SMTMP 16

2.8K 60 3
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 16

~~~~

Jaya POV

"I lied" sabi ko at tumango.

"What?"

"Galing ako sa pamilyang normal lamang, normal ang pamumuhay, masaya at walang prino-problema" kwento ko at napangiti habang inaalala ang mga araw na iyan

"Akala ko ganon talaga ang buhay namin, akala ko normal lang kami pero hindi pala"dagdag ko saka tumingin sa dereksyon niya. Naka tingin siya sakin ngayun at naka kunot ang nuo.

"Dating presedente ng Pilipinas ang lolo ko, daddy ng papa ko. Nong 7 years old ako nakilala ko ang lolo ko don ko siya unang nakita dahil nong edad kong iyon ay saka palamang napatawad ni lolo ang papa ko" kwento ko

"Hindi ko maintindihan Jaya" bulong nya

"Nong kabataan pa ni papa, nakagawa siya ng isang bagay na kinagalit ni lolo at iyon ay ang nabuntis niya ang nanay ko. Dahil nga sa presedente si lolo ng Pilipinas at ayaw niyang malaman ng publiko na naka buntis ang uniko iho niya ay patagong pinadala ni lolo si papa sa probinsya namin kasama ang nanay ko. " kwento  ko

"Namuhay ng payapa sila nanay at tatay hanggang sa dumating ang araw na ipanganak ako, nong araw na iyon hindi nakayanan ni ina ang panganganak sakin kaya namatay siya." Dagdag ko saka tumulo ang luha ko

"Sabi ni ama napaka ganda daw ng aking ina at kamukha ko ito kaya dapat kong ipag malaki ang gandang taglay ko"naka ngiting sabi ko

"Hanggang lumipas ang pitong taon, nagulat nalang ako isang araw may napaka raming sasakyan sa labas ng kubo namin. At may isang matanda na mamahalin ang suot. Yun na pala si lolo" sabi ko at tinignan siya, nakikinig lang siya sakin.

"Ikinuwento nila lahat lahat sakin na apo ako ng isang presedente, syempre masaya ako kasi isa pala akong apo ng napaka galing na presedente, hinahangaan ko kasi noon si lolo dahil sa pamumuno niya"sabi ko saka ngumiti

"Hanggang isang araw sabi ni lolo doon na daw kami tumira sa bahay niya kasama siya syempre ako excited ako non. Pati si tatay excited din dahil sa muli nanaman siyang babalik sa nakalakihan niyang buhay. Pero syempre bilang isang pangulo napakaraming gagawin laging busy at madaming inaasikaso si lolo. Hanga nga ako sa kanya dahil nabibigyan niya parin ako ng oras kahit na galing siya sa ibang bansa dahil sa meeting" sabi ko at tumango

"Hanggang isang araw, sinama kami ni lolo dito sa America para sa meeting niya sa presedente ng America  at syempre para ipakilala na din kami. Alam mo ba proud sakin si lolo dahil natutulungan ko daw siya sa mga gawain nya bilang presedente"pag mamalaki ko

"So ayun nakilala ako ng American president at si papa. Syempre pagkatapos ng meeting nila eh namasyal kami sa buong America kasama si papa. Ang saya saya namin nong oras na iyon Jason sobrang saya namin"kwento ko at nag simula nang tumulo ang luha ko

"Hanggang sa umuwi na kami ng Pilipinas, akala namin pati sa pag uwi namin ay masaya kami pero hindi pala, inabangan ng mga terorista ang eroplanong sinasakyan namin sa  airport at doon pinatay nila si lolo" kwento ko at agad na humagulgol

"Alam mo ba na dapat ako ang tatamaan ng bala kaso sinalo ni lolo ang bala na dapat ay sakin tatama at- at alam mo ba sabi ni lolo bago siya mawalan ng hininga?"tanong ko habang umiiyak

"Ikaw ang pinaka magandang nangyare sa buhay ni lolo Apo ipinag mamalaki kita ipinag mamalaki ko kayo"

Huminga ako ng malalim matapos sabihin ang mga linyang iyon.

"So ayun matapos ang pamamaril madaming polis ang nag imbistiga sa nangyare timatanong din kami ng polis pero hindi ako sumasagot si papa lang ang nasagot hanggang sa nailibing na si lolo"kwento ko at natawa

"Alam mo ba kung ano ang pinaka malala? Yung kinasuhan nila si papa sa hindi namin alam na kadahilanan" kwento ko dahilan para matigilan siya

"Kinasuhan nila si papa kaya sa probinsya kami nag tago, lahat ng yaman ni lolo? Kinuha ng gobyerno kaya kami nagkanda hirap sa probinsya at nabaon si papa sa utang hanggang sa namatay na si papa pero hindi niya parin nababayaran ang mga utang niya."kwento ko

"Jaya.."

"Pumunta ako sa manila para mag trabaho ng marangal Jason kaya sana wag mong isipin na niloloko kita. Dahil umpisa palang hindi ko na pinangarap na maging manloloko" sabi ko at pinunasan ang mga luha ko

"Jaya.."

"Sorry kung nag sinungaling ako, ginawa ko lang yun para sa proteksyon ko. Dahil hanggang ngayun alam kong may gustong pumatay sakin" sabi ko at humingang malalim

Bigla akong nagulat ng hilain niya ako palapit sa kanya at marahang hinalikan ang aking labi

Hindi ko alam pero napaka sarap nito sa pakiramdam
Yung kaninang lungkot na nadarama ko ay biglang nawala.

Nag umpisang gumalaw ang labi niya kaya nag umpisang sumunod sa pag galaw ang labi ko napaka tamis ng halik na ibinibigay nya sakin.kulang nalang iisipin kong may halong pag mamahal ang halik niya na ibinibigay sakin.

Nagtagal ng dalawang minuto ang aming paghahalikan hanggang sa siya na mismo ang kumalas at niyakap ako.

"I'm sorry, I'm sorry for everything"bulong niya habang yakap ko

"I may not a perfect man but i promise, i will be a perfect husband for you. I love you sunshine" bulong niya dahilan para matigilan ako

~~~~

Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now