Chapter 11

129 18 7
                                    

Chapter 11: Girlfriend

***

"Ako na ang magbibigay. Ikaw na lang ang magbarya sa kanila." Utos niya sa akin habang inaabot ang isang bilog na bagay na may takip.

Tinitigan ko muna ito. Inaalala kong saan ko ito nakita.

Agad naman nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano iyon.

Mom use this as urinal!

"Uy, kunin mo na," mahinang bulong niya at pilit itong inaabot sa akin.

"Yuck, that is use for urinating!" Hindi ko mapigilang isigaw. I can't imagine myself holding that thing. Siguradong maraming germs!

Binalingan niya naman ang mga bumibili at pekeng ngumiti. "Pili lang kayo, kausapin ko lang itong girlfriend ko. Alam niyo na, medyo engot. Alam ko pala bilang ng mga iyan, bawal sumobra!" Inakbayan niya ako at medyo inilayo sa kumpulan.

Inis ko namang tinanggal ang pagkakaakbay niya. "Hindi ako engot! I know that thing, my mom use that!" sigaw ko. 

Pinitik niya naman ang noo ko. "Baliw ka talaga! Sinisira mo diskarte ko. Oo, arinola ito pero bagong bili ito hindi ko inihian kung iyan ang iniisip ng lintik na R.K mong utak!'' gigil niyang sigaw at basta na lang iniabot sa akin.

"Malay ko ba!" Napairap ako. Napagulo naman siya sa buhok at bumuntong-hininga.

"Malinis 'yan, arte nito. Saka, ginagamit talagang lalagyan 'yan ng pera kasi pampaswerte. Ang hirap ng may kasamang tanga." Napasimangot ako at wala na lang nasabi.

Kainis talaga siya! Eh, hindi ko nga alam na ginagamit pa lang pampaswerte. Tanga na agad?

I hate him!

"Oh, bawal ang sobra ah! May cctv rin dito." Pananakot niya. Tahimik na lang akong tumulong sa kanya habang mukhang honesto naman sa pagbayad ang mga bumibili. Karamihan mga estudyante.

"Kuya, girlfriend mo ba talaga si ate? Hindi ba, ang girlfriend mo iyong magaling mag-ballet? Iyong anak ni ex mayor?"

Agad akong napatingin sa kanya. May girlfriend pala siya?

Pinanood ko ang magiging reaksyon niya. Natigilan siya at biglang nabura ang ngiti niya.

Kita ko rin ang pagkuyom ng kamao niya. Galit ba siya?

"Hindi, sino naman nagsabi? Naging bodyguard lang ako non. Huwag kayo maniwala sa mga tsismis." Saka bumalik ang ngiti niya at bigla na lang akong itinuro at kinindatan.

"Siya, ang totoong girlfriend ko," nakangiting sabi niya.

"Talaga? Kahit pangit siya?" Napasimangot naman ako sa straightforward na tanong ng bata.

"Pangit ba siya? Peklat lang ang meron sa mukha niya, pero hindi ibig sabihin pangit na siya. Sa mata ko at sa puso ko, siya pa rin ang pinakamagandang babae. Hindi ba mahal?" Kinindatan niya ako ulit.

That made my heart thump faster and I could feel the blood rushing to my face. Shit! Am I blushing just because of his corny lines? 

"Yeah," napipilitan na sabi ko. Lalo namang lumaki ang ngiti niya. Tuwang-tuwa lang na pinagba-blush niya ako. Bwisit!

"Ang sweet naman ni kuya. Ate ang swerte mo po." Tipid na lang akong ngumiti sa kanila. Gago talaga! Dinadamay na naman ako!

Dumami at dumami nga ang bumibili sa amin. Masaya rin pala itong gawin. May mga makasasalamuha kang iba't-ibang klase ng tao. Na sa simpleng street foods lang, masaya na.

"Oh, ako muna rito. Kumain ka muna." Nagulat ako nang may inabot siyang styrofoam sa akin. Naglalaman ng kanin at isang fried chicken.

Napakamot pa siya sa batok. "Hindi ko alam kung anong gusto mo eh. Kaya 'yan na lang binili ko."

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Where stories live. Discover now