Chapter 25

83 11 1
                                    

Chapter 25: Dream

***

"Anong itsura 'yan? Para mo namang pinaglalamayan ang mukha ko." Nakangisi kong tukso kay Phythos. Kanina pa kasi siya nakasimangot at halata ang sobrang kaba. Walang tigil din ang paghaplos niya sa peklat ko.

"Mine, hindi ka ba talaga takot? Paano kung magkamali sila tapos hindi 'yong dati mong mukha 'yong kalalabasan?" Naparoll eyes ako at pinitik ang noo niya.

"Huwag ka masyadong praning. Sabi ni Kuya Brandon. Pinakabest plastic surgeon dito sa Pilipinas ang mag-oopera sa akin."

"Masakit 'yong ituturok nila sa mukha mo tapos gagamit pa yata sila noong parang kutsilyo. Sobrang sakit noon." 
Natawa na lang ako sa itsura niya halatang tinatakot lang ako.

"Phythos, gagamit sila ng anesthesia at sigurado namang tuturukan nila kaagad ako ng pampatulog. Kaya wala akong mararamdaman."

Napatungo naman siya. "Okay," mahinang bulong niya. Tuluyang sumuko na.

I know he is just scared and still really wants to convince me to not continue this.

Hinawakan ko ang kamay niya. "I will be okay." I assured him.

Dapat nga uuwi rin sina Daddy at Mommy para nandito rin sila sa operation ko pero sinabi kong huwag na. Saka sakto may important business meeting sila sa Europe kaya hindi na sila natuloy.

I'm kind of relieved though.

Natatakot kasi ako na malaman nila ang tungkol sa amin ni Phythos.

I know them. They are supportive parents, but I know if they meet Phythos. They will definitely judge him and oppose this relationship.

Hay! Hindi ko muna dapat ito iniisip may operasyon pa akong haharapin.  

"Nga pala gusto mo bang makita 'yong dati kong itsura? I have many pics here!" excited kong sabi sabay lahad ng cellphone ko sa kanya. Sinilip niya lang naman ito at ibinalik kaagad sa akin.

"Hindi ka nagagandahan sa akin?" nagtatampong tanong ko. Napabuntong-hininga naman siya at muling ibinalik ang paghaplos sa peklat ko.

"You looked like a goddess, without scars. But, I am more attached to this look of yours. The woman with scars is the one I love first." May kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi niya.

Napangiti ako. "Don't worry, you will also love the original version of me," kumpyansang saad ko.

"I love all the version of you," nakangiting sabi niya at hinalikan ang noo ko.

"Mag-picture na nga muna tayo habang hindi pa natatanggal itong peklat ko. It will be my remembrance!" I said happily.

"My precious remembrance too," nakangising sabi niya at inilabas ang
keypad niyang cellphone para kunan ako ng litrato.

Agad akong napangiti. Ilang litrato pa ang kinuha niya sa akin bago siya tumabi sa akin para magselfie nang saktong magclick ang camera ay biglaan niyang hinalikan ang peklat ko. He is really the sweetest.

Nang matapos ay kinuha ko naman ang phone ko at doon din kami nagselfie.

I kissed him on the cheeks while he was grinning and that was the most perfect picture that I ever saved on my phone. 

"Miss Cameron, meron na po si doc. Pwede ka na pong pumasok," saad ng nurse na lumapit sa amin. Tumayo na ako. Nilingon ko muna si Pythos na nanatiling nakaupo at matipid na ngumiti sa akin.

Doon ko lang naramdaman ang kaba nang pumasok na ako sa mismong operating room. Sinalubong ako ng mga nurses at isinuot na nila sa akin ang hospital gown.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon