SMTMP 43

2.2K 48 2
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 43

~~~~

Jaya POV



"Naka usap ko na ang doktor mo anak, sabi nila ay bukas na bukas ooperahan ka na nila para tanggalin ang namuong dugo " sabi ni Aling tita Lecly kay Jason habang hawak nito ang kamay ng anak. Ngumiti si Jason sa ina niya saka tumingin sakin.

"Narinig mo yun Sunshine? Ooperahan na nila ako bukas"naka ngiti niyang sabi sakin ngumiti ako at hinawakan ang kabilang kamay niya

"Kaya dapat mag pahinga ka para bukas ay may lakas ka sa oras ng operasyon mo"sabi ko. Hinawakan niya din ang kamay ko gamit ang kamay niya kung saan ako naka hawak.

"Nag papahinga naman ako ah. Pero mas gusto kong makita ang Sunshine ko kesa sa matulog"sabi niya at hinalikan ang kamay ko

Napa buntong hininga ako saka tumingin kay Aling tita Lecly. Naka ngiti siya saaming dalawa. Tumayo siya kaya napa tingin si Jason sa kanya.

"Bibili muna ako ng prutas para sayo anak.Jaya ikaw muna ang mag bantay sa kanya"naka ngiting sabi ni Aling Tita Lecly kaya naman napa tango ako bilang sagot. Ng maka labas na si Aling Tita Lecly ay ibinaling ko kay Jason ang atensyon ko. Naka ngiti siya sakin habang hawak ang kamay ko.

"Sunshine"tawag niya

"Hmm"

"Nasabi ko na ba sayo na ikaw ang pinaka magandang babaeng nakita at nakilala ko?"tanong niya kaya natawa ako

"Ayan ka nanaman sa pambobola mo Jason. Mag pahinga ka na"sabi ko pero parang di niya ako narinig o sadyang di niya pinansin ang sinabi ko.

"Mahal na mahal kita Jaya ko. At hinding hindi ako mapapagod iparamdam at sabihin sayo araw araw kung gano kita kamahal"sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

"Mahal na mahal din kita Jason. Ikaw ang buhay ko ikaw ang mundo ko. Ikaw at ang magiging anak natin"sabi ko. Bigla naman siyang napa ngiti at tumingin sa tyan ko umasta siyang uupo kaya naman inalalayan ko siya at tinulungang umupo.

Hinawakan niya ang tyan ko kaya napa ngiti ako. Hinila niya ako palapit sa kanya saka niya niyakap at hinalikan ang tyan ko

"Hi baby.... Ayus ka lang ba dyan? Sorry kung na iistress si mommy ng dahil sakin ah. Wag mong papahirapan si Mommy habang wala ako ah"sabi niya at muling hinalikan ang tyan ko.

"Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo"sabi niya pa at niyakap ang tyan ko. Napa hawak ako sa batok ni Jason at napa ngiti.

"Iniisip ko na ang magiging buhay natin sa oras na lumabas si baby"sabi ni Jason.

"Sa isang malaking bahay araw araw mag katabi tayong matutulog samantalang ang mga anak natin ay nasa kabilang kwarto"sabi niya pa. "Mapupuno ng tawanan at masasayang ala ala ang bahay natin kasama ang mga anak natin Jaya ko"dagdag niya

"Tama ka. Pero mangyayare lang yan kung mag papahinga ka na ngayun at bukas ay ooperahan ka"sabi ko saka hinawakan ang baba niya. Pinag dikit ko ang nuo naming dalawa saka ngumiti at ipinikit ang mga mata ko

"Excited na akong matupad ang mga pangarap natin Jason"sabi ko at binuksan ang mga mata ko. Nakita ko ang mata ni Jason na tutok na tutok sa akin ngumiti siya at sinakop ang aking mga labi. Agad naman akong nag response sa halik niya. Ang halik na iyon ay mas lumalim at mas tumagal pero ako na mismo ang pumutol non bago pa mauwi sa kung saan

"Mag pagaling ka muna Jason "natatawa kong sabi. Halata naman sa kanyang mukha ang pagka bitin pero agad din iyong nawala ng mag bukas ang pinto ng kwarto niya. Mula don ay nakita ko si Jared na pumasok.

"Hey"bati ni Jared saka tumingin sa kuya niya.

"What are you doing here?"tanong ni Jason. At agad akong hinila palapit sa kanya. Agad namang natawa si Jared sa inasta ng kuya niya.

"I'm here to say Hi and gusto kong dalawin ka"sabi niya

"I'm fine. Now you may go"malamig na sabi ni Jason sa kapatid niya.

Huminga ng malalim si Jared saka tumingin ng seryoso kay Jason

"I know i do a lot of things na ikakagalit mo at kinagalit mo"paninimula ni Jared "but I'm here hindi para bwisitin ka at asarin ka. I'm here bilang kapatid mo. I just wanted to say sorry for all the thing I've been done. I know di na non maibabalik ang tiwala mo sakin about what happened to us but i hope na sana mapatawad mo ko......kuya " parang nanlambot ang puso ko sa sinabi ni Jared.napa tingin ako kay Jason na natahimik at naka tingin ng deretso sa kapatid niya.

Muli kong ibinalik kay Jared ang paningin ko. Napa buntong hininga ulit si Jared at ngumiti ng mapakla

"Nong bata pa tayo, papa always say's 'lagi kang mag sorry sa kuya mo pag may nagawa kang mali. Mabait ang kuya mo kaya mapapatawad ka niya gano man kalaki ang nagawa mong kasalanan'" kwento ni Jared habang naka tingin kay Jason.

"Sana di ka parin nag babago kuya. I'm sorry for everything and thanks for everything" naka ngiting sabi ni Jared at saka humingang malalim "kuya" dagdag niya saka tumalikod paharap pinto. Akmang hahakbang na siya palabas ng pinto ng tawagin siya ni Jason

"Apologies accepted"biglang sabi ni Jason na nakapag patigil kay Jared

"Your back lil bro"naka ngiting sabi ni Jason. Mukhang nasa states of shock nanaman si Jared kasi naka tingin parin ito sa labas .

"Woi ano?"natatawang tanong ni Jason sa kapatid dahan dahang tumingin si Jared sa gawi namin nanlaki ang mga mata ko ng makitang umiiyak siya

"Kuya" parang bata niyang sabi saka sumugod kay Jason para yakapin. Naka ngiti kong pinag masdan ang dalawa para silang bata.

"Kuya sorry"umiiyak at parang batang sabi ni Jared.

Naka ngiti namang nakayakap si Jason kay Jared

"Hahaha wala ka paring pinag bago lil bro"sabi ni Jason

"Ag tagal kong di narinig yung lil bro mula sayo kuya" parang batang sabi ni Jared

"Cuz nag rebelde ka"pag dadahilan ni Jason

"Pag galing mo mag wrestling tayo ah"sabi ni Jared na ikinatawa ko. Napa tingin ako kay Jason na biglang natahimik

"Kuya?"tawag ni Jared at kumalas ng yakap

"Kuya anong nangyayare?"tanong ni Jared

"Jason ayus ka lang?"tanong ko

"Ahhhhhhh"biglang sigaw ni Jason

"Ang sakit!! Jaya ahhhhhhh!" Halos mataranta ako ng marinig ang sigaw ni Jason

"Jared tumawag ka doktor dali"

"Ahhhhhhhh ouch! Ahhhhh"

"Jared dali!" Agad na lumabas si Jared para tumawag ng doktor.

"Jason... Jason nanjan na ang doktor" agad kong niyakap si Jason at agad nanamang bumuhos ang mga luha ko. Sobra akong nahihirapan pag nakikit kong nasasaktan si Jason dahil sa sakit niya.

~~~

Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now