Chapter 7

114 17 4
                                    

Chapter 7- Friends

***

"Ang galing niyo po!" Nag-okay sign lang ako. Ang dami ring nagpapa-picture sa akin.

Hinanap ko si Phythos nang makitang wala na siya sa pwesto niya kanina.

Nang makita ko, nakangiting naka-thumps up ito sa akin. May iba ring nagpapa-picture sa kanya. Syempre, dahil gwapo siya.

Ilang sandali lang ay lumapit na ito sa akin.

"Hey, people! Tapos na ang show. Bukas naman!" sigaw niya sabay akay sa akin.

"Ay! Sayang!" Kita ko ang panghihinayang nila.

"Sa wakas!" Napahinga ako nang maialis na ang dambuhalang costume.

I'm so tired, but I'm also happy!

"Ang galing mo pa lang sumayaw. Ang dami mo na agad tagahanga." Pagod akong umupo. Hinayaan ko lang siya nang isuot sa akin ang mask ko.

"Yeah, of course because I'm an ar—" Napatigil ako.

"Because?" Napakunot-noo siya.

"Because I love watching videos of different artist." Muntik ko nang masabing artist ako.

"Ahm, tara!" Inilahad niya ang kamay niya.

"Saan?" tanong ko.

"Kakain. Bakit hindi ka pa gutom?"

"Gutom ako, syempre!" Napatawa naman siya. Agaran kong inabot ang kamay niya para makatayo.

"Saan tayo kakain?" tanong ko. "I don't like food chains in mall," agad kong sabi.

"Mabuti naman." Ginulo niya ang buhok ko. "Hindi kakasya ang pera ko, wala pa tayong sweldo."

"Then, saan tayo kakain?" kulit kong tanong.

"Basta, may alam ako. Masarap dun!" Mukhang sobrang saya niya. Kaya napangiti na rin ako.

Pumasok kami sa may kaliitang pagkainan. Malapit lang sa mall. Marami ngang kumakain.

"Dito ka muna. Mag-order lang ako." Agad akong kumapit sa laylayan ng damit niya para pigilan siya.

"Are you really sure, the food is safe here?" hirap kong tanong.

"Oo nga, magtiwala ka sa akin. Kahit maliit ito, sigurado naman akong malinis ang luto nila," kumpyansang sabi niya. Nakahinga na rin ako sa sinabi niya.

Sana nga, totoo.

Pinanood ko lang siyang mag-order. May mga malalaking kaserolang binubuksan niya at itinuturo. Doon siguro nakalagay ang mga ulam.

Ilang minuto pa ako naghintay. "Kain na tayo!" Nilingon ko siya. May dala-dala na siyang tray ng pagkain.

Tiningnan ko ang mga pagkaing in-order niya.

I'm not familiar with it.

Pinanood ko lang siyang kumakain. Panay nga ang subo niya. Halatang gutom na talaga. Pagkaraan, ay tumingala siya sa akin.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong niya.

"Ahm, I'm not familiar with the food. I don't know if I should eat it or not." Pag-amin ko. Ayaw ko namang magsinungaling.

"Kumain ka na, they are edible okay? Edi, sana namatay na lahat ng kumakain dito." Nilagyan niya ng ulam ang plato ko. Wala na rin akong nagawa kundi kumain. Nahihirapang nginuya ko ang unang subo ko hanggang sa unti-unti kong nalasahan.

Napangiti ako. Masarap!

"Wow, it's delicious!" manghang sabi ko.

"Oh, diba? Wala ka kasing tiwala sa akin, eh." Nag-okay sign ako at sunod-sunod nang sumubo.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon