SMTMP 36

2.4K 55 0
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 36

~~~~

Jaya POV


Aking nilagok agad ang gatas na aking iniinom ng makita ko ang nanay ni Jason na papunta sa kusina kung nasan ako ngayun. Agad kong ibinalik ang fresh milk sa loob ng ref saka hinugasan ang ginamit kong baso.

"Gabi na iha bakit gising ka pa?" Rinig kong tanong nito saakin. Inilagay ko sa lalagyan ang baso saka humarap sa ginang na naka kunot ang nuo.

"Naka limutan ko po kasing uminom ng gatas kanina kaya ngayun po ay uminom ako"sagot ko tumaas baba naman ang kanyang ulo saka kumuha ng tubig pinanuod ko ang pag kuha nya ng tubig at kung paano niya ito ininom. Tumingin siya sakin ng matapos na siyang uminom ng tubig

"Bakit ganyan ka maka tingin sakin Iha?"tanong niya. Nailang tuloy ako kaya napa tingin ako sa ibang dereksyon

"Nag tataka lang ho kasi ako aling--"

"Tita"

"Nag tataka lang ho kasi ako aling tita, kanina po kasi ay nakita ko ang masamang pag titig niyo sakin. Galit po ba kayo sakin?"tanong ko ngumiti naman siya at inilapag ang baso sa lababo.

"Tatapatin na kita iha"seryoso nitong sabi at ngumiti ng peke

"Nong una kitang nakita ay naramdaman kong ayaw ko na agad sayo"prangkang sabi niya saka nag seryoso

"Lalo na ng malaman kong asawa ka ni Jason at buntis ka"dagdag niya kaya napa lunok ako.

"Pero kanina ng maka usap ko si Jason. Naisipan kong 'oo nga naman anong mapapala ko kung aawayin kita gaya ng mga napapanuod ko sa palabas anong mangyayare kung pahihirapan kita dahil lang sa hindi ko alam na kasal na pala ang panganay kong anak'" sabi niya saka ngumiti

"Pasensya po kung hindi po pinaalam sa inyo ni Jason"sabi ko

"Ayus lang iha "sabi nito at biglang nag seryoso "nanghihinayang lang ako dahil buong akala ko ay si LJ ang ihaharap niya sakin bilang mapapangasawa niya"sabi niya kaya natahimik ako

"Pero wala eh nangyare na kaya tatanggapin ko nalang, oo nanghinayang ako at nagalit sa inyo ni Jason dahil unang una ay ikinasal kayo ng di ko manlang nalalaman at di manlang akong invited. Ang plano ko pa naman sa kasal ni Jason ay magiging engrande dahil unang beses lang sa buong buhay ng anak ko ang ikasal ng engrande ngunit nalaman kong sa mayor lang pala kayo ikinasal at doon ako mismo nagalit pero ayus na iha wag kang mag alala dahil may plano kami para sa inyo ni Jason na hindi niya nagawa"naka ngiting sabi niya kaya naman napa ngiti ako

"So i guess ayus na tayo, lalo na at magiging lola na ako ahaha. I want you to be part of this family iha welcome to our family"sabi nya habang naka ngiti sakin.

Ewan ko ba pero parang naging emosyonal ako at di ko napigilang hindi yakapan si aling tita bakas sa kanya ang gulat ngunit hindi ko iyon pinansin. Narandaman ko ang pag yakap niya sakin kaya mas lalo akong naging emosyonal.

Kumalas siya sa yakap ko at saka pinunansan ang luha ko

"Don't cry iha hindi maganda yan para sa apo ko"sabi niya na nakapag pangiti sakin

"Salamat po dahil tinanggap niyo ko sa pamilya niyo"sabi ko

"Your welcome dear"sabi niya

"Sige na matulog ka na wag kang mag pupuyat baka makasama yan sa apo ko"sabi niya at inalalayan akong mag lakad papunta sa kwarto namin ni Jason

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now