SMTMP 1.2

6.7K 132 27
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 1.2

Dedicated to  user70508890 siya yung pinaka pangalawang nag comment sa story na to! Lavyah guys!

~~~~~

Jaya POV

"Tay!" Sigaw ko at niyakap ang bangkay ni tatay pag katapos nito maliligo ako ng sampung beses baka may bacteria si tatay eh

"Tay bakit ka natutulog ng umaga?! Amoy isda ka tapos ang baho baho mo pa tay! Maligo ka muna bago matulog!"sabi ko hindi ko alam kung bakit pero biglang tumulo yung mga luha ko habang yakap ko si Tatay

"Tay ano ba naman yan kakain pa tayo tara na tay bangon na papakainin pa kita ng tinik ng isda"sabi ko lalong dumiin ang yakap ko kay tatay ng dumating ang mga kapit bahay namin

Mga chismosang isda!

"Tay! Ang lamig lamig mo naman! Naligo ka ba sa cold water? Tay! Yung mga utang mo ano ba naman yan! Aalis ka na nga lang may utang ka pang iiwan ano to lokohan tay! Wala akong pambayad sa mga kautangan mo!"wika ko at pinitik ang nuo ni tatay

"Tay naman eh ano to manhid ka na matapos mong mamatay? Hindi ba pwedeng mag ouch ka muna tapos back to tegybels na? Tay naman eh"

Napa tingin ako sa mga kapit bahay namin naka tingin lang sila sa amin parang nanunuod ng telenobela

"Ano? Walang iiyak? Iyak! Ano to ako lang isa iiya? Umiyak din kayo!"sigaw ko

Agad naman silang umiyak

"Ka erning huhuhuhu"

"Huhuhuhu sino ba yan?"

"Huhuhuhuhu ano bang pangalan niyan?"

"Huhuhuhu tay naman eh! Tignan mo nakiki iyak na din sila sa akin "sabi ko

"Ay hindi mo nga pala makikita kasi pikit na mata mo
Tay!!! Ang tatay kong kalbo na walang ngipin "sigaw ko

"Jaya condolence"sabi ng kaibigan ko

"Condolence din Klea"sabi ko

"Huh? Sinasabi mo?"

"Yung nanay mo ayun tumalon aa pangpang ayun oh"sabi ko at tinuro yung nanay niya

"Nay!"

"Tay hindi ka na mag iisa kasama mo na si Nanang useng  yung nanay ni Klea"sabi ko

~~~

After 2 hours

Nasa puninarya na ang katawan ni tatay ang laki ng binayaran ko para lang sa kabaong at pag papaayus sa mukha ni tatay para naman may ihaharap siya sa mga bisita sa burol niya

Biruin mo isang kabaong pinaka mura 30,000 tapos hindi pa kasali ang pag papaayus ng mukha ni tatay

Mamamatay na nga lang si tatay kailangan pa akong gipitin grabe naman hindi ba pwedeng deretsong libing nalang para maka tipid

"Jaya anong plano mo?"tanong sakin ng kapit bahay ko

"Aba syempre ipapalibing ko muna si tatay tapos kapag nalibing na si tatay luluwas ako ng maynila para mag bayad ng bill sa maynilad charot mag hahanap ako ng trabaho don "sabi ko

"Pano yung mga kautangan ng tatay mo?"

"Aba babayaran ko nalang sila ng isda tapos lalayas na ako"sabi ko

"Oh akin na yung isda ko may utang tatay mo sakin"sabi niya

"Aba ang tindi mo naman sige kunin mo yung pang huli ko ng isda sa likod ng bahay tas mang huli ka ng isda sa pangpang"sabi ko

"Ikaw talaga Jaya binibiro lang kita eh"sabi niya tapos hinampas ako aba feeling close lokong kapit bahay to

"Ayan na sila!"

Agad akong napa tayo at napa tingin sa pintuan doon nakita ko ang dahan dahan nilang pag bubuhat sa kabaong ni tatay agad akong naiyak

Hindi ako makapaniwalang ang ganda ni tatay pag tulog may make up siya sa mukha at may lipstick siya napaka ganda ni itay

"Tay ang ganda niyo po"sabi ko

"Salamat anak"

Eh? Sumagot si tatay?

"Tay sumgot kayo?"

"Hindi anak"

"Wahhh nag mumulto si tatay!"sigaw ko agad nilang nabitawan ang kabaong ni tatay at dali daling tumakbo ako nalang ang naiwan dito kasama ang kabaong ni tatay napa lunok ako ng makita ko si tatay na bumangon sa kabaong niya

"Ano ka ba naman anak binitawan tuloy nila ako"sabi niya at lumabas aa kabaong niya nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ai tatay na binuhat ang kabaong niya at inilagay ito sa tamang lalagyan

"Nabubuhat niyo pa pala kabaong niyo tay eh oh bayad oh"sabi ko at binigay ang bente kay tatay

"Salamat anak"sabi niya

"Oh siya balik na kayo sa kabaong niyo lokong bangkay to tegeybels na nga nabuhat pa ang kabaong"sabi ko

Bumalik naman na ulit si tatay sa loob ng kabaong niya

"Umiyak ka anak ah"sabi niya tumango ako at sinara ang kabaong

"Tay! Mag iingat ka po sa impyerno balita ko kasi hindi sila tumatanggap ng mga kalbo at walang ngipin! Mahal na mahal po kita tay! Tandaan mo ako lang ang nag mamahal sayo! Ingat ka po papunta sa impyerno! Happy trip"umiiyak kung wika

Bigla kong naalala ang mga alala namin na ginawa ni tatay ng nabubuhay pa siya
Siya yung nag papaligo sa akin kapag madumi na ako

Mamimiss ko si tatay kahit kalbo at wala siyang ngipin mahal ko parin yung kalbong yun



Ilang araw na ang nag daan ng mamatay si tatay nailibing na din namin siya at ngayun ...ngayung araw ang alis ko papunta sa manila para makapag trabaho ako

Nasa may terminal na ako maaga akong umalis para iwas traffic at iwas plastikan sa mga kapit bahay ko at isa pa tinakasan ko lahat ng pinag kakautangan ni tatay wala na kaya akong pera bwisit nayun mamamatay na nga lang kailangan pa talagang iwan sakin ang mga utang

~~~

"Oh dahan dahan nalang po sa pag baba"

"Dahan dahan ikaw nga tumutulak sa amin dahan dahan kitang patayin!"inis kong wika sa kondoktor aba itulak ba naman kami

Nasa manila na ako at oo kakaiba nga ang lugar na to kompara sa probinsiya napaka linis ng hangin sa amin dito naman amoy usok

Napa tingin ako sa mga gusali na napaka taas

"Wahhhhhhhhhhhh Manila!!!!! Napuntahan din kita!"

Halos halikan ko na ang daanan ng maka baba ako sa bus at makita ang malaking gusali

Ito na ang umpisa ng buhay ko dito ako mag uumpisa ng panibagong buhay mag titinda kaya ako ng isda dito?

Ano kaya magandang trabaho dito? Try ko kaya yung tinatawag  nilang Bugaw masaya kaya yun? Madali lang kaya yung trabahong yun?
~~~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now