Chapter 15

110 14 3
                                    

Chapter 15: Lie

Dedicated sa ate kong kumukulit lagi sa akin para mag-update!😂

***

"Faye, sorry kasalanan ko ito. Kung hindi ko sana sinabi kay Leonella 'yon. Edi sana, hindi nila ginawa 'yon sa iyo."

Kanina pa siya humihingi ng tawad sa akin. Katatapos lang namin kausapin ang doctor. Gusto ko na nga sanang umuwi pero kailangan ko pa raw mamalagi ng isa pang araw.

"Ano ka ba? Hindi ba sabi ko okay na 'yon. At saka, sana, kausapin mo si Leonella para linawin mo na hindi totoo ang mga sinabi mo sa kanya. Mukhang mahal niyo pa naman ang isat-isa." Parang may bumara sa lalamunan ko nang sinabi ko iyon.

Parang ayaw tanggapin ng puso ko kung totoo man. Pero kahit masakit, mas okay na ito. Kaysa tuluyan pa akong lalong umasa.

Nangunot naman ang noo niya. Halata ang 'di pagsang-ayon.

"Faye, ilang beses ko bang sasabihing hindi ko na siya mahal. Pero kung iyan ang gusto mo. Sige, kakausapin ko siya. Pero uulitin ko, hindi ko na siya mahal. Kung ano man ang naging relasyon namin ay manatili na lang sa nakaraan."

Tinitigan ko lang siya habang pilit binabasa kung totoo ba ang mga sinasabi niya.

Pero wala akong makitang bahid na nagsisinungaling siya. Dapat na ba akong matuwa?

Ano ba Faye! Kahit naman hindi na niya mahal si Leonella. Tingin mo ba may pag-asa kang magustuhan niya? Hindi ba wala!

Parang gusto kong batukan ang sarili ko. 

"Kumain ka na muna. Para lumakas ka," malambing niyang sabi.

"Sige, salamat." Tipid akong ngumiti at kinuha na ang iniabot niyang sopas.

Tahimik akong kumain habang pinapanood niya lang naman ako.
Tapos na akong kumain nang mapansin kong malamyos niyang hinahaplos ang ilang kalmot ko sa braso.

"Gusto mo rin bang lagyan ko ng ganyang kalmot ang mga gumawa nito sayo," mariing sabi niya. Gulat akong napatingin sa kanya. Nakikita ko na naman ang pagdilim ng mukha niya.

Hindi ko maiwasang kabahan tuwing ganyan siya.

Agad akong napailing. "Ayaw ko na ng gulo, hayaan mo na lang sila. Gagaling din naman ang mga ito."

"Huwag kang mag-alala. Buo pa rin ang desisyon kong pagbayarin sila. Wala silang karapatang saktan ka." Halos manginig ako sa takot ng ngumisi siya.

Isang ngising may masamang binabalak. Nakikita kong buo na ang desisyon niya at kahit ano pa sigurong pigil ko hindi niya ako papakinggan.

"Nga pala, okay lang sa akin kung umuwi ka na muna para makapagpahinga ka naman. Kaya ko na—" Nilagay niya ang daliri niya sa labi ko para pigilan akong magsalita.

"Hep! Dito lang ako, babantayan kita!" 

"Pero—"

"Walang pero-pero! Aalagaan kita, baby."

"Baby?" Gulat kong tanong. Kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Huh?" Napakamot naman siya sa ulo.
"Oo, kasi diba para ka ng sanggol. Walang magawa ngayon. Tapos ang swerte mo pang isang gwapong nilalang pa ang mag-aalaga sa 'yo."

Napangiwi ako. "Baliw ka talaga! Wala namang connect pinagsasabi mo!"

"Anong walang connect? Meron 'no! Iba lang talaga naiisip mo sa 'baby' 'no? Kinikilig ka?"

"Hindi ah!" Tuluyan na akong napasigaw nang kilitiin niya ako.

Those smiles and laughter with him. I think, is one of the best moments of my life. I will definitely treasure it.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Where stories live. Discover now