Chapter 9

104 16 0
                                    

Chapter 9: Tinamaan

***

Phythos POV

"Phyth, sinong hinahanap mo?" Nawawalang ganang umiling ako. Pilit ko kasing hinahanap si Faye pero mukhang umalis na. Nagulat nga ako nang makita ko siya kanina o sadyang namamalik-mata lang ako.

Nagpunas na lang ako ng pawis. Teka, oo nga pala. 'Yong cellphone!

Nilingon ko siya. "Bert, nasayo pa ba 'yong binenta kong cellphone?" tanong ko. Nakokosensya kasi ako, kagabi ko talaga nakita kung gaano kabait si Miss Tanga. Hindi naman pala talaga siya maldita.

"Huh? Nasa syota ko na. Bakit Phyth?" Napahilamos ako sa mukha. Malaking problema ito.

"Ibabalik ko na lang 'yong pera mo. Basta ibalik mo sa akin 'yong cellphone. Nahanap ko na kasi totoong may-ari non, gusto ko na isauli."

"Paano 'yan Phyth? Gustong-gusto ni Sheila eh." Syempre, latest model yata 'yon.

"Sige, daanan natin 'yang syota mo mamaya. Ako na lang makikiusap."

Sana naman madaan sa charms ko. Kailangan ko iyong ibalik kay Miss Tanga.

"Sige, ikaw bahala."

"Salamat pare."

"Ano ka ba? Parang wala naman tayong pinagsamahan." Napangiti na lang ako. Swerte ko pa ring mabait ang napagbentahan ko.

Hindi ko maintindihan kung anong meron sa babaeng iyon at ang gaan ng loob ko kahit hindi pa naman kami masyadong magkakilala.

***

Faye POV

"Ang sarap," hindi ko mapigilang mapangiti habang kumakain. Hindi kasi ako masyadong nakakakain ng mga Filipino foods sa mansion noon at saka masyado akong conscious sa katawan ko dati.

Pagkatapos kasi sa gym bigla na lang akong hinila ng babaeng ito sa may cafeteria. Kaya ito kami, kumakain na.

"Alam kong masarap ang adobo, pero sobra naman yata 'yang reaksyon mo tila ngayon ka lang nakakain niyan." Nang-aasar na tukso ni Bea sa akin.

Napasimangot ako. "Kumain ka na nga lang at huwag mo akong panuoring kumain." Sabay wagayway ko ng kamay ko sa mata niya para iiwas niya.

"Ang cute mo kasi para kang nag-e-endorse ng isang food chain." Natigilan naman ako pero agad din akong nakabawi.

"Nag-e-endorse ka riyan! May endorser bang pangit?" Tinapunan naman niya ako ng fries.

"Ayan ka na naman, eh! Pero alam mo Faye, sobrang proud ako sa iyo. Nakaya mo nang tanggalin ang mask mo nang nakangiti pa."

"Salamat Bea." Nakakaya ko na rin siguro dahil nasa tabi ko siya.

"Wala lang 'yon. What are friends for diba? At saka ngayon lang 'yan kasi naninibago pa sila sa mukha mo pero pagtumagal na. Masasanay din sila." Napatango ako. Ramdam na ramdam ko kasi ang tingin ng mga studyante.

May napapalingon at saka magbubulungan pero wala na akong pakialam kung anong iisipin nila. Tama, ang sinabi ng mga classmates ko na dapat huwag akong mahiya saka mawawalang saysay lang ang plano kong i-enjoy ang mamuhay ng normal kung pati ang mukha ko ay itatago ko pa rin. Mamumuhay lang ako sa takot na husgahan.

Masasanay rin akong hindi ikahiya ang mukha ko.

"Pero Bea, bakit nga ba tayo umalis kanina sa gym pagkakita mo kay Phythos?" naiintrigang tanong ko. Napaiwas naman siya ng tingin.

"Kilala mo ba siya?" tanong ko. Nanatili naman siyang walang imik.

Kumaway ako sa mukha niya. Natulala na, eh.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Where stories live. Discover now