Chapter 30

79 9 0
                                    

Chapter 30: Representative

***

"Doll! Tingnan mo sold out na 'yong dress na isinuot mo kahapon sa photo shoot. May nag-leak kasi ng information na ginamit mo 'yon."

"That's good, then," inaantok kong sabi at pumikit ulit. Gusto ko pang matulog.

"Doll! Magbihis ka na! 9:30am na! Hindi ba pinapapunta ka ng mommy mo sa mansion niyo!" Natatarantang sabi ni Mia habang ginigising ako.

Napamulat ako. Oo nga pala!

Napapikit akong umupo sa kama ko. Ayaw ko talagang pumunta doon. Masakit pa nga katawan ko sa sobrang pagod.

"Mia, ayaw kong pumunta don. Sabihin mo na lang may sakit ako."

"Kung sinabi ko 'yan. Edi, pupunta siya dito. Makikita niya mga street foods mo." Naparoll eyes na lang ako. Nakakainis!

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo at magtooth brush.

Napangisi ako habang tinitingnan ko ang hitsura ko sa salamin.

"Doll, tapos ka na-What the!" Laglag ang pangang sigaw ni Mia. Napangisi ako lalo. Tingnan ko lang kung gugustuhin pa akong ireto ni Mommy.

"Bakit ganyan suot mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Anong problema? Sobrang bagay kaya sa akin." I said confidently.

I'm wearing a black hang loose bell sleeve crop top and ragged jeans. Paired with my three-inch heels.

"Pero hindi ba may i-meet daw kayong business partner nila tapos ganyan suot mo?"

Napanguso ako. "Ano naman? Ayaw kong mag-ayos. Baka ireto ako ulit ni Mommy doon."

I just put a little make up and concealer and ready to go.

Napabuntong-hininga siya. "Bahala ka."

"Day off mo ngayon diba? Mamasyal ka muna," sabi ko sabay abot ng isang card ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya. "Walang password 'yan. Gamitin mo, mag-enjoy ka muna. Ilang araw ka na ring pagod."

"Hulog ka talaga ng langit, Doll! Thank you!" Natawa ako nang may paarteng luha pa siya habang hinahalikan ang card ko.

As if, it's the first time I gave her my card.

"Alis na ako!" I waved my hand.

"Thank you!" sigaw niya. Dumiretso ako sa kotse ko at nag-drive na.

I can't wait to see the priceless reaction of mommy!

Dumating ako sa bahay saktong mga 11am. Hindi naman siguro ako late. May hindi pamilyar na kotse ngang naka-parking. Siguro sa business partner na sinasabi ni Mommy.

"Miss Doll!" Gulat na gulat ang reaksyon ni Nari nang makita ako. One of our maid. Nginitian ko lang siya at dire-diretso na akong pumasok.

"Hello, mommy and daddy!" I cheerfully greeted them.

"Doll! What are you wearing?" Gulat na gulat na sigaw ni Mommy. Tatawa na sana kaso napunta ang mata ko sa lalaking katabi nila sa mesa at walang tigil sa pag-ubo.

Nanlaki ang mga mata ko. Si Phythos!

"Are you okay, hijo?" Hinihimas ni Daddy ang likod nito dahil ubo pa rin ito nang ubo.

Lumapit naman si Mommy sa akin. "Hindi ba sinabi ko, wear something nice. Why are you wearing that? Nakakahiya kay Mr. Monteciro," inis na bulong niya sa akin.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Where stories live. Discover now