Chapter 2

132 21 5
                                    

Chapter 2: Philippines

***

Hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita ko habang papalabas sa airport. Ang tagal ko ring hindi naapakan ang bansang ito. I was only 10 when we migrated in China.

My mom is a full blooded Filipino, and my dad is a full blooded Chinese that makes me Filipino Chinese.

Mabuti na rin pala ang rule ni mom. Na pag sa bahay, we should always speak tagalog. Kaya kahit ilang taon akong nanirahan sa China, hindi ko talaga nakalimutan magsalita ng tagalog.

Inayos ko ang face mask na nakatakip sa mukha ko. Iginala ko ang mata ko para makita ang pinsan ko. Nasaan kaya 'yon? Kinuha ko ang cellphone ko para matawagan siya pero hindi ko pa napipindot ang calling button nang biglang may batang bumangga sa akin. Nanlaki ang mata ko nang mawalan ng balanse.

Napapikit na lang ako sa takot na tuluyang bumagsak. Pero bago pa 'yon mangyari, naramdaman ko na ang malakas na brasong sumalo sa akin.

"Putcha! Mag-ingat ka kasi Miss!" Minulat ko ang mata ko. Isang napakagwapong lalaki ang bumungad sa akin. May magagandang kulay asul na mga mata, matangos na ilong, at mamula-mulang labi.

I have been in the showbiz industry for many years. I met many handsome guys, but not as breathtakingly as this guy in front of me. 

Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya. Napakaperpekto ng kanyang mukha. Ilang sandali lang ay kumunot ang noo niya.

"Hoy Miss Chinita! Gising na sa pagkakatulala. Pasensya na kung hindi mo matitigan nang matagal ang kapogian ko. Wala na akong oras, eh. Nagmamadali ako." Agad akong napabitiw sa kanya. Napasimangot ako. Gwapo sana, mahangin naman.

"Thank you," pilit kong sabi.

"Tsk, minsan kasi Miss. Huwag i-ugali ang pagiging tanga, huh." Kumindat siya pero walang naging epekto sa akin dahil nag-init ang ulo ko sa narinig mula sa kanya.

"Don't call me dumb! Kung babastusin mo lang ako. Sana hindi mo nalang ako tinulungan. Pangit!" Tinapakan ko ang paa niya at mabilis na hinila ang maleta ko.

"Aww! Shit!" Narinig ko pa ang malakas niyang daing. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko para makalayo.

"Hoy babae!" sigaw niya pero nagpanggap akong hindi siya naririnig.

Nasaan na kasi si Kuya? Tatawagan ko pala. Pero nanlaki ang mata ko nang hindi ko mahanap ang cellphone ko. Bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina. Hayst! Nahulog ko siguro kanina. Napagulo na lang ako sa buhok ko. Nasa labasan na ako.

Nanibago ako sa init. This country is really hot.

"Faye?" Napalingon ako sa likod ko.

"Kuya Brandon!" Agad ko siyang niyakap.

"Uy! Hinay-hinay princess," tumatawang sabi niya.

"I miss you!" nakangiting sabi ko.

"I miss you too, Princess. Tara na, mabuti nga at nakita na kita. Kanina pa kita hinahanap," aniya at inakbayan na ako. Kinuha na rin niya ang maleta ko.

"It's because of that arrogant guy," I murmured. 

Napakunot-noo siya. "Are you saying something?" Napairap na lang ako. "Nothing, kuya." Ayaw ko nang maalala ang lalaking 'yon.

Manghang-mangha ako sa mga nakikita sa labas. Mga hindi ko nakita noon. Marami na talagang nagbago.

"Sobrang saya kong umuwi ka na prinsesa. Na miss ka namin."

"Gusto kong manirahan muna rito habang nagpapagaling," mahinang bulong ko.

"Right decision, I will try my best to help you."

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin