Chapter 10

104 16 0
                                    

CHAPTER 10: Vendors

***

"Ano ba ito ang hirap-hirap naman!" reklamo ko habang tinutusok ang mga binili niyang mga street foods.

Nakakainis lang kasi umagang-umaga binulabog na niya ang pagtulog ko para lang dito.

Kung bakit kasi ang gwapo niya? Ayun tuloy pinapasok siya agad ng bantay sa dorm. Exclusive for girls nga iyon eh pero nakapasok pa rin siya. Pa-VIP, akala mo naman rich kid.

Hindi ko rin namalayang ilang linggo na rin kaming magkasama. Pagkatapos ng klase ko, saka ako sasama sa kanya sa mga raket niya.

Mga, kasi ang dami. Iba-iba kada linggo.

I don't know how he get used to that kind of life.

Naranasan ko nang magbigay ng mga posters, magpinta sa mga waiting shed, at maging waitress.

At heto ngayon, ang magbenta ng street foods.

Medyo magaling na ang paa niya pero ewan ko ba. Gustong-gusto ko pa ring sumama sa mga raket niya since tingin ko may natutunan naman akong panibagong bagay.

And it really makes me feel satisfied and excited. But I will never let him know it. Baka abusuhin niya.

"Anong gusto mo? Ikaw dito sa usukan at magpaypay. Para lang 'yan! Kahit bata nga kayang gawin," sermon niya. Lalo akong napasimangot.

"Edi sila na magaling! Buong buhay ko hindi ko pa ito nasubukan," maktol ko habang pilit inaayos para hindi malaglag.

"Maganda pala at naranasan mo na ngayon. I already made you realize how hard the work of those poor people is. " 

"I don't need this!" gigil kong sabi dahil nalalaglag pa rin.

"Hay, ang tanga mo talaga." Sisigawan ko na sana siya pero nagulat ako nang nasa likod ko na pala siya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang kamay niyang nakahawak na sa stick na hawak ko.

And then, he started guiding my hand.

"Ganito kasi ang dapat na paglagay mo. Tusukin mo ng alternate, hanggang sa matapos huwag mong tusukin ng diretsahan hanggang dulo. Dapat hinay-hinay para mas masarap."

Teka lang, bakit parang double meaning? Napalingon ako sa kanya. Agaran ko siyang itinulak nang makita ang ngisi sa mga labi niya.

"Bastos!" Inosente naman niya akong tiningnan. Kunwari pa 'to! Tsk!

"Anong bastos doon? Ikaw huh, ang dumi ng utak mo." Napayuko na lang ako at tinularan na lang ang unang ginawa niya. Masyado na nga yatang madumi ang utak ko.

"Nga pala, bakit ka gumagawa ng ganito?" tanong ko. Napangiti naman siya.

"Kasi, nalaman kong mabenta pala ang mga ganyan diyan sa may park. Sigurado, mauubos 'yan. At kapag nangyari iyon, may pera na naman ako!" tuwang-tuwang sigaw niya na parang na-i-imagine na niya agad ang pera.

Parang lumambot ang puso ko. Ganun nga siguro talaga, mababaw lang ang kaligayahan ng mga mahihirap.

And it warms my heart.

Halata ang kalayuan ng personalidad namin. Kahit kailan hindi ako sumaya sa pera ko. Hindi sa pagmamayabang milyonaryo na ako sa murang edad ko pero parang wala lang naman iyon sa akin. Inuubos ko lang sa mga luho ko. Walang pakialam, dahil alam kong kikitain ko rin naman agad.

Ngayon ko lang na realize na sobrang mahalaga pa rin pala ang pera.

"Hindi ka makarelate 'no? Pasensya na po mahal na prinsesa. Mahirap lang ako."

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum