Secretly Married To Mr President
Written by RIP
Chapter 28
~~~~
Jaya POV
"Pasensya na sa ginawa ni Jason sayo"pag hihingi ko ng paumanhin kay Ashton na ginagamot ang sugat sa bibig koTumitig lang si Ashton sakin saka ngumiti ng malungkot
"Dapat ako ang humingi ng sorry sayo Jaya, ng dahil sakin ay nasampal ka niya"sabi nya
"Pero ng dahil sakin nabugbog ka niya"sabi ko
Huminga lang siya ng malalim saka ngumiti
"Sorry kung di kita naprotektahan"sabi niya
"Sorry kung nadamay ka"sabi ko
"Jaya, hindi ka pa ba napapagod?"tanong niya huminga ako ng malalim saka nilagyan ng alcohol ang bulak at ginamot ang putok niyang labi.
"Mapapansin mong nag sisinungaling ako kapag sinabi kong hindi."malumanay kong sabi saka ngumiti ng pilit. Naka focus lamang ako sa pag gamot sa labi niya
"Bakit hindi ka pa bumibitaw?"tanong niya. Huminga ako ng malalim saka tinignan sya. Saka ko lang nalaman na naka totok ang mga mata niya sakin habang ginagamot ko siya.
"Kasi may isang dahilan ako para manatiling lumaban"sabi ko
"Anong dahilan naman yun?"tanong niya
Napa ngiti ako
"Mahal ko siya"sagot ko. Nakita ko ang panlulumo sa kanyang mukha"At yun ang dahilan kaya nananatili akong lumalaban"sabi ko saka nilagyan ng band aid ang sugat niya
"Hindi ka pa ba napapagod?"tanong niya
Niligpit ko ang ginamit namin saka tumingin sa kanya
"Pagod na pagod na"sagot ko
"Jaya hindi lang naman siya ang nag iisang lalaki sa mundo eh"sabi nya
Tumingin naman ako sa kanya"Pero sya ang nag iisang lalaking nakapasok sa mundo ko"sagot ko nakita ko ang pagiging emosyonal niya na labis kong pinag taka
"Ikaw ba Ashton, yung sinasabi mong hinihintay mo. Bakit hindi mo mabitaw bitawan?"tanong ko
Tumingin siya sakin ng seryoso. Napaka seryoso ng tingin nya.
"Mahal ko siya" sagot niya
Ngumiti ako
"Ngayun alam mo na ang nararamdaman ko, mahal natin ang isang tao kaya di natin mabitaw bitawan"sabi ko
"Mag kaiba parin tayo"sabi niya kaya napatigil ako
"Kasi ako yung taong hinihintay ko hindi nya alam na mahal ko siya. Ikaw alam ni Jason na mahal mo Siya. Isa pang pagkakaiba natin, palihim kong minamahal yung taong yun pero ikaw patuloy na lumalaban sa relasyong ikaw lang ang may gusto"sabi nya kaya natahimik ako.
BINABASA MO ANG
Secretly Married to Mr President
Humor|COMPLETE | Philippine President Jason Velasquez was secretly married to Jaya Angela Mariana Pilyana a poor girl,innocent one and has a pure gold hearted (lol) Ang tahimik na buhay ni Jaya Jaya putumaya ay magiging meserable lalo na ng maikasal si...