Chapter 13

140 16 6
                                    

Chapter 13: Horror Boot

Dedicated to Tamahomegirl

****

"Ang sama mo talaga kanina umiiyak iyong babae, eh. Tinalikuran mo na lang bigla." Gusto ko sanang aluin ang babae kanina kaya lang mabilis na akong hinatak ng lalaking ito.

Ngayon lang ako nagkalakas ng loob ulit na kausapin siya. Ang dilim kasi ng mukha niya kanina ni hindi ako sinasagot.

"Iyon ba 'yong sinasabing girlfriend mo?" tanong ko nang nanatili pa rin siyang tahimik.

"Yeah," tanging sagot niya at madilim pa rin ang mukha. He seems still upset.

"Bakit mo sinabing girlfriend mo ako? Look, sobra mo siyang sinasaktan."

"Matagal na kaming hiwalay at saka wala siyang karapatang masaktan. Siya ang unang nang-iwan."

I'm slowly getting it.

"Nakipaghiwalay siya sa iyo? But it seems like she still love you." 

"Love? That's not love. She's just infatuated with my physical appearance. " 

"But—" he cuts my words again and pinch my nose. Nakakainis na ito ah! Lagi akong hindi pinapatapos magsalita.

"You are still a little girl. Sometimes, those you see as innocent kittens are actually hidden tigers. They will slowly bite you. " 

"I'm not a little girl! I'm 18 already!"
inis kong sigaw.

Napabuntong-hininga siya at inakay na ako paalis sa ferris wheel. Saan na naman kaya kami pupunta? Mukhang nasira naman na ang araw niya. Hindi naman siya mukhang nag-e-enjoy. Ako nga lang yata ang naging masaya sa pagsakay sa ferris wheel, eh.

Natulos ako nang makita kong saan kami papunta. "Hey! Huwag diyan!" Kahit anong hatak niya hindi ako sumusunod.

Nakangising nilingon niya ako. "Matatakutin ka pala."

"Hindi no! Sadyang magugulatin lang ako." Yeah, I'm lying. Sobrang matatakutin ako mula pa noong bata ako.

That's the reason why I rarely participate in any Halloween events.

Papunta ba naman kami sa horror booth.

"Ikaw ba, hindi ka matatakutin?" tanong ko. Humalakhak naman siya.

"Ako? Hindi ah! Wala sa bokabolaryo ko ang matakot sa multo." Umirap lang ako. Sabagay, bahay nga niya mukhang haunted house.

Hindi ko mapigilang mapakapit sa kanya habang pumapasok kami.

"Dapat pala, dito kita dinala una pa lang para ganito ka kumapit hindi katulad sa ferris wheel na wala ka namang katakot-takot," nakangising sabi niya.

"Ikaw nga, tulalang sumakay. Parang wala nga akong kasama." Inirapan ko siya.

"Tsk, huwag mo na nga ipaalala. Kitang move on na ako sa pangyayari eh. Panira ka talaga." 

"Kasalanan mo." Binelatan ko lang siya.

Nakadikit lang ako sa kanya habang naglalakad kami papasok. Mas lalo lang akong nakaramdam ng takot nang marinig ang mga matinis na sigawan.

"Ah!"

Hindi ko mapigilang mapasigaw at tumakbo nang may bigla na lang lumitaw sa harapan ko.

"Tangina!" Pero mas nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Phythos bigla ba naman niyang sinuntok.

Agad ko siyang binalikan.

"Halla ka! Bakit mo sinuntok?" natatarantang tanong ko nang nanatiling nakahandusay ang multo.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Where stories live. Discover now