Chapter 4

128 23 0
                                    

Chapter 4: Him...again

***

When you are beautiful, everyone loves you. When you're ugly, everyone belittles you.

Panay pa rin ang paghagulgol ko. Hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng unibersidad ko. Wala namang studyante sa parteng ito. Nakaupo ako sa lilim ng isang puno.

"Miss, tumigil ka na sa pag-iyak." Natigilan ako. May tao pala rito! Kinuha ko ang panyong nakaabot sa akin at agad pinunasan ang mga luha ko.

"Thank you!" Napaangat ako ng tingin. Nanlaki ang mata ko.

"Ikaw!" malakas niyang sigaw. Napaatras ako at tatakbo na sana nang harangan niya ako. Nakaharang ang dalawang braso niya sa magkabilang gilid ko.

"Akala mo makakatakas ka? May kasalanan ka pa sa akin." Napalunok ako sa sobrang lapit namin. Anong gagawin ng lalaking ito?

"Lumayo ka!" Pilit ko siyang tinutulak pero parang nagtutulak lang ako ng pader. Ni hindi ko man lang siya magalaw.

Sisipain ko sana siya nang napigilan niya rin ang paa ko.

"Uy, namimihasa ka na ah! Masakit pa ang paa ko!" sigaw niya. Natigilan ako nang makita ang benda sa paa niya.

"Ano bang kailangan mo?" mahinahon ko ng tanong. Binitiwan naman niya ako at umupo sa tabi ko. Lalo naman akong nakonsensya habang nakikita siyang iika-ika.

"Marami akong kailangan sa iyo. Dahil may kasalanan ka sa akin. Pero malay ko bang ikaw 'yong babaeng kung makaiyak diyan. Parang wala ng bukas," sermon niya at bumalik sa pwesto niyang pagkakasandal sa puno.

"Masakit ba?" tanong ko. Nilingon ko siya. Nakapikit na ito. Bakit ba ang gwapo ng lalaking 'to?

"Syempre! May tinapakan ba gamit ang heels na hindi masakit?" Napangiwi ako. Oo nga pala, naka-heels ako kahapon. Siguradong sobrang sakit nga.

"Sorry." Nagmulat siya.

"Bakit ka pala umiiyak?" seryosong tanong niya. Napanguso ako. And now he's serious.

"Because I'm ugly," simpleng sagot ko. Napakunot-noo naman siya.

"Saang banda?" Napangiwi ako sa tanong niya. Parang batang sobrang nagtataka sa sagot ko.

Walang buhay kong tinanggal ang face mask ko. Maraming tao na ang tumawa sa akin kanina at humusga.
Hindi ko na kailangan pang mahiya sa lalaking 'to.

I expected him to laugh, disgust and judge me, but he just stared at my scars.

"Wala ka bang reaksyon?" inis kong tanong. Umiwas naman siya ng tingin. Sabi na, nandidiri rin siya.

"Saan mo nakuha 'yan?" Tanong niya.

"Bakit ko sasabihin sa 'yo, close ba tayo?" Pambabara ko. Inis naman niya akong nilingon.

"Abat!" Nginisihan ko siya.

"What?" nakataas kilay kong sabi.

"Tsk, basta kailangan mo akong panagutan!" Nanlaki ang mata ko.

"What the hell!" Pinitik naman niya ang noo ko.

"Hay! Miss tanga, huwag madumi ang utak, huh. Panagutan mo ang ginawa mo sa paa ko. 'Yon ang ibig kong sabihin." Napasimangot ako. Tinawag na naman akong tanga. Kapal!

"Hoy ka rin Mr. Mahangin! What do you want? Money?" tanong ko.

"Kayo talagang mga mayayaman oh! Pera agad ang nasa isip!" Natigilan ako. Shit! Lumalabas talaga ng kusa ang pagiging brat ko minsan. Bago niya pa ako matalikuran, nahawakan ko na ang braso niya.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Where stories live. Discover now