SMTMP 9

3.4K 68 1
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 9

~~~~~~

Jaya POV


"Jason tama na?"awat ko sa kanya   at pumagitna sa kanilang dalawa ni Jared

"Bitawan mo ko!"sigaw ni Jason sakin at galit na tumingin kay Jared

"BAKIT MO INILAYO SI JAYA SAKIN?!"galit na tanong ni Jason kay Jared

Hindi siya sinagot ni Jared agad akong lumapit kay Jared at tinignan ang sugat niya

"Ayus ka lang ba?"tanong ko ngumiti lang sakin si Jared

"AT TALAGANG SA HARAP KO PA KAYO MAG LALANDIAN?!"sigaw ni Jason at hinatak ako palayo kay Jared saka galit na tinignan ako

Bigla akong kinabahan sa titig nya

"ALAM MO BANG HALOS MANGUNSUME AKO SA KAKAHANAP SAYO TAS IKAW PURO KA LANDI AT TALAGANG KAY JARED PA NA KAPATID KO!? TALAGA BANG WALA KANG IBANG ALAM KUNDI ANG LUMANDI?!"sigaw ni Jason sakin

</3

Natigilan ako sa sinabi niya at parang lahat ata ng sakit ay nasakin na nang hina ako sa sinabi niya at agad nawalan ng gana

Ngumiti ako ng pilit naramdaman kung may tumulong luha sa mga mata ko pero nanatili akong naka tingin kay Jason na natigilan at naka tingin sakin

"S-sorr--"

"Ayus lang"putol ko sa sasabihin nya at ngumiti

"Naiintindihan ko naman na nag alala ka lang kaya ka ganyan"naka ngiting sabi ko parang pinupunit ang puso ko habang tinititigan ang mga mata ni Jason "salamat sa pag aalala...sana hindi ka nalang nag alala kasi ayus lang naman.....sana hindi ka nalang nag alala kasi mas ayus pa ako kaninang di kita kaharap kesa sa ngayung kaharap kita at sinasabihan ako ng mga masasakit na salitang alam kong di naman totoo" naka ngiting wika ko at dahan dahang inaalis ang pag kakawak niya sakin

"J-jaya--"

"Ah oo nga pala.... Baka...baka hinahanap ka na mg girlfriend mo...umalis ka na kasi baka ako pa ang galawin non ahahaha "pilit kong tawa saka tumingin kay Jared na naka tingin sakin

Akmang lalapitan ko si Jared ng bigla akong higitin ni Jason at niyakap

</3

Bakit lagi ko nalang nararamdaman ang mga emosyong ito sa tuwing yayakapin mo ko?

"I'm....sorry" bulong niya hindi ako umimik at nanatiling tahimik

"Jaya--"

Kumalas ako sa pag kakayakap saka tumingin kay Jason

"Wala ka dapat ipag sorry dahil wala ka namang ginawang mali....siguro nasabi mo lang yun dahil nag aalala ka sakin...wag kang mag alala wala kaming ginagawa ni Jared dito maliban ang kumain at piliting maging masaya.... Inilayo lang ako ni Jared sa kalungkutan ko kaya wala kang dapat ipag alala... Dinala niya ko dito para maging masaya kaya umalis ka na Jason dahil baka hinahanap ka na ng shota mo..."wika ko at tumingin kay Jared

"Papasok lang muna ako sa bahay mo Jared ah inaantok na kasi ako"naka ngiting wika ko saka tumingin kay Jason na naka tingin sakin

"Umuwi ka na anong oras na baka nag aalala na sayo ang shota mo"sabi ko at tinapik siya sa balikat niya saka tumalikod sa kanya

Sa pag talikod ko ay saktong pag agus ng luha ko
Dahan dahan akong nag lakad papunta sa bahay ni Jared

Bakit ba ako nasasaktan? Dahil ba sa sinabihan niya akong malandi? Tss di naman totoo yun eh kaya wag kang masaktan Jaya kasi ang isang dyosang gaya mo ay di dapat nasasaktan

Pero bakit ganon? Pag siya ang nag sasabi sakin ng mga masasakit na salita ay parang pinapatay ang puso ko? Bakit sa iba hindi ko maramdaman na ganon? Siguro mangkukulam si Jason at kinukulam niya ang puso ko...kailangan ko na atang magpa albolaryo para malabanan ang sakit

Huminga ako ng malalim at saka pinunasan ang mga luha ko pero hangal na mata talagang nag palabas pa ng mga luha nakakainis!!!
Alisin ko kaya mga mata ko para matigil ako sa pag iyak?

Jason POV

"Masaya ka na?"tanong ni Jared

Naiwan kaming dalawa dito na naka tingin sa daang tinatahak ni Jaya

"Masaya ka nang nasaktan mo nanaman siya?"tanong ni Jared tumingin ako sa kanya ng masama

"Alam mo...hindi ko alam kung bakit nag kakaganyan ka at wala akong pake alam kong talagang gago ka pero ang saktan ulit si Jaya? Tangina di ko na ata makakaya"sabi niya

"Wala kang alam"wika ko

"Madami akong alam!"sigaw niya

"WALA KANG ALAM KAYA MANAHIMIK KA!"

"IKAW ANG WALANG ALAM GAGO KA!"sigaw niya

"INILAYO KO SI JAYA SA KALUNGKUTAN NIYA TAS IKAW ANG LALAPIT LAPIT SA KANYA?! GAGO KA BA TALAGA?!"sigaw niya

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo"

"TALAGANG HINDI KO ALAM KASI MANHID KA! NARARAMDAMAN MO LANG ANG INUUNA MO!"sigaw ni Jared sakin

"Hayop ka!"sigaw ko at sinuntok siya muli dahilan para mapa upo siya sa buhangin

Natawa siya

"Kung hindi ka lang presedente ng Pilipinas ay baka napatay na kita"wika niya at umiling iling

"Kung ako ang tatanungin mas gusto kong mawala ka nalang sa mundong to"wika niya "para mawala nadin ang kalungkutan ni Jaya"dagdag niya

.....

"Alam mo ba na masakit para sakin na makita ang babaeng gusto ko na umiiyak sa harap ko dahil sa lalaking mahal niya na sariling emosyon lang ang pinapairal?!"Sigaw niya

Napa tigil ako

Gusto niya si Jaya?

"Kung pwede lang sana na ako nalang ang mahalin nya..kung pwede lang sana na turuan ang puso ni Jaya na mag mahal ay tuturuan ko ito at sasabihing ako nalang ang mahalin ni Jaya kesa sa taong inuuna ang sariling emosyon" wika niya at tumayo  "masaya ka na ba na nasaktan mo ulit si Jaya? Masaya ka na bang nasabi mo sa kanya kung gano siya kalandi?! Masaya ka na ba?!"sigaw niya

Hindi ako sumagot

"Sa sobrang daming beses mong pinaiyak si Jaya ay nagagawa ka niya paring mahalin "wika niya at seryosong tumingin sakin

"Ako na nag sasabi sayo Jason hindi bilang kapatid mo o mamamayan ng bansang to...sinasabi ko to sayo bilang karibal sa puso ni Jaya...na gagawin ko ang lahat makalimutan ka lang ni Jaya...makalimutan lang ni Jaya ang kalungkutan niya"sabi niya at pumantay sakin

"At ikaw ang kalungkutang tinutukoy ko"dagdag niya saka ako binangga at nag lakad siya papunta sa bahay niya

Naiwan akong mag isa dito sa labas na hindi parin ma absorb ang sinabi niya

"Bwisit!"singhal ko at sinipa ang lupa

~~~

Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now