Secretly Married To Mr President
Written by RIP
Chapter 14
~~~~~
Jason POV
"Jaya, nandito na tayo" pang gigising ko kay Jaya na sobrang himbing ng tulog, tumingin pa siya sakin bago siya tuluyang umupo ng maayus at nilibot ang paningin."Nasa Amerika na ba tayo?" Tanong nya kaya natawa ako.
Ang cute niya pag bagong gising pero syempre nag sisinungaling ako."Nasa Airport na tayo Jaya tara na"sabi ko kaya tumango naman siya. Lumabas na ako ng kotse ko at ang daming reporters agad ang bumungad sakin kaya napa atras agad ako at agad na nasarado ang pinto para hindi makalabas si Jaya
"Mr President ngayun daw po ang alis niyo papuntang America?"
"Ano sa tingin niyo ang pag uusapan niyo sa America kasama ang ilang leader ng ibang bansa?"
"Mr President anong masasabi niyo sa panibagong batas na ipinatupad ni--"
"Pasensya na pero nag mamadali si Mr President" singit ni Ashton kaya naka hinga ako ng maluwag
"Mr President ano pong--"
"Mr President mauna na po kayo sa loob ako ng bahala kay Jaya" bulong ni Ashton kaya tumango ako kahit labag sa loob ko.
Nag lakad ako ng pormal papunta a a may entrance ng airport ng marinig ko kong pano tumahimik ang lahat dahilan para mapalingon ako sa likod ko
0___0
Si Jaya!!! Nakalabas si Jaya at sa kanya naka tingin ang lahat
"Sino siya?"
"Oo nga bakit lumabas siya sa loob ng kotse ng presedente?"
"Baka shota ng pangulo?"
Nag simula ng mag bulong bulongan ang mga nasa paligid kaya taimbaga kong tinignan si Jaya at sinamaan sya ng tingin ngumiti lang siya sakin
"Miss anong pangalan mo?"
"Kaano ano ka ng pangulo?"
"Mag asawa ba kayo?"
"Anong papel mo sa buhay ng pangulo?"
"Anong meron sa inyo ng pangulo?"
"Ehem" singit ko dahilan upang malipat ang tingin nila sakin tahimik silang lahat pero mukhang nag aabang sila ng sagot
Lumapit ako kay Jaya at tumingin sa mga mata niya ng deretso
"Lagot ka sakin mamaya" bulong ko at hinarap ang mga reporters saka ngumiti
Siguro kailangan ko ng aminin sa publiko na may asawa ako
"Siya si Jaya ang aking as--"
"Katulong slash alalay niya lang po ako" magalang at naka ngiting wika ni Jaya sa lahat kaya napatigil ako
ANO?! ANONG KATULONG SLASH ALALAY?!
Lagot ka talaga sakin mamaya Jaya!!!!
"Mr President mahuhuli na po kayo sa flight niyo tara na po" sabi ni Jaya at ngumiti sakin saka tumingin sa mga reporters
"Sorry to say but Mr President needs to leave right now for some important matters to review with the American president. We will gave you some information when we back" naka ngiting wika ni Jaya
Napa lunok ako at nanlaki ang mga mata ko
Si Jaya ba talaga ito? Paanong? Ang layo niya sa Jaya na kilala koNag snap si Jaya sa harap ko at tinuro ang daanan gamit ang kanyang nguso saka ngumiti mukhang sinasabi niya na kailangan ko ng umalis
Inayus ko ang sarili ko bago mag lakad papasok ng airport narinig ko pa ang mga tanong ng ilang reporters about kay Jaya pero hindi ko ito pinansin
Bakit ganon? Isang Jaya na Slow at parang boba kung kumilos ay naging isang marangyang tao kanina,parang hindi siya si Jaya na kilala ko kung titignan
Sino ka ba talaga Jaya?
~~~~
Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper
YOU ARE READING
Secretly Married to Mr President
Humor|COMPLETE | Philippine President Jason Velasquez was secretly married to Jaya Angela Mariana Pilyana a poor girl,innocent one and has a pure gold hearted (lol) Ang tahimik na buhay ni Jaya Jaya putumaya ay magiging meserable lalo na ng maikasal si...