Chapter 3

127 20 0
                                    

Chapter 3: Laugh

***

Hinaplos ko ang kalahati ng mukha ko. Magaspang. Parang 'yong balat ng mga halimaw sa mga dramas. Hindi ko masisisi kung matakot o mandiri man ang ibang tao dahil ni maski ako nga, kay hirap pang tingnan ang mukha ko sa salamin.

Kalahati kasi ng mukha ko ang nasunog. Habang ang kahalati ay maayos naman.

Isinuot ko na ang face mask ko at pinantakip ang bangs ko sa parteng hindi nito matakpan.

"You are now, Faye Cameron. You can do this!"

I used my middle name which is Cameron. Naisip ko kasing mas magandang hindi ko gamitin ang surname ko since baka mahalata ang totoong pangalan ko.

Habang naglalakad. Hindi ko mapigilang malula sa lawak ng unibersidad.

Napangiti ako habang kasabayan ang mga studyante. Kahit kailan hindi ko ito naramdaman.

The peace of walking freely. Feeling the student ambiance.

Doon kasi sa China, kahit kailan hindi ko naranasan ito. Kahit saang lugar ako pumunta dinudumog ako. Palaging may kasamang mga bodyguard.

"Miss, freshman?" Napatigil ako sa paglalakad. Tanong ng isang napagandang babae. Sobrang amo ng mukha nito.

Tumango ako. "Yes." Maybe one of the student officer here.

"Follow those girls. You have your orientation."

"Thank you," simpleng sagot ko at nagmadaling hinabol ang mga babaeng itinuro niya.

Maraming studyanteng nakalinya na pagdating ko. May nagsasalita na rin sa harap. Nakilinya na ako, nasa may pinakalikod ako.

"Success starts from now. You are entering the last step before you become a professional. You should enjoy it and—" Nawala ang pokus ko sa pakikinig nang may tumapik sa akin. Nilingon ko ito.

"Hi!" Kumaway sa akin ang isang nerdy na babae.

But not a typical nerd. Yeah, she wears thick glasses, but the way she dresses herself is not like those usual outfits of nerds shown in movies and TV. She is a modern nerd. She's a black beauty too, like those Barbie dolls. 

"Hello!" nakangiting sagot ko. Nasa likuran ko siya. Ngumunguya ito ng bubble gum at mukhang kanina pa naiinip.

"New style? May sakit ka? Allergy?" sunod-sunod na tanong niya sabay turo sa suot kong face mask. Umiling ako.

"Then what?" nalilitong tanong niya. Mabuti na lang talaga nasa pinakalikod kami kundi baka napagalitan na kami. I can say, she has an unstoppable mouth.

Senenyasan ko siyang lumapit sa akin.

"Because I'm ugly," saad ko. Nanlaki ang mata niya pagkatapos ay bigla na lang humagalpak ng tawa.

Na naging dahilan para magsilingunan ang mga ibang studyante sa direksyon namin.

"What's the commotion there?" Agad akong humarap. Tumigil na rin siya sa pagtawa pero halatang pinipigilan niya lang.

What's funny?

Tinapik niya ulit ako pero 'di ko na siya nilingon. "What?" tanong ko habang nanatili ang mata sa harapan. Wala na akong naiintindihan sa mga pinagsasabi sa harap.

"I like you. For all reasons, yours was the most epic one I ever heard." Rinig ko ang mahinang tawa niya.

"I'm not joking, it's true," sabi ko. Nilingon ko na siya dahil bumababa na ang mga speakers. Nagsisi-alisan na rin ang mga ibang studyante. Tapos na siguro.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Where stories live. Discover now