Chapter 17

97 10 1
                                    

Chapter 17: Anxiety

***

"Because, I know now my real feelings for her. I love you Faye Cameron and I want us to be real!"

"No, why would I? For me, this imperfections of yours made me fall harder."

"Shit! Kalma na self!" Ibinaon ko ang mukha ko sa unan para itago ang kilig ko.

Hating gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Gising na gising pa rin ang diwa ko dahil sa mga nangyari kanina. Patuloy na nagre-replay sa utak ko na tila isang sirang plaka.

I've never imagined myself falling in love so easily. And in just a span of 4 months, I already have a boyfriend.

Nang umuwi ako dito sa Pilipinas ang tanging iniisip ko lang ay maka move on at makapagsimula ng bagong buhay. Pero sa sobrang sakit ng damdamin ko, inisip kong napakaimposible ring mangyari 'yon. Ang maghilom ang puso ko sa maikling panahon.

But it happened and maybe because I found the right person. Lord, lead my path to him. I confirmed that there are really reasons behind every obstacles. 

I'm beginning to think that Phythos and I are really soulmates. 

Kung hindi nakipag-break si Aljhon at hindi ako nasaktan ng sobra. Edi sana hindi ako nakapagdesisyong umuwi dito sa Pilipinas. Hindi sana nagkrus ang landas namin ni Phythos at hindi ko mararanasan ang mga bagay na lihim kong hiling lang noon.

Everything is in the right place now.

Matutulog na sana ako nang may maalala. Oh my god! I think I forgot something. I'm here in the Philippines. 

So, there's a courtship phase! 

But I think it's still okay if we break and skip it, right? According to Google, courtship is about getting to know each other and developing a deep relationship. 

We already developed that during our friendship phase. 

Sa China kasi hindi naman uso ang courtship phase. It's usually dating that starts it all.

Okay, I really should sleep now. Ang dami-daming pumapasok sa isip ko.

"Ang swerte niya, 'no!"

"Oo nga, grabe 'yong pag-amin ni Senior Phythos kahapon."

"Mas lamang pa rin pala talaga ang puso kaysa mukha."

"Well, kung titingnan mo pa lang mabuti. Maganda siya, lalo na kung wala na ang peklat niya."

"Faye!" Agad akong napangiti nang makita si Bea na naghihintay sa akin.

Niyakap niya ako kaagad.
"Bakit bigla ka na lang nawala kahapon?" I can't help but to ask.

"Another important matter again. Pero, I'm happy for you. Nalaman ko sa mga tsismosa dito ang ginawang big confession ni Phythos sa 'yo kahapon." Umakyat naman ang dugo sa mukha ko. Hindi ko pa rin maiwasang kiligin.

Kiniliti niya naman ako. "So, kayo na ba?" Napakagat ako sa labi at tumango.

"Whoo, ang bilis niyo rin." Namula naman ako lalo.

Hinawakan niya ang balikat ko para iharap sa kanya.
"Look, Faye, I'm really happy that you chose him. I think you're really perfect for each other." Napangiti ako.

Kaso, may bigla akong naalala.

"Bea, is it really okay that we skip the courtship phase? Does it make me an easy to get girl?" Hindi ko mapigilang itanong.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Where stories live. Discover now