Chapter 41

7.1K 202 4
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nakaabang na sa labas ng bilibid ang mga kagangmates ni Ace kung saan ay nakakulong ang kapatid nila ni Yohan na si Aldwin. Matagal na panahon rin bago sila nakapaghanda sa pagsugod at pagtangkang itakas mula sa kulungan si Aldwin. Pinaghandaan at pinag-isipan nilang mabuti kung ano ang mga hakbang na gagawin nila bago dumating ang araw na ito. Gusto nang itakas ni Ace ang mga kapatid niya mula sa kulungan pati na rin sa DSWD kung saan ay naroon si Yohan. Hindi niya hahayaang maging miserable ang buhay ng mga kapatid niya. Lintek lang ang walang ganti sa gumawa nito sa kanila.

"Nangangati na talaga ang mga kamay kong patayin ang Bryan na 'yan. Sakto at nandito pa pala siya sa bilibid." Nakangising saad ni Ace habang nakatingin kay Bryan mula sa malayo na nasa likod lang ng bilibid.

"Ano pang hinihintay mo, brad? Turuan mo na ng leksyon 'yan bago pa tayo sumugod sa loob." Sagot naman ni Erick na isa sa mga kasamahan niya.

Tumango lang si Ace at inihanda ang hawak niyang baril kung saan ay ilegal niya iyong naipuslit mula sa mga koneksyon niya sa Drug Transaction Deals na kung saan ay kasapi siya roon.

Kaagad siyang lumapit sa kinaroroonan ni Bryan kasama ang mga kasamahan niya at mukhang kakatapos lang nitong kumausap sa hawak niyang cellphone.

Nagulat si Bryan nang makita niya si Ace at kaagad niyang itinago sa loob ng jacket niya ang hawak niyang cellphone.

"Hindi ko akalain na magkakatagpo pala tayo dito, Mr. Pabibo." Nang-aasar na saad ni Ace na ikinangisi naman ng mga kasamahan niya.

Tinignan naman siya ni Bryan ng seryoso na hindi mababakasan ng takot sa mukha nang dahil kay Ace. "Alam mo bang pinaghahanap na kayo ng mga pulis? Nandito ka na at ng mga kasamahan mo sa kulungan at anumang oras ay makikita tayo ng mga pulis dito at makukulong na kayo." Sagot naman niya.

Humakbang pang lalo si Ace papalapit kay Bryan hanggang sa magkatapatan na sila. "Alam ko na 'yan at handa na ako sa mangyayari ngayon pero ikaw na pabibo at feeling cool, nagpapaka knight-in-shining armor ka ba kay Annika para ikaw ang piliin niya?" Tumawa siya at itinulak si Bryan dahilan para mapaatras ito.

Tinignan siya ni Bryan ng masama pero kalaunan ay nginisian siya ito. "Bakit? Sa tingin mo ba ay mas pipiliin ka ni Annika kaysa sa akin? Isa kang mamamatay-tao at adik pa kaya ano bang magugustuhan sa'yo ni Annika?" Sagot niya.

Doon ay sumabog na sa galit si Ace at kaagad niyang sinuntok sa mukha si Bryan dahilan para matumba ito sa sahig. Hinawakan naman siya sa magkabilang braso ng iba pang kasamahan ni Ace. Sinuntok at tinadyakan pa niya ito ng paulit-ulit dahil tila nainsulto siya sa sinabi nito. 

Tinulungan naman siya ng iba pang mga kasamahan niya na bugbugin pang lalo si Bryan na pilit iniinda ang sipa at tadyak na natatanggap niya mula sa mga kamay ni Ace. Napasuka na rin ito ng dugo.

"Ang lakas naman ng loob mong insultuhin ako. Hindi mo ba ako kilala? Ako si Ace Suarez at lahat ng tao ay natatakot sa akin. Alam mo bang magiging girlfriend ko na dapat si Annika? Pero ikaw na isang tarantado at paepal ay nagpapa goodshot na ngayon sa kanya kaya ngayon masama na ang tingin niya sa akin!" Sinuntok at muli niyang sinipa si Bryan dahilan para mapaubo pa ito ng maraming dugo.

Walang awa na mababakas ngayon kay Ace dahil nasanay na itong manakit ng tao. Parang normal lang sa kanya kahit pa ang pagpatay ng tao maitatak lang sa kokote ng mga kumakalaban sa kanya na siya ay isang makapangyarihan at kinatatakutang lalaki ng lahat.

"Lantang gulay na 'to, tol. Hindi pa ba tayo titigil?" Tanong ni Felix na nakahawak sa isang braso ni Bryan na nakahandusay sa sahig.

"Hangga't hindi sinasabi ni Ace na hindi tayo titigil ay hindi tayo titigil. Maliwanag ba?" Inis namang sagot ni Al na nakahawak sa isang braso ni Bryan.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon