Chapter 5

128 21 0
                                    

Chapter 5: Knight

***

Kinakabahan ako habang papalapit sa building namin. Pagkatapos nang ginawa kong pagwalk-out kanina. Baka...baka.

"Sa wakas! Naabutan kita!" Napatalon ako sa gulat. Nilingon ko ang salarin. Nakangisi na naman ito. Nakakairita.

"Bakit ka sumunod? Dapat sa clinic ka na lang para maipagpahinga mo 'yang paa mo." Pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lamang ito. May sira nga yata utak nito. Feeling close pa.

"Ayaw ko nga, iniwan mo pa ako sa bruha." Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Bruha?" tanong ko.

"Wala! Tara!" Hinatak na niya ako. Nasa harap na kami ng room namin  pero nanatili akong nakatayo sa labas.

"Pasok na." Tulak niya sa akin pero umiling ako. Naparoll eyes naman siya.

"Akong bahala." Pinigilan ko siya ng akma niyang bubuksan ang door knob.

"Huwag!" Pilit ko siyang pinipigilan. Napahinga ako nang sa wakas ay bitiwan niya. Hinarap niya ako.

"Huwag kang matakot okay? Walang mangyayari sa iyo, kung puro ka takot. Saka tanggalin mo na nga 'yan. Hindi ka pangit." Wala akong nagawa nang tinanggal niya ang face mask ko.

"Sa katunayan marami pang taong mas pangit sa iyo. Hindi ko alam kung anong dahilan para makuha mo 'yan pero sana isipin mong may dahilan 'yan kung bakit nangyari. At hindi pwedeng dahil diyan hindi ka na magkaroon ng confidence." Nahipnotismo ako sa mga mata niya at sa mga sinasabi niya.

"Kaya mo 'yan, okay? Pumasok ka na." Wala ako sa sariling tumango at lakas loob na binuksan ang pinto. Nilingon ko siya. Nakangiti lamang siya habang naka-okay sign.

"At last, Ms. Cameron, nandito ka na."
Napayuko ako. I realized, what I did earlier is a mess.

"Don't worry, kinausap ko na ang kaklase mo. Anong sasabihin niyo kay Miss Cameron?"

"I'm sorry Faye!" Napaangat ako ng tingin. Anong nangyari? Bakit parang nahihiya sila sa akin at mukhang pagod.

"Ano? Hindi niya marinig!"

"I'm sorry Faye!" malakas nilang sigaw. Nilingon ko si Sir. Nakangiti na ito sa akin.

"Pinapatawad mo na ba sila Ms. Cameron?" Napakagat ako sa labi.

"Opo," medyo paos pa ako sa naging sagot ko dahil sa gulat.

"Well, that's good. Remember class, a foundation of a good classroom is a good relationship with your classmates. Ayaw ko ng maulit 'yung ginawa niyo kay Ms. Cameron kanina maliwanag?"

"Yes Sir!" sabay-sabay nilang sagot.

"You may take your sit Ms. Cameron." Tumango ako pero nilingon ko muna ang pinto kung nasaan ang unang taong nagpalakas ng loob ko. Nakatayo pa rin ito doon, ngumiti ito at kumaway bago tuluyang naglakad paalis.

Napangiti ako. With my ugly face, I can't believe. I will meet people with such a good heart. Not to mention, the first person who showed...is a man.

Him, my knight and shining armor.

Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko. Panay ang paghingi ng tawad ng mga kaklase ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Sir sa kanila pero nakikita ko namang sincere sila.

"Uy, saan ka pumunta?" agad na tanong ni tanong ni Bea.

"Hindi ko alam kung saan banda 'yun eh. Basta nagpalipas lang ako ng sama ng loob."

"Sorry kanina, hindi kita naipagtanggol." Ngumiti ako.

"Ano ka ba! Okay lang."

"Alam mo bang hinanap ka namin sa buong University. Galit na galit kanina si Sir, nakakatakot pero syempre hindi ako natakot kasi ang pogi niya." Humalakhak ito. Napailing na lang ako. "Pinarusahan niya 'yung mga tumawa at humusga sa iyo. Nagjogging sila sa field." Nanlaki ang mata ko.

"Grabe naman!" Inilibot ko ang paningin ko kaya pala mukhang haggard at pagod na pagod ang mga ilang kaklase ko.

"Oo, ang hot niya nga habang pinagsasabihan niya ang mga kaklase natin. I think, I'm inlove with him." Kilig na kilig pa ito. Parang naghuhugis puso pa ang mga mata.

Napatampal ako sa noo nang may maalala. Hindi ko pala alam ang pangalan niya. Paano ko siya makikita mamaya.

"Ahm, Bea may kilala ka bang gwapong lalaki rito sa University?" tanong ko.

"Bakit may nakita ka?" Tumango ako.

"Wow, ang swerte mo naman. Lumabas ka lang may nasalubong ka ng pogi. Bakit ako lumabas naman? Wala naman akong nasalubong. Maliban syempre kay Sir Gilbert hehehe." Napailing na lang ako.

"Sira! Gusto ko malaman kasi siya nagbigay ng lakas loob kanina sa akin para bumalik dito. At saka may atraso pa ako sa kanya."

"Atraso? Ano naman?"

"Secret.'' Napanguso naman siya.

"Ang daya!" 

"Back to the topic, may kilala ka?"

"Ahm—" Nakatingin lang ako sa kanya na parang nag-iisip. "Mabait? Hot? Matangos ilong? Matangkad?" Tumango-tango ako.

Naexcite ako, baka nga kilala niya. Di na ako mahihirapan.

"Maliban kay Sir Gilbert, wala eh." Nalaglag ang panga ko. Pambihira! Akala ko pa naman kilala na niya.

"Akala ko naman alam mo na."

"Peace bes!" natatawang sagot niya. Ano pa nga bang mapapala ko sa babaeng 'to?

Nakatatawang isipin lang. Na ngayon pa lang kami nagkakilala pero ang gaan agad ng loob namin sa isa't-isa at parang matagal ng magkakilala.

"Malaki na ang sira mo."

"Uy! Grabe ka naman! May naisip na  ako kung paano mo malalaman ang pangalan niya," nakangising sabi niya at napakindat pa.

"Ano?" Ngumisi siya.

"Watch me." Tinapik niya ang babaeng nasa harapan namin. Lumingon ito sa amin. Mukhang mahiyain.

"A-ano 'yon?" mahinang tanong nito.

"May itatanong ako. May kilala ka bang mabait, hot, matangkad, matangos ilong, gwapo in short ideal guy dito sa University? Maliban kay Sir Gilbert." Napailing ako sa dire-diretsong tanong niya.

"Ahm, kung mabait siguro si..."

"Oo nga! Mabait, sino 'yon? Anong pangalan niya?" Pinipigilan ko na si Bea dahil sa sobrang excitement hindi niya nahahalatang natatakot na ang kaklase namin.

"B-baka si Senior Phythos, siya lang naman ang kilala kong mabait at gwapo." Kita kong kinakabahan siya pero hindi nakatakas sa akin ang pagdaan ng kislap sa mata nito.

Oh, she's one of his admirer.

"Phythos? Anong course niya?"

"Business Administration din. Siya ang Senior representative ng department natin." Parang proud na proud pa ito.

"Thank you girl. Ang bait mo!" natatawang sabi ni Bea at nakangising bumaling sa akin.

"Wow, big catch pala si prince charming mo!" Tukso niya. Umiling ako.

"Huwag mo nga bigyan ng kahulugan." Napasimangot naman siya.

"Bakit hindi mo siya gusto? Sige, kapag nakita ko siya. Akin na lang," nakangising turan niya.

Natawa na lang ako. "Ewan ko sayo!"

I need to strive for my confidence more. This day, I realized not all people will laugh about my appearance. There are some people who don't judge me.

I must stick to this little hope that time will heal my face.

And maybe even my broken heart.

***

Shels<3

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Where stories live. Discover now