Chapter 20

71 11 2
                                    

Chapter 20: Goals

Dedicated to Surgeon0fDeath

***

"Wow! Ang ganda!" I can't help but to be amaze pagkapasok namin sa kwartong ipapalinis.

This is definitely huge. High-class and I think only use by the VIPs. Sigurado akong mas malaki ang kwartong ito kaysa sa iba. And this is an exclusive room.

Nilibot ko ang tingin. Maganda pa rin ito kahit na magulo.

"Siguro, minsan lang pumunta rito ang may-ari."

"Paano mo naman nasabi?" Tanong niya habang kampante siyang nakaupo sa sofa at pinapanood lamang akong maglibot sa kwarto.

Pinunas ko naman ang daliri ko sa table at pinakita sa kanya ang alikabok na kumapit.

"Maalikabok ang table. Baka pati 'yang sofa na inuupuan mo." Lumaki naman ang ngiti niya tila tuwang-tuwa sa akin.

"Do you find me amusing?" tanong ko. Humalakhak naman siya.

"Cute mo lang, mine, pwede pa-kiss."
Ngumuso pa siya na parang bata.

How could this Greek guy effortlessly act cutely like a child?

Nagugulat pa rin talaga ako minsan kapag ganito siya. Like, it's out of his character.

"Baliw!"

"Baliw na baliw sa 'yo!" Napairap na lang ako.

"Puro ka kalokohan. Maglinis na nga tayo," yaya ako.

"Kung anong gusto ng mine ko. Susundin ko," nakangising sagot niya at kinuha na ang mop.

"Cheesy mo!"

"I'm cheesy for you~~~" Napatawa na lang ako nang kantahin niya pa ito like the tune of 'crazy for you'

Nagsimula na kaming magmop pero nakakapagtakang hindi ganoon ka-alikabok ang sahig. Like, sobrang linis. May ilang parte lang na madumi pero ang mga gamit ay madaming alikabok.

Weird.

"Next na tayo sa CR. Malinis naman na rito." Yaya ko sa kanya. Tumango naman siya.

Bumungad sa akin ang maduming comfort room. Napatakip pa ako sa ilong dahil sobrang baho talaga.

"Anong ngini-ngiti mo riyan?" tanong ko. Ang lawak kasi ng ngiti niya habang pinagmamasdan ako.

"Wala, akala ko ba gusto mo maglinis ng comfort room? Bakit parang nandidiri ka naman." Panunukso niya.

Agad ko naman tinanggal ang kamay kong nakatakip sa ilong ko.

"Hindi, ah!" Tanggi ko. Ngumisi naman siya at sinimulan na akong turuan sa paglinis ng maduming cubicle. Bale, dalawang cubicle lang naman ang lilinisan.

Nandidiri kong pinagmasdan ang cubicle na kailangan ko nang linisan nasa kabila kasi si Phythos. Pati ang pader at sahig nito ay sobrang dumi. Sobrang panghi pa na parang binuhusan pati ang sahig ng ihi.

"Sigurado ako, pumupunta lang ang may-ari rito para umihi," inis kong sabi habang patuloy sa pagkuskos. Humalakhak lang naman si Phythos.

Pakiramdam ko nga ang dami ng germs na kumapit sa akin. Nagtataasan ang balahibo ko. Ni hindi yata marunong mag-flush ng toilet ang may-ari.

"Gusto mong maglinis ng cr diba? Oh, 'yan! Dagdag check sa bucket list mo hahaha." Nilingon ko siya. Nakasandal lamang siya sa pintuan at mukhang tapos na.

Inirapan ko na lang siya. Ayaw ko nang magsalita since in the first place ako nga naman ang naghikayat nito.

"Mine, ang dami mo ng alam na mga trabahong pangmahirap. At habang tumatagal, unti-unti nang nawawala pagiging maarte mo. Lalo akong nafa-fall." Nawala naman kaagad ang inis ko sa sinabi niya.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu