SMTMP 41

2.2K 54 1
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 41

~~~~

Jaya POV

"

Magandang tanghali sa inyong lahat" naka ngiting sabi ni Jason sa lahat ng nanunuod. Ang daming media dito sa loob ng Malacañiang halos lahat ng matataas na opisyal ng Pilipinas ay naririto para manuod. Narito din ang Vice president at ilan pang mga ahente ng Pilipinas.

"Masaya akong naririto sa harap ninyo upang umpisahan ang aking unang sona"naka ngiting sabi ni Jason. Kung titignan ay para siyang walang sakit at natural lang sa kanya dahil sa ngiti niya pero ako, ako lang ang nakaka alam ng lahat ng sakit na nararamdaman niya.

"Ang sabi ng aking yumaong ama bago siya mawala ay 'anak nais kong dumalo ka sa unang sona mo upang ipag mayabang sa lahat ang iyong nagawa at iyong nakuha'" naka ngiti niyang wika. Lahat ng nakikinig ay natawa. Siguro ay akala nila nag papatawa si Jason.

"Pwes ngayun tutupadin ko ang huling habilin ng aking ama. Ang ipag mayabang lahat ng aking nagawa para sa Pilipinas at lahat ng aking magagandang nakuha"naka ngiti niyang sabi.

"Ipag mamayabang ko na bumaba ang kremen na meron dito sa Pilipinas" agad nag palakpakan ang lahat sa narinig. Maging ako ay pumalakpak.

"Sa isang daang porsyento masasabi kong limang porsyento nalamang ang merong nagaganap na kremen dito sa Pilipinas at iyon ay ang kurapsyon" sabi niya habang naka ngiti. Tama siya ang laki ng pinag bago ng Pilipinas.

"Maipag mamalaki kong wala ng mga adik at drug pusher sa Pilipinas, maipag mamalaki kong wala ng mga illegal na gamot sa Pilipinas. Salamat sa lahat ng aking mamamayan"naka ngiti niyang sabi agad na pumalakpak ang lahat.

"Nong nakaraang buwan sinabi ko kay Ashton na mag donate ng pera para sa mga taong walang tirahan at walang pera"kwento niya "nong araw na iyon na realize ko ang hirap ng mga Pilipino habang ang mga mayayaman naman ay walang ibang ginawa kundi ang mag waldas ng pera sa mga bagay na di naman sila matutulungan" sabi niya at nag seryoso "naisip ko isa pala ako sa mga mayayaman na nag wawaldas ng pera para lang sa mga bagay na di naman ako matutulungan" lumungkot abg kanyang boses dahilan para mahati ang aking puso. "Kaya sabi ko sa isip ko iba pala pag mahirap. Iba pala pag walang pera. Nakikita ko ang nga batang walang saplot na nasa lansangan namamalimos para sa kanilang pagkain ngunit ang ilang taong malapit sa kanila ay dinadaan daaanan lang sila" kwento niya.

"Sabi ko sa sarili ko ano kaya kung ako yung batang namamalimos para sa pagkain ng pamilya namin. Ano kaya kung yung nanay ko may sakit tapos may anim akong kapatid pero maliliit pa sila. Naisip ko ahhh itong kahirapan ang ugat ng mga kasamaan" sabi niya "kasi kung iisipin bakit kailangan mong mag nakaw? Bakit kailangan humantong pa sa pag kuha ng yaman ng iba?" Tanong niya. Lahat ay tutok na tutok sa kanyang sasabihin maging ang mga media ay naka tutok sa kanya "simple lang dahil sa kahirapan. Walang makain ang pamilya ng ilan dahil sa kahirapan" sagot niya sa kanyang sariling tanong

"Pero napaisip ulit ako. Minsan ang pera ginagamit nila upang maka bili ng droga" sabi nya at bumuntong hininga. Agad akong nag alala alam kong pagod na siya.
Mabilis ng mapagod si Jason ngayun kaya naman nag aalala ako.

"Kaya naman nag lungsad ako ng isang samahan. samahan na kung saan lahat ng mga adik at drug lord at drug pusher ay bibigyan ng pagkakataon upang mag bagong buhay." Kwento niya "yung malaking gusali jan sa Aurora? Aking pinasadyang gawin iyon para sa mga adik, drug pusher at drug lord. Bakit ko pinagawa? Simple lang para silang lahat ay magkaruon ng matinong trabaho. Kapalit non ay isusuko nila ang lahat ng drugang meron sila"sabi ni Jason. Agad na nag palakpakan ang lahat sa narinig

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now