Chapter 6

128 21 1
                                    

Chapter 6- Dance

***

"Ah! Excited na akong makita si Prince Charming!" kinikilig na sabi ni Bea habang naglalakad kami papunta sa room ng seniors. Saktong naglalabasan na ang mga studyante.

"Bea! Aayon siya oh!" Turo ko nang makita si Phythos. Phythos naman siguro talaga ang pangalan niya pero pagbaling ko. Wala na siya sa tabi ko.

"Faye, alis na ako. May emergency kasi!" sigaw niya habang hawak ang cellphone niya. Parang takot na takot pa ito. Naguguluhan man, tumango na lang ako.

Sana, kung ano man ang emergency 'yon. Okay lang sana.

"Oh, ang galing naman pala ng pang-amoy mo, Miss Tanga. Nahanap mo ako kaagad." Nakangisi ito pagbaling sa akin. Napasimangot ako.

"Bakit may suot ka na namang ganyan?" Turo niya sa face mask ko. Aalisin niya sana pero pinigilan ko.

"Huwag mo tanggalin! Wala ka na bang pasok?" Tumango siya. "Tara na!" Anyaya ko. Ang dami na kasing nakatingin sa amin. Nagbubulungan pa.

Inakbayan niya ako pero tinanggal ko. May pagkapilyo talaga ang lalaking ito. Saka napaka feeling close.

"Ah! Ang sakit ng paa ko. Pambihira, akala ko ba nandito ka para pagaanin ang buhay ko." Napasimangot pa ito at bahagyang lumayo sa akin.

Naparoll eyes na lang ako halata namang umaarte lang siya. Ako na lang ang kumuha sa kamay niya at inilagay sa balikat ko.

"Swerte mo, ang daming babaeng pinapangarap na akbayan ko," nakangising turan niya.

"Tsk, ang hangin!" Tinawanan lang naman niya ang sinabi ko.

Pagdating namin sa labasan. Nilingon ko siya dahil hindi ko alam kung saan kami sasakay.

"Huwag mo sabihing hindi mo alam magtawag ng masasakyan natin?"  Napakagat ako sa labi at umiling.

Hindi ko rin alam kung saan kami sasakay. There are 3 wheels na dumadaan 'yong parang motorcycle pero may bubong. Kahit kailan hindi pa ako nakasakay noon.

"Hay! Ano ba nga ba!" Napabuntong-hininga siya. Eh, sa hindi ko alam.

"Kuya, para po!" sigaw niya. Agad namang may tumigil sa tapat namin. Sumakay na siya, pero nanatili pa rin akong nakatayo. Parang sobrang maaalikabokan naman kami.

"Ano pang hinihintay mo? Tara na!" Hinatak na niya ako pasakay. May kutson din pala sa upuan.

Nilingon ko siya.

"Ahm, anong pangalan nito?" tanong ko sabay turo sa sinasakyan namin.

"Hindi mo alam?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Kaya nga, nagtatanong diba?" asar kong balik na tanong sa kanya.

"Ito, tricycle ang tawag dito. Kapag hindi naman ganun kalayuan ang pupuntahan mo, dito ka sumakay." Napatango ako.

"It's cool." Ngumiti ako.

"Yan ang hirap sa hindi pilipino, eh." Nanlaki ang mata ko. "Excuse me, pilipino ako! Kaya nga ako marunong magtagalog."

"Marunong ka nga, pero simpleng tricycle hindi mo pa alam." Napaismid na lang ako. Nakakainis siya!

Ngumisi naman siya nang makita ang reaksyon ko. "Uy! Joke lang!" Hindi ko siya pinansin.

"Hoy! Ito naman, nagbibiro lang." Hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang sa kiniliti niya na ako.

"Ah! Stop it!" Pilit ko siyang pinipigilan dahil malakas talaga ang kiliti ko sa bewang.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Where stories live. Discover now