Chapter 22

83 8 0
                                    

Chapter 22: Identity

***

"Huwag ka nang umiyak. Okay, naman na ako." Pinunasan ni Phythos ang mga luha ko.

Nang makita ko ang dugo sa tagiliran niya. Para akong mahihimatay.

He took that stab that was supposedly for me. 

"Pero muntik ka ng mamatay." Habang sinusugod namin siya sa hospital at hawak-hawak ko ang kamay niya. Pakiramdam ko tuluyan na siyang mawawala sa akin. Masyadong malalim ang pagkakabaon ng kutsilyo sa tagiliran niya. Kaya maraming dugong nawala sa kanya.

"I'm okay, saka masamang damo ito. Kaya mahirap akong mamatay." Humalakhak pa siya.

"Puro ka talaga biro!" Pareho naman kaming natahimik nang may tumikhim.

This is one of those guys na kasama ni Bea. Napatingin ako sa labas nang maalala si Bea. Nasaan na nga pala ang babaeng 'yon?

Lagi na lang siyang nawawala.

"Can I talk to him, Miss?" Nilingon ko si Phythos. May pagdadalawang-isip sa mga mata niya.

But even the guy looks rough and scary. I think he is still harmless.

"Okay." Tinanggal ko na ang kamay ni Phythos na mahigpit na nakahawak sa akin. Nginitian ko siya at tuluyan na akong lumabas.

Tahimik lamang akong umupo sa bakanteng upuan sa hallway. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang takot ko. Ang takot na mawala si Phythos sa akin.

Biglang sumagi sa isipan ko si Leonella. Ano na kayang nangyari sa kanya? Saka si Bea wala naman na siya rito?

"Fuck! I can't believe this! Nasaksak si Oriole ng babae!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi ng isa sa mga lalaking parating. Halata ang disgusto sa mukha nito.

"Well, it's understandable. He rescued his girl."

"You will never understand it, Eugene because you are heartless."

"What? Bawiin mo 'yang sinabi mo Vanned!"

"Gago, bakit ko babawiin. Eh, totoo naman!"

"Bellboy!"

"Waiter!"

"Uy, magtigil nga kayo! May nanonood." Kumaway pa ang lalaking unang nakapansin sa akin. Look like the youngest of them. Maamo ang mukha nito at kayganda ng berdeng mga mata.

Pero hindi siya pinansin ng dalawa at panay pa rin sa bangayan.

The hallway seemed small for them. 
I feel like I'm surrounded by the Greek gods. 

"Can you fucking stop? You fucking childish! Ang ingay niyo!" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto kung saan si Phythos at sumigaw ang kaninang lalaking kausap niya.

His emotionless blue eyes shout coldness and authority.

Naramdaman ko pa ang pagtaas ng balahibo ko sa takot. Agad na tumahimik ang dalawang lalaki at parang maamong tupa.

"Hi Kuya Locke, kumusta po si Oriole?" The green-eyed guy asked. 

Oriole?

Why is he calling Phythos, Oriole?

"He is okay. He can't just die easily," malamig na sagot niya. Agad akong napaiwas ng tingin nang lumipat ang tingin niya sa akin.

"Oh, hi! Nandito ka pala, girlfriend!" Hindi ko na napansing nakalapit na sa akin ang isa sa mga lalaki. Namumukhaan ko siya. Siya 'yong bellboy sa Monteciro hotel. Nagpakulay lang siya ng buhok.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt