SMTMP 17

2.8K 53 4
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 17

~~~~

Jaya POV

"I may not a perfect man but i promise, i will be a perfect husband for you. I love you sunshine" bulong niya dahilan para matigilan ako

"Who the hell is sunshine?"inis kong tanong dahilan para matigilan siya at dahan dahang humarap sakin

"Its y-you"

"You your face! I'm not sunshine I'm Jaya, Jaya Jaya putumaya putangina" inis kong wika saka tinignan siya ng masama

"But its really--"

"Wag mo kong kausapin lalaki"

"Ginagago mo ba ko babae?"

"Minumura mo ba ko lalaki?"

"Sinasagot mo ba ko babae?"

"Tinatanong mo ba ko lalaki?"

"Jaya!"

"JASON!"sigaw ko din saka tinignan siya ng masama

"SINO YUNG SUNSHINE?!"tanong ko

"IKAW NGA KASI!"psigaw niyang sagot

"BAKIT KA SUMISIGAW?!"tanong ko din at isinigaw iyon sa mukha niya

"KASI SINISIGAWAN MO DIN AKO!"sigaw nya din sa mukha ko

"KASI MAY BABAE KA!"sigaw ko

"EH ANO NAMAN KUNG MERON MAG SESELOS KA BA?!"sigaw niya at doon ako natigilan

Sandali siyang tumitig sakin pero nanatili akong natigilan

"Oo nga pala wala akong karapatang mag selos haha" sabi ko at tinalikuran siya

"Jaya.."dinig kong tawag niya pero nag lakad ako papunta sa maleta ko at nilabas ang damit ko

"Maliligo lang ako, gusto ko ng mag pahinga" sabi ko at saka tumayo ng makuha ko na ang kailangan ko tumitig ako sa mga mata ni Jason na ngayun ay parang nalulungkot

"Pwede kang gumala sa labas or tawagan yung SUNSHINE mo habang naliligo ako"naka ngiting sabi ko pero talagang nasasaktan ako

Sandali ko pa siyang tinitigan, ngumiti nalang ako ng pilit at nilagpasan siya pero hinatak niya ang kamay ko at iniharap sa kanya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko at dumaloy nanaman ang napaka raming kuryente sa katawan ko.

"Makinig ka"seryoso niyang sabi saakin habang naka tingin sa mga mata ko

"Ikaw ang asawa ko--"

"Pekeng asawa"pag tatama ko

"Ikaw ang asawa ko. Sayo ako uuwi at sayo ako babalik. May karapatan kang mag selos dahil yun ang damdamin mo. Pero wala ka dapat pag selosan dahil simula palang ng dumating ka sa buhay ko sayong sayo na ako"seryoso niyang wika dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko
Ni hindi niya nga pinalitan yung katagang IKAW ANG ASAWA KO kahit na may Peke naman talaga yun

"Pero hindi mo ko tunay na asawa Jason. Wala akong karapatang mag selos kasi di ka naman akin at natural na hindi ako mag seselos dahil wala namang dahilan para mag selos ako dahil kahit kailan ay hindi ka magiging akin"sabi ko

"Jaya, ano ba? Asawa kita kahit na sabihin mong peke ang kasal na ginawa natin ay--"

"Kapag ba totoong kasal ang meron sating dalawa ay tratratuhin mo parin akong ganito?"tanong ko dahilan para tumigil siya kaya natawa ako ng mapakla

"Kapag ba naging akin ka ng totoo at di biro ay mamahalin mo ko tulad ng pag mamahal ko sayo?"tanong ko pero nanatili siyang tikom

Huminga ako ng malalim at inalis ang pagkaka hawak niya sa kamay ko at saka ngumiti ng pilit

"Di natin masasabi, panandaliang pag sasama lang ang meron sa ating dalawa. Aalis at iiwan mo din ako. Sasaktan at iiyak lang din ako. Ayokong umasa Jason ayokong umasa dahil masakit kapag sa huli ay naramdaman kong mali ang pag asang naiisip ko" naka ngiting sabi ko saka muling tumalikod at nag patuloy sa pag lalakad papunta sa CR

Ng nasa loob na ako ng CR ay doon ko na inilabas ang lahat ng nararamdaman ko. Ibinabad ko ang aking sarili sa malamig na tubig at doon umiyak

Ayokong umasa na magiging totoo ang pakiramdam at pakikitungo sakin ni Jason. Alam ko naman na ginagawa niya ito bilang pekeng asawa ko. At alam ko din na di mag tatagal ay aalis at iiwan din namin ang isa't isa

~~~

Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now