Chapter 26

74 11 1
                                    

Chapter 26: New Face

***

"By the way Faye, tumawag sa akin si Tita. Sabi niya gusto na raw nilang makita ang resulta ng operasyon mo. Kung bakit kasi hindi ka pumayag na umuwi sila?" kuryosong tanong niya.

"Kuya, you know they are really busy. Ayoko na silang abalahin pa. At alam mong sobrang emosyonal ng mga magulang ko. I will just add stress to them." Napabuntong-hininga ako.

"How about you going back to China?"
tanong niya.

Napag-usapan lang namin ni Phythos 'to noong isang araw. I really don't want to talk about this.

Napailing ako. "Wala pa sa isip ko, Kuya." Ginulo niya ang buhok ko.

"Is it because of Phythos right?" Napatango ako. Ayaw ko sanang aminin pero kilala ako ni kuya. Kaya wala rin kwenta kung magsinungaling ako.

Phythos is the main reason why I'm still here but I don't want him to know it.

Baka kapag nalaman niya. Siya pa mismo ang magtulak sa akin para umuwi na.

"Actually Kuya, natatakot akong malaman nila ang tungkol sa amin ni Phythos. Kaya ayaw ko rin silang umuwi." Hindi ko mapigilang aminin.

"You know, I always support what makes you happy, Princess, but you can't hide it forever. They will know it soon, so I think you should just ready yourself."

Tama siya.

"Thank you Kuya. Maybe I will try to talk to them when they have time."

"That's good. Nga pala, goodluck sa first day mo for second semester. Sayang, hindi na kita maihahatid."

"It's okay Kuya, susunduin ako ni Phythos."

"Sige, I'm going." Nag-thumbs up lang ako at inayos ko na ang maleta ko. Nang sa wakas ay natapos na saka naman may nagdoor bell.

Napangiti ako nang sa wakas ay makita si Phythos. Just with his usual jeans and T-shirt, he can take my breath away.

"Tara na! Para maaga tayong makaenrol," aniya. Tumango naman ako. Binuhat niya ang may kaliitang maleta ko habang hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko.

Napangiti ako nang makita ang taxi na pinapasada niya. It is my first time that he let me ride it.

"Mabuti pumayag ka na ngayon na sumakay ako rito?" I smirk.

"Gusto ko lang." Humalakhak siya saka biglang nagseryoso. "Kapag naging successful ako. Sa magandang kotse naman kita isasakay."

"I'm looking forward for it!" I said excitedly.

"Halla, sino siya?"

"Ang ganda niya, teka parang may kamukha siya?"

"Transferee siguro."

Agad kong nakuha ang atensyon ng ilang studyante habang naglalakad ako papasok sa University. Pinauna ko na kasi si Phythos dito kasi mas importanteng mauna siyang makaenrol. Lalo't graduating na siya at inayos ko rin muna ang mga gamit ko sa dorm.

Medyo marami na ring studyanteng nakikipila para mag-enrol. Agad ko namang nakita si Phythos sa kumpulan ng mga estudyante.

Well, with his build and height, he always stands out. Kaya mabilis mahanap.

Katulad dati halata na ang pagkabagot sa mukha niya.

"Hi Miss, transferee ka ba? Ngayon lang kasi kita nakita." Biglang tanong sa akin nang lumapit na lalaki. May ilang lalaki ring nakiusyoso na.
Kung dati wala namang lalaking binibigyan ako ng pansin. Ngayon, tila nasa akin na ang lahat ng atensyon nila.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Where stories live. Discover now