Humanda talaga sa akin 'yang Ulysses na 'yan. Hangga't maaari ay iwasan mo na ang lalakeng 'yon ha?" Tumango naman ako sa sinabi ni Yohan.

Napatingin ako kay Macy na kanina pa nakatitig kay Yohan habang nakangiti ito.

Natawa naman ako ng palihim dahil mukhang may gusto na yata siya kay Yohan.

"Ahm.. Yohan, si Macy nga pala, magiging bago natin siyang kaklase at isa siyang transferee." Pagpapakilala ko kay Macy sa harap ni Yohan.

Tumingin si Yohan kay Macy na namula nang tinignan ito tsaka siya ngumiti ng tipid. "Nice to meet you. Sige, babalik na ako sa upuan ko." Pagpapaalam niya sa amin at bumalik na siya sa upuan niya.

Ilang saglit pa ay niyakap ako ni Macy na ikinagulat ko.

"Oh my gosh! Ang gwapo naman ng friend mo! Ang cute pa ng dimples niya. Kyaahhh!" Kinikilig niyang sabi. Natawa naman ako.

"Crush mo na si Yohan nyan?" Panunukso ko.

Walang alinlangan naman siyang tumango. "Oo girl! Nalove at first sight na yata ako kay Yohan my loves!" bulong niya sa akin at saglit na tinignan si Yohan na busy na sa pakikipag-usap sa mga kaklase naming lalake.

Mas lalo pa akong natawa sa sinabi ni Macy pero pagkaraan ay natahimik na kami dahil dumating na ang teacher namin para sa 2nd class namin. Nagpakilala naman si Macy sa mga kaklase namin bilang transferee student. Napatitig pa nga sa kanya ang mga kaklase naming lalake habang nagpapakilala siya sa harap ng klase.

"Pre, ang ganda ni transferee!"

"Oo nga pero mas maganda pa rin talaga si Sarina."

"Tangina ka! Huwag mo nang pagdiskitahan si Sarina dahil kay Yohan na 'yan!"

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon