SMTMP 42

2.1K 54 1
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 42

~~~~

Jaya POV



"Lord, alam kong madami akong kasalanan sa inyo. Alam kong minsan nakakalimutan ko na po kayo. Pero Lord pwede ko po bang kapalan ang mukha ko? Hihiling lang po sana ako sa inyo, kung pwede po gisingin niyo na si Jason. Kasi dalawang araw na po siyang walang malay. Namimiss ko na po siya. Baka naman pwedeng gisingin niyo na po siya. Kasi Lord kahit anong gawin ko di siya nagigising." Bigla akong napa hinto sa pag dadasal ng maramdaman ko ang pag tulo ng aking luha

"Sabi naman ng mga doktor dito wala lang daw syang malay. Pero bakit ang tagal niya mawalan ng malay? Ooperahan pa po siya Lord kailangan niyang magising para operahan sya. Lord bigyan niyo po siya ng lakas. Wag niyo po syang papabayaan. Lord alam kong madami po akong kasalanan sa inyo pero Lord kahit ngayun lang po. Kahit ngayun lang po please wag niyo po munang kunin si Jason. Mahal na mahal ko po siya at baka ikamatay ko kung mawawala siya. Alam ko pong sobrang kapal ng mukha ko para humiling pero Lord kahit yun lang. Kahit ang pagalingin lang si Jason sapat na. Kailangan ko pa po siya. Kailangan pa po siya ng magiging anak namin. Ayoko pong mawalan ng tatay ang anak ko."lalong lumakas ang pag tulo ng luha ko habang nag dadasal.

"Amen"huling sabi ko bago ko inayus ang pagkakaupo ko.
Narito ako sa mini church ng isang hospital dito sa Los Angeles. Matapos ang nangyare sa Sona ni Jason. Agad naming siyang inilipad papunta dito sa LA para paoperahin siya. Ang kaso di pa siya nagigising kaya naman nag dasal muna ako
Si Aling Tita Lecly naman ay todo iyak sa anak niya. At the same time nagalit siya sa amin ni Jason dahil si daw namin sinabi sa kanya.

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa rebulto ni Jesus. Muli nanamang nag landas ang aking mga luha ng maalala ko kung pano mawalan ng malay si Jason sa Sona niya. Halos buong Pilipinas pinag usapan ang tungkol sa nangyare sa Sona niya. Buong Pilipinas din ay nag alay ng dasal para kay Jason. At ang balita na may sakit siya ay kumalat hanggang ibang bansa. Kaya naman dagsa ang tawag na natatanggap ni Ashton kahapon para kamustahin si Jason.

"Jaya?" Napa lingon ako sa entrance ng mino Church nakita ko don si Ashton na may pag aalala sa mukha.

"Jaya si Jason" agad huminto ang mundo ko ng biglang tumulo ang luha ni Ashton. Agad akong napa tayo at dali daling nag punta sa hospital room ni Jason.

Kabado. Yan ang nararamdaman ko. Mas lalo pa akong kinabahan ng makita ko si Aling tita Lecly na nawalan ng malay. Nakita ko din ang ilang doktor na sinusuri si Jason. Napahawak at napa takip ako sa aking bibig nang makita ko ang muling pag dudugo ng ilong ni Jason. Agad akong lumapit don para sana ay punasan yun ng bigla akong pigilan ng mga doktor.

"Bitiwan niyo ko! Pupunasan ko lang yung dugo!" Umiiyak kong pag pupumiglas.

Maging si Ashton ay pinipigilan ako pero ako na mismo ang tumigil ng biglang manginig ang katawan ni Jason habang wala siyang malay.

"Jason. Jason anong nangyayare? Bakit nag kakaganyan siya?"kinakabahan kong tanong

"Ashton anong nangyayare?"tanong ko

Napatingin ako sa makina na naka kabit sa kanya at nag iingay. Biglang naging pantay ang linya kaya mas lalo akong kinabahan

Napa tingin ako sa mga doktor na ngayun ay aligaga na

"1 2 3 clear!"

Napayakap ako kay Ashton ng di oras.

"Jason mahal na mahal kita please lumaban ka kailangan ka pa namin ng anak mo" umiiyak kong sabi

"1 2 3 clear!"

"Jason sa oras na iniwan mo ko magagalit ako sayo please lumaban ka Moonshine."

*tit *tit *tit *tit *tit *tit

Napa tingin ako sa makinang kanina ay may pantay na linya ngayun ay nag kakaruon ito ng pataas babang mga linya.

"Ja-Jaya"natigilan ako at napa tingin kay Jason. Naka pikit ang kanyang mga mata pero gumalaw ang kanyang daliri.

Napatingin sakin lahat ng doktor may ngiti sa kanilang labi.

"He's stable and He's awake congratulations" sabi ng doktor sakin pero hindi ko sila pinansin.agad akong lumapit kay Jason at niyakap siya saka hinalikan sa labi. Kahit saglit lang ang halik na iyon ay naibsan non ang kabang nararadaman ko

"Tinakot mo ko, akala ko mawawala ka na sakin. Akala ko iiwan mo na ko"umiiyak kong sabi habang naka yakap sa kanya

"H-hindi k-kita i-iwan..... L-lalaban a-ako p-para sa.... Sayo at s-sa a-anak natin sunshine..." Agad ko nanamang hinalikan ang kanyang labi.

"Mag pagaling ka please wag na wag mo kaming iiwan Moonshine"sabi ko ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko.

"Na-nagising ako ng.... Ng marinig kong magagalit ka sakin pag iniwan kita....at....at moonshine ang tinawag mo sakin..."naka ngiti niyang sabi niyakap ko lang siya at muli nanamang naiyak

"Shhh wag ka ng umiyak Sunshine.... Makakasama yan sa...sa baby natin"sabi niya ngumiti ako at humiwalay sa yakap agad kong hinawakan ang pisngi nya at ngumiti.

"Mahal na mahal kita Moonshine"sabi ko

"Mahal....na...mahal din kita..... Sunshine ko... Pangako....pag natapos....itong.... Pag hihirap ko..... Babawi ako....sayo...."naka ngiti ngunit nahihirapan niyang sabi. Agad kong hinalikan ang kanyang labi. At agad naman siyang nag response pero siya din mismo ang tumapos non.

"Wag mo ng ulitin yun please...tinakot mo ko" bulong ko

"Promise"

~~~~

Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now