Chapter 24

81 10 0
                                    

Chapter 24: Surgery

***

"How's the exam?" Agad niyang tanong nang salubungin ako.

"Ayun, ang hirap pero mukhang papasa naman kahit paano," simpleng sagot ko at tipid na ngumiti.

Minsan lang kami magkita ngayong linggong ito. Dahil puro review ang inatupag namin. At ngayong araw ang last day ng final exam namin para sa first semester. I didn't know, college life is really exhausting.

Napangiti ako habang tinitingnan siyang seryosong nakahawak sa mga mabibigat na libro ko. Kung titingnan parang sobrang seryosong tao at walang mga kalokohan.

Students here have high respect for him.

"Sobrang gwapo talaga ni Senior Phythos."

"Anong gayuma kaya ginamit ni Faye, 'no?"

"Gaga! Gayuma agad? Ika nga nila, love has no eyes."

"Baliw, love is blind 'yon."

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa narinig.

"What? Anong tinatawanan mo?" kuryusong tanong niya. Napailing lang ako.

Nasanay na rin ako na lagi kaming pinagtitinginan lalo na kapag magkasama. Habang tumatagal unti-unti ko na ring nabubuo ulit ang self-confidence ko.

"Nga pala, mine, since maaga pa. Date muna tayo." Biglang anyaya niya.

"Sige, pero ipunta ko muna sa dorm 'yang mga libro ko."

"Oo ba! Mabuti naman may awa ka rin pala sa akin. Ang bigat, eh," bulong niya. Natawa na lang ako. Dakilang mapagpanggap talaga ang lalaking ito.

Hinintay niya naman ako sa entrance ng dorm habang mabilis naman akong nagbihis at bumaba na rin.

Agad niya namang hinawakan ang mga kamay ko.

"Bakit ang tagal mo?" tanong niya. Napanguso naman ako.

"Matagal ba 'yon? Wala pa ngang limang minuto, eh."

"Oo, basta nawawala ka sa paningin ko feeling ko bumibilis ang oras."

"Sus!" Tinawanan ko na lang siya.
"Saan pala tayo magde-date ngayon?" tanong ko.

"Ikaw, saan mo ba gusto?" Bigla kong naalala na hindi ko pala sinasabi ang tungkol sa surgery ko.

Siguro, ito na ang tamang pagkakataaon para sabihin sa kanya.

"Magsine tayo!" Agad na yaya ko. In our relationship. Isang beses lang kaming nakapagsine kasi puro amusement park na ang mga date namin.

"Kain na muna tayo." Agad ko siyang hinila sa mang inasal. Halos isang oras kasi ang byahe bago makarating sa mall kaya gutom na ako at alam kong pati siya. Mas magandang dito kasi unli rice.

"Hanap ka na ng upuan natin. Ako na mag-order." Utos ko.

"Ahm, mine, sa food court na lang kaya tayo." Napangisi ako nang mapansin ang pag-aalala niya. This guy, ang dali niya pa rin talagang basahin. Alam kong hindi ganoon kalaki ang perang nilaan niya para sa date namin dahil nagbayad pa siya ng mga fees sa University.

Minsan natanong ko noon si Bea at sinabi niyang may mga pera naman ang lima sa bangko. Pero dahil daw sa parang Mount Everest na pride nila hindi raw nila ginagalaw ang pera nila.

They want to prove to their parents that they can survive even without their help. They want them to surrender first and beg them to comeback.

"Mine, ako muna ngayon, okay?"

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon