SMTMP 38

2.2K 51 0
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 38

~~~~

Jaya POV

Halos masampal ko ang aking sarili dahil sa nakitang napaka habang papel na kung saan naroon ang mga gagawin ni Jason sa buong isang lingo bago ang kanyang SONA.

Halos umabot na ang papel na hawak ko sa lapag. Nakaka gulat lang dahil ang daming gagawin ni Jason buong isang lingo upang paghandaan ang SONA niya.

Napa isip tuloy ako na sa sobrang abala niya sakin ay napapa bayaan niya na ang kanyang trabaho bilang pangulo ng aming bansa.

"Jaya, Jaya nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap sunshine tara kain na tayo" masiglang sabi ni Jason na nasa likod ko.

Hindi ako kumibo at nanatiling nasa listahan ang aking paningin.

"Sunshine?"muling tawag niya sakin.tinignan ko siya at huminga ng malalim

"Jason gawin mo na ang mga trabaho mo" mahinahon kong sabi

"Jaya, ako ng bahala sa mga--"

"Jason tignan mo ito"sabi ko at pinakita ang hawak kong listahan. Natahimik naman siya at napa tungo

"Jason alam kong abala ka saakin at naiinis ako dahil mas inouna mo pa ako kesa sa mga gawain mo bilang pangulo, Jason wala namang masama kung magiging abala ka peri sana ginagawa mo din ang tungkulin mo bilang pangulo"mahinahon kong sabi

"Sunshine. I love you wag ka ng magalit please"parang bata niyang sabi kaya napa ngiti ako. Hinigit niya ang aking tyan at niyakap patalikod. Hinalikan niya ang aking leeg at saka ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

"Jason, hindi naman ako nagagalit eh. Napapansin ko lang kasi na masyadong madami itong gagawin mo. Naiisip ko din na baka ako ang dahilan kung bakit masyadong madami kang ginagawa"sabi ko

Narinig ko ang pag buntong hininga niya at bahagya niya pang hinalikan ang aking leeg saka nag salita

"Sunshine, madami naman talagang gagawin ang mga pangulo. Wag mong isipin na ikaw ang dahilan kung bakit madami akong ginagawa. Sunshine syempre mas uunahin kita mas uunahin ko kayo ng mundo ko"sabi niya at muling hinalikan ang aking leeg.

"Jason"tawag ko at kumalas ng yakap saka humarap sa kanya. Ngumiti ako at hinalikan ang kanyang pisnge saka muling tinitigan ang kanyang mga mata

"Mahal kita" sabi ko

"Mas mahal kita"

"Mahal kita kaya gawin mo na ang gagawin mo bilang pangulo"sabi ko agad na ngumiwi ang kanyang labi.

"Pero--"

"Jason!"

"Oh sige sige ito na po pero kain na muna tayo"sabi nya at hinila ako palabas ng kwarto namin.

~~~

Sa loob ng apat na araw ay naging abala si Jason. Gaya ng inaasahan ko ay tutok siya sa media at sa mga meetings. Hindi na ako nag taka pa ng minsan ay hindi ako pinapansin ni Jason. Dahil nga siya ay abala at naiintindihan ko iyon. Hahalik siya sa aking labi at yayakapin ako ng matagal sa tuwing siya ay pagod. May pagkakataon ding deretso tulog siya dahil sa kanyang pagod.
Nong nakaraang araw nga ay halos 6 na ng umaga siya naka uwi ang sabi niya ay wala pa daw siyang tulog at wala pang kain kaya naman inasikaso ko sya.

Halos mapa anak ako ng sobrang aga dahil sa sobrang awa para kay Jason. Sobrang bilis kasi niyang namayat ngayun. Sa sobrang busy nya ay napapabayaan niya ang kanyang katawan at kalusugan kaya mas lalo akong nag aalala.

"Jason ayus ka lang ba?"tanong ko ng mapansin ko ang napaka higpit niyang hawak sa stante kung saan naka tayo siya sa harap ko at naka hawak ang isang kamay sa stante ng libro.

"Ayus lang "nakita ko ang pilit nyang pag ngiti at pag buntong hininga. Tumayo ako at hinawakan siya

"Maupo ka muna Jason. Ang taas ng lagnat mo"agad kong sabi at kinapa ang kanyang leeg. Tama nga ako. Kaya pala napaka pula ng kanyang mukha

"Ayus lang ako Sunsh--"

"Jason!" Agad akong napa sigaw at agad na sinalo ang kanyang mabigat na katawan

"Ashton! Ashton tulong!" Sigaw ko at niyakap ang walang malay na katawan ni Jason

"Jason.... Jason--"

"Jaya, anong nangyare?"agad na umalalay si Ashton at kinuha ang katawan ni Jason na naka akap sakin.

"Ang taas ng lagnat niya"sabi ko

"Tatawag ako ng doktor"agad niyang sabi ng maihiga si Jason sa sofa.agad siyang lumabas sa kwarto kaya naiwan akong nag aalala para kay Jason.

"Jason ano bang ginagawa mo sa sarili mo"nag aalala kong wika sa aking sarili habang nag aalalang naka tingin kay Jason na wala paring malay.

Ilang minuto pa ay dumating ang doktor at sinuri si Jason. Naka hinga ako ng maluwag ng sabihin ng doktor na ayus lang naman siya may lagnat lang siya at nawalan ng malay dahil sa sobrang pagod niya. Nag reseta ang doktor ng gamot na kailangang inumin ni Jason pagka gising niya ang sabi pa ng doktor ay paka inin daw ng masusustansyang pagkain si Jason kasi daw umaatake nanaman daw yung sakit niya. Yun lang ang sinabi ng doktor di naman niya sinabi kung anong sakit ang umaatake kay Jason.

"Ja-Jaya" napa tingin ako kay Jason na dahan dahang iminumulat ang kanyang mga mata.

"Nandito ako" sabi ko at hinawakan ang kanyang pisnge

"Jaya ko" muling banggit niya sa aking pangalan.

"Nandito ako" sabi kong muli

"Masakit Jaya ahhhhhh"

"Jason? Anong masakit?" Agad akong naalarma ng pumalahaw siya ng sigaw

"Jaya! Ahhhh ang sakit Jaya nasan ka?"

"Jason?" Halos mapa iyak ako sa sobrang alala hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisnge at sobrang taas parin ng kanyang lagnat

"Jaya ahhhhhhang sakit"

"Ashton! Ashton! Jason saglit lang okay? Pupunta tayo sa hospital"sabi ko at tinawag si Ashton

"Ahhhhh Jaya nasan ka? Jaya ahhhh hindi kita makita Jaya ko nasan ka?" Halos mabasag ang puso ko ng makita ko ang pag tulo ng kanyang mga luha

Ano bang nangyayare anong hindi niya ako nakikita? Nandito ako?

"Jason nandito ako ASHTON!"muling tawag ko kay Ashton. Agad na pumasok si Ashton

"Ihanda mo ang sasakyan dadalhin natin si Jason sa Hospital"sabi ko agad siyang sumunod sa utos ko. Niyakap ko si Jason na namimilipit sa sakit na hindi ko naman malaman kung saan.

Ano bang nangyayare?

~~~~

Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

Secretly Married to Mr PresidentTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang