Chapter 16

102 12 1
                                    

Chapter 16: Feelings

***

"Because, I know now my real feelings for her. I love you Faye Cameron and I want us to be real!"

Am I hearing it right? He is inlove with me?

Dahil sa pagkatulala ko hindi ko na namalayang nasa tabi ko na siya.

"Do you think I'm that stupid Phyth? Ilang buwan pa lang kayong magkakilala. Tapos, mahal mo na siya? You can't just waste our relationship for a short period of time!" Nilingon ko si Leonella. Like in the park, umiiyak na naman siya pero mas nangingibabaw ang galit sa mga mata.

"What I've learned, Leonella. If it's really love, a short period doesn't matter as long as you truly know that you love that person."

"I can't believe you!"

"F*ck! Then, bahala ka! Basta tandaan mo ito, hindi na ako ang dating Phythos na sunod-sunuran sa pamilya mo. At kung may gagawin ulit kayong hakbang para saktan siya. Ako ang makakalaban niyo."

Biglang tumahimik ang buong paligid namin sa lamig ng boses niya.

"How dare you threaten me? Tama si daddy, hindi ako dapat naghahabol sa isang hampas lupang katulad mo! Magsama kayo!" Mabilis na siyang naglakad paalis. Pero nanatili pa rin akong gulat sa mga narinig ko mula sa kanya. Hindi ako makapaniwala.

Hindi lang din naman ako ang nagulat. Rinig ko rin ang bulungan ng mga studyante.

Nilingon ko si Phythos pero wala lang naman ito sa kanya at tuluyan na rin niya akong hinatak papasok sa dorm.

"Nasaan ang room mo?" tanong niya. Na parang walang nangyari kaguluhan kanina.

"Teka! Di ka pwedeng pumasok dito. Saka nasaan na si Bea?" Nilingon ko pa ang hagdanan.

"Umalis na siya," maikling sagot niya. Hay, sa sobrang occupied ko sa mga nangyayari. Hindi ko man lang siya napansing umalis.

"Hindi ka pwedeng pumasok dito. Girls dormitory ito." Pigil ko.

"Alam ko, pero tingin mo may magsusumbong na nandito ako."

"Pero, basta! Umalis ka na nga!" Tulak ko sa kanya paalis. Pero hindi man lang siya natinag.

"Ayaw, gusto ko munang marinig ang sagot mo sa sinabi ko kanina."

"Huh? Ahm..." Heto na naman bumalik agad ang kaba ko. At sari-saring emosyon na naramdaman ko kanina nang sinabi niya ang mga katagang iyon.

Masaya ako pero tila mas matindi ang pag-aalinlangan ko. Kung totoo ba ang mga sinabi niya.

Maybe it's his another stunt to hurt her. Since, obviously, he really hates her. 

"What? Tititigan mo na lang ba ako? I want to hear your side," nakangusong sabi niya.

Napaatras ako nang siya naman ang lumalapit sa akin hanggang sa tuluyan na akong mapasandal sa pader.

"Ah, iyong sinabi mo ba kanina? Okay lang 'yon. Ang ganda nga ng mga lines mo kanina pwede ka ng mag-artista. Paniwalang-paniwala siya." Ayaw kong mapahiya, baka mali pala ako ng intindi. 

Kita ko ang gulat sa mukha niya at pagkabigo.

"Do you think I'm kidding? Inamin ko na sa kanya na mali ang sinabi ko noon na girlfriend kita pero hindi ibig sabihin nagsisinungaling na naman ako kanina."

Heto na naman, kahit anong pilit ko parang ang hirap paniwalaan.

"Gusto kita, aish! Mahal nga kita eh! Please, don't doubt me."

Napakagat ako sa labi. Kung katulad pa rin ako ng dati na walang ganito kapangit na itsura. Siguro hindi ako magdadalawang-isip ng ganito.

But this guy, he is so perfect in physical appearance. It is totally opposite to mine. 

"Baka naguguluhan ka lang kasi lagi mo akong kasama, saka tingin ko tama ang sinabi ni Leonella. Hindi pa ganoon katagal tayong magkakilala kaya imposibleng magkagusto ka sa akin. Lalo't ganito ang itsura ko." Napayuko ako. Takot akong tingnan siya baka kung ano pang masabi ko.

"Shit!" Napatalon ako sa gulat ng hampasin niya ang pader sa kabilang side ko.

Napabuga siya ng hangin halata ang sobrang pagkabigo.

"Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa akin? I have never been so sure in my life. Ngayon lang! Aaminin ko! Noong una, hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko pero noong madatnan kita na walang malay at puno ng sugat. Doon lang ako sobrang natakot! Na baka huli na ako. At doon ko rin nalaman kung gaano ka kahalaga sa akin. Mahal kita, Faye."
Tuluyang bumuhos ang mga luha ko.

"But, look at my face! I look like a monster! Hindi ka ba nandidiri sa akin?"

"No, why would I? For me, these imperfections of yours made me fall harder." Lalo akong napahagulgol nang haplusin niya ang peklat ko at masuyong hinalikan.

"I love you, Faye. Please, believe me."
Nanghihina ako.

Is it true? Is there really someone who falls for me despite my scars?

"So, please answer me too. May nararamdaman ka rin ba sa akin?" Napalunok ako at tuluyang tumango.

Bahala na, karapatan ko rin naman sigurong sumaya at magmahal ulit.

Ang kabang-kaba mukha niya ay napalitan ng ngiti. "Talaga?"

"Yeah, I love you too, Phythos. Not because of your physical appearance, but because of your good heart and diligence."

"Yes!" Tuluyan na siyang napasigaw.
I have never seen him this happy.

"Tara na, ihahatid na kita sa room mo. Ituloy natin dun," bulong niya dahilan para umakyat ang dugo ko sa mukha.

Hinampas ko siya. "Sira ka talaga!" Humalakhak lamang siya.

Nakahiga lang ako sa kama ko habang tulalang nakatingin sa kisame. Hinatid niya nga ako, at mabuti na rin hindi na niya tinangkang pumasok.

Finally, I can say. I already move on to Aljhon.

At siguro nga, mas higit ang nararamdaman ko ngayon kay Phythos kaysa sa naramdaman ko noon sa kanya.

And, I also doubt if I truly love him before.

Kasi ngayon, kung ikukumpara ko parang ang babaw ng naramdaman ko kay Aljhon sa nararamdaman ko ngayon kay Phythos.

Maybe because I knew him when we were still kids. I just found comfort in him and I mistakenly assumed it was love. What I'm feeling with Phythos now is, I think, real love.

***

Phythos POV

Hindi mabura-bura ang ngiti ko habang naglalakad. Tangna! Mukha na akong timang.

Mahal niya din ako. At hindi 'yon dahil sa pisikal kong anyo.

"Ang saya din maging mahirap!" Natawa pa ako lalo. Pasipol-sipol pa akong naglalakad papasok sa eskinita. Hindi muna ako magta-trabaho ngayon.

I deserve a rest day on this happiest day of my life!

"Hey bro, you look so happy!" Kusang tinuod ako sa kinatatayuan ko.

Tangna! Napamura na lang ako. Aatras na sana ako pabalik pero may mga nakaabang na rin doon.

"Finally, long time no see. My little brother."

The fuck!

Sa lahat ng pwedeng makahanap sa akin. Bakit siya pa?

"Get into the car. Or maybe you want some bloody exercise. I will give you too. You can try them." Napataas na lang ako ng kamay at pumasok sa kotse.

I will not let this devil ruin my happiest day. 

"Hmm, love can really tame your stubborn heart, Oriole. I'm disappointed." 

***
Shels<3

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Where stories live. Discover now