SMTMP 26

2.5K 55 1
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 26

~~~~

Jaya POV


"Ahahaha Ashton tignan mo yun!" Naka ngiting sabi ko habang naka turo don sa mga nag kukumpulang tao sa may gilid ng kalsada

"Anong nangyayare don?"tanong niya

"Tara!" Sabi ko at hinila siya papunta sa mga nag kukumpulang tao. Habang papalapit kami ay may naririnig kaming isang tugtogin

"Excuse me excuse us" sabi ni Ashton
Sumingit singit kami para lang maka punta sa unahan. At ganon nalamang ang pagka mangha ko ng makita ko ang isang lalaking sumasayaw na parang si Michael Jackson at sa tabi niya ay merong isang medyo matabang lalaking kulay puti ang mukha at parang laging naka ngiti ang kanyang mukha. Umaakting ito na parang may salamin siya nakikita or what ever.

"Whow" manghang turan ko habang hawak parin ang kamay ni Ashton
Naka focus lamang ang paningin ko sa dalawa ng maramdaman kung hawakan din ni Ashton ang kamay ko. Napa tingin ako sa kamay naming magkahawak

Para kaming magka holding hands
Napa tingin ako kay Ashton na naka ngiting naka tingin sa pinapanuod namin.

Sana si Jason nalang ang kasama ko ngayung mga oras na ito.

Ibinalik ko ang paningin ko sa mga nag tatanghal sa harapan habang hawak parin namin ang kamay ng isa't isa.

Makalipas ang ilang oras ay napag desisyonan namin ni Ashton na bumalik sa hotel. Malapit na kasing gumabi.
Aaminin ko naging masaya ako habang kasama ko si Ashton. Pero mas sasaya siguro ako kung si Jason ang kasama ko.

"Jaya, ayus ka lang ba?"tanong ni Ashton na nag dra-drive ng kotse

"Hmm salamat dahil ipinasyal mo ko sa mga ganong lugar Ashton"sabi ko

"Hmm wala yun, ang saya pala no?"sabi niya

"Mm alam mo ba parang nasa lalamunan ko parin yung huling kinain natin!" Natatawa kong sabi

"Hmm balak sana kitang dalhin sa mall kaso parang mas gusto mo sa mga ganong lugar"pag kwekwento niya

"Ayoko sa mga mall, wala naman tayong pambili ng mga gamit don eh hahaha" sabi ko

"So ano? Naging masaya ka ba?"tanong niya

"Super" sagot ko
Pero mas sasaya ako kung kasama ko si Jason

"Saan ka matutulog Ashton?"tanong ko

"Don sa hotel room ko" sagot niya

"So iiwan mo ko don mag isa sa hotel room namin?"tanong ko

"Oo?"

"Halah! Ashton naman eh! Wag mamaya baka nandon si Anabel or baka yung chakidal Ashton don din ako matutulog sa hotel room mo!" Sabi ko

"Pero Jaya hindi Pwede--"

"Bakit naman?"

"Kasi magagalit si Jason"

"Pero wala naman si Jason isa pa wala akong kasamang matulog! Natatakot ako Ashton"sabi ko

"Jaya--"

"Please Ashton Please"

Bumuntong hininga muna siya bago nag salita

"Sige" sagot niya

"Yes! Salamat Ashton!" Masayang sabi ko saka tumingin sa daanan.

Ilang minuto pa ay nasa hotel na kami. Napag desisyonan namin ni Ashton na tumambay muna don da tuktok ng hotel kung saan kita mo ang lahat

Ang ganda. Yung mga ilaw sa baba parang mga bituin at kapag tumingin ka naman sa taas ay makikita mo ang mga bituin na kumikislap
Malamig din ang hangin sa taas

"Jaya" napa lingon ako sa kasama ko

"Bakit?"tanong ko ng di siya makapag salita

Ngumiti lang siya at umiling

"Wala tutok na tutok ka kasi jan"sabi niya

"Ang cool kasi ng mga ilaw sa ibaba, tignan mo yun"sabi ko sabag turo don sa isang tulay na dinadaanan ng mga kotse. May ilaw ito na napaka ganda

"Iyon tignan mo kulay pink"sabi niya sabay turo don sa isang dereksyon

"Oo nga no."sabi ko sabay tingin sa ibang parte sa ibaba

"Iyon! Kulay Blue!"sabi ko

"Iyon tignan mo yung gusali na yun"sabi niya habang naka turo don sa isang gusaling napaka laki

May mga ibat ibang kulay ito at napaka gandang pagmasdan!

"Sa loob ng 10 segundo ay titingkad ang kulay niyan kasabay ng pag sabog ng fireworks sa langit" sabi niya habang napaka lapit ng kanyang mukha sa aking tenga

Gusto ko sanang tanungin kung pano niya nalaman pero....

*boooooom

*booooooom

*pengggggsssssjhhhhh booom

0__0

Whow ang ganda

Tama nga si Ashton. Ang ganda ng fireworks! Lalo pang kumintad ang ilaw ng building kasabay ng pag papasabog ng fireworks sa langit.

Kung iisipin ay parang napaka romantikong pag masdan ang aming sitwasyon ngayun. Sabay kaming nanunuod ni Ashton ng fireworks display habang magka hawak ang kamay naming dalawa. Ewan kung pano nangyareng magkahawak ang kamay naming dalawa pero kakaiba ito. Kakaiba ang nararamdaman ko.

Parang napaka saya ko ngayung araw na ito kahit na wala siya ay pakiramdam ko naging malaya ako.

"Alam mo kung ano ang pinaka magandang pangyayare sa buhay ko na naganap sa buong buhay ko?"tanong ni Ashton kaya napa tingin ako sa kanya. Naka ngiti siya habang naka tingin sa fireworks

"Ano?"tanong ko

"Ang manuod ng fireworks kasama ang babaeng hinihintay ko"

Napa tahimik ako sa sinabi niya. May kasama ba kaming multo? Kasama niya ba yung babaeng hinihintay niya? Pero nasan? Wala akong ibang makita kundi ako at siya lang.

May nakikita ba itong si Ashton na di ko nakikita?

~~~

Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

Secretly Married to Mr PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon