SMTMP 18

2.8K 60 0
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 18

~~~~

Jason POV


Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Pilit kong inaabsorb sa utak ko ang mga sinabi ni Jaya. Napaka bigat na mga linyahan ang kanyang iniwan bago siya pumasok sa CR. Hindi ko lubos akalain na hahantong ang lahat dahil lang sa pag tawag ko sa kanya ng SUNSHINE

"great Jason you forgot, she's so slow" bulong ko sa sarili ko at nasabunutan ang buhok ko. Huminga ako ng malalim saka tumingin muli sa pintuan ng CR

Bakit kailangan humantong pa sa ganong usapan? Isang simpleng pag tawag ko lang sa kanya ng SUNSHINE ang naganap pero napunta ito sa mabibigat na linyahan.

Aaminin ko nasaktan ako ng makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Naiiyak ako sa mga linyahang sinabi niya sakin kanina. Pakiramdam ko ibang Jaya ang kasama ko.

Kaya ko nga bang alagaan siya kung sakaling naging totoo ang kung anong meron saming dalawa?

Wait what?

Napukaw ang pag iisip ko ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at nakitang tumatawag si Ashton.

"Yes?"bungad ko

(Mr President, sabay sabay daw kayong kakain mamaya sabi ng presedente ng USA nakalapag na din yung isa pang hinihintay niya na dadalo sa meeting may ibibigay ka na ba?)

"Anong ibibigay?"tanong ko

(Hindi ba't sinabi ko kanina sa inyo na nais ng prime minister ng Saudi na mag dala ka ng isang pagkaing Pinoy?)

"Shit i forgot"bulaslas ko

Narinig ko ang pag buntong hininga nya sa kabilang linya kaya napa pikit ako

"Ako ng bahala jan Ashton thanks"sabi ko

(Your welcome)

"By the way Ashton madami akong nais ikwento sayo gusto ko sana ay magkita tayo mamaya pag tapos ng meeting" sabi ko

(Masusunod Mr President)
Pag kasabi niya non ay ako na ang pumutol ng usapan namin. Muling nag balik sa isip ko ang mga naganap kanina. Napa lingon ako sa pintuan ng CR. Dahan dahan akong lumapit don at kumatok

"Jaya? Lalabas lang muna ako saglit para--" hindi ko natapos ang sasabihin ko mag bukas ang pinto ng CR

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang naka balot lang ng towalya si Jaya. Agad akong napalunok ng sunod sunod at kinabahan, Ano bang nangyayare sakin? Pakiramdam ko..... Ahhhh bwisit ano bang naiisip ko?

"Baka matunaw ako?" Biglang sabi niya kaya natauhan ako at agad na yumuko saka tumalikod

"S-sorry"utal kong paumanhin

"L-labas m-mona a-ako m-mag b-bihis k-ka p-pa d-di b-ba?"bwisit bakit ba ako nauutal?!

"Hmm kahit wag ka ng lumabas" nanlaki angmga mata ko sa sinabi niya at napa lingon agad sa kanya agad naman siyang nagulat ng tignan ko siya ng masama

"Sinusubukan mo ba akong akitin babae?"tanong ko at muling napalunok ng makita ko ang naka balot na towalya sa kanya

May sapin ba siya sa loob ng towalya na yan? Ahhhh bad Jason

"Huh? Pinag sasabi mo? Kukunin ko lang yung damit ko don sa kama nakalimutan ko kasi tapos babalik ako sa cr para mag bihis di mo na kailangan lumabas nakakahiya naman baka isipin ng mga guards jan na under di saya ka"

"What is under di saya?"tanong ko

"Wala"sagot niya saka lumapit sa kama at kinuha ang mga damit nya at saka muling pumasok sa CR

Naka hinga ako ng malalim ng maisara niya ang pintoan ng CR
Feeling ko may halimaw sa loob ko na nais kumawala dahil sa nakita ko. Bad Jason

Hinintay ko pa ang ilang minuto at naka labas na siya sa CR na may damit na nasa uluhan naman niya ngayun ang towel para patuyuin yung buhok niya

"Jason? Nakita mo ba yung mga tsokolate ko?"tanong niya

"WHAT?"sigaw ko dahilan para magulat siya

"Grabe maka sigaw? Tinatanong lang kung nakita mo yung chocolate ko"

Agad naman akong nanumbalik sa reyalidad. Akala ko kasi kung anong tsokolate ang tinatanong niya nakaka inis bakit parang na gregreen ako?

"E-ewan"sabi ko at umiwas ng tingin

"Saan ba kasi yun?"

"Oo nga pala Mamaya sasabay tayo kumain sa pangulo ng USA at Prime minister ng Saudi" sabi ko dahilan para matigilan siya

"No need. Ikaw nalang Jason gusto kong matulog--"

"Kailangan kasama ka"putol ko

"Pero ayoko"

"At bakit?"

"Dahil ma a-out of place lang ako don"sagot niya

"Pero naron ako"angal ko

"Pero nandon ka para sa business niyo hindi para sakin" natigilan ako sa pag seseryoso ng boses niya

"Jaya naman please--"

"Napapagod na ako Jason, sabi ko naman kasi sayo iwanan mo nalang ako sa Pilipinas"

"Para ano? Para makasama mo si Jared? Para makapag solo kayo? Para magawa niyo yung kung anong naudlot? Parang habang nandito ako sa USA at nag papaka busy sa pagiging presedente kayo ay nag papakasaya doon?! "Sigaw ko

Mas lalong nag seryoso ang mukha ni Jaya pero agad siyang ngumiti ng pilit. At muli nakita ko nanaman ang lungkot sa kanyang mga mata dahilan para matauhan ako sa mga nasabi ko

"Kung yun ang ibig sabihin non para sayo sige kunwari ganon nalang yun"sabi niya saka tumalikod sakin at humarap sa mga maleta at nag kunwaring may hinahanap kahit na nasa isang kamay niya ang isang tsokolate.

"Jaya..."

"Hmm mag handa ka na mag pahinga ka na muna mamaya gigisingin nalang kita pag malapit na mag simula ang salo salo, sasama na din ako sayo mamaya para mabawasan yang selos mo"

0___0

Para mabawasan ang selos mo

Selos mo

Selos mo

Nag seselos ako?

~~~~

Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now