SMTMP 27

3.1K 64 8
                                    

Secretly Married To Mr President

Written by RIP

Chapter 27

~~~~

Jason POV


"HAYOP KA!" Sigaw ko at sinuntok si Ashton na mahimbing na natutulog katabi ni Jaya.

Agad naman silang nagising sa sigaw ko

"Jason!"pigil sakin ni Jaya pero tinignan ko siya ng masama

"Manahimik ka! Isa ka pa!"sigaw ko at muling sinapak si Ashton

"Mr--"

"PINAGKATIWALAAN KITA TAPOS GANITO LANG ANG MAKIKITA KO?!"Sigaw ko

"Jason ano ba?!"

"MANAHIMIK KA!"

"Mag papaliwanag kami--"

"HAYOP KA!" sigaw ko at binalibag si Ashton sa pinto.
Mukhang narinig iyon ng ibang guards sa labas kaya naman nag bukas ang pinto at agad kaming inawat.

"Jason ano ba?" Naramdaman ko ang paghawak ni Jaya sa kamay ko pero agad ko itong tinanggal at agad siybg sinampal

Mukhang nagulat naman si Jaya sa pagkaka sampal ko sa kanya kaya nakahawak parin siya sa pisngi niyang sinampal ko

"Jaya!" Sigaw ni Ashton at dali daling lumapit kay Jaya
Masamang tinignan ako ni Ashton pero masama ang tingin ko sa kanya 

"Jaya ayus ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Ashton kay Jaya. Nanatiling tahimik si Jaya. Nakita ko ang pag tulo ng luha nito kaya agad akong nahimasmasan at agad na napamura ng makitang may dugo sa labi ni Jaya

"J-Jaya" tawag ko at akmang hahawakan siya ng tabigin ito ni Ashton

"ANO BANG PROBLEMA MO?!"sigaw ko kay Ashton

"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO! NAPAKA DUMI NG UTAK MO KAYA NAGAWA MONG SAKTAN ANG BABAENG NAG MAMAHAL SAYO!"sigaw niya

Hindi ako naka sagot at muling tumingin kay Jaya

"Jaya I'm--"

"Ayus lang" sabi niya saka tumingin kay Ashton

"Ashton iwan mo muna kami"sabi ni Jaya kay Ashton

"Pero Jaya--"

"Ayus lang talaga ako Ashton sige na please gagamutin natin mamaya yung mga sugat natin haha" sabi niya at muling tumulo ang kanyang mga luha

Masama muna akong tinitigan ni Ashton bago siya lumabas ng kwarto namin.

"Jaya I'm so--"

"Dumating ka na pala? Hindi ko alam pasensya na natutulog kasi kami ni Ashton "pag puputol niya sa akin

Napa tingin ako sa labi niyang dumudugo

"Jaya let me--"

"Kumain ka na ba? Kumain ka na ako kasi busog na ako" pag puputol niya

"Jaya gagamutin natin yang--"

"Mukhang napagod ka ata, sige na Magpahinga ka na din Jason" sabi niya

"Jaya please--"

"Ako kasi pagod na pagod na pagod na. Gusto ko ng mag pahinga" agad tumulo ang mga luha niya sa sinabi niya... Agad ko siyang niyakap at naluluha sa sinabi niya

"Wag please... Wag kang mag papahinga lumaban ka...lumaban ka para sakin Jaya" bulong ko at agad na tumulo ang mga luha ko

Yung kaninang galit na nararamdaman ko ay napalitan ng takot

"Bakit ako lalaban? Para saan at kailangan kung lumaban? Jason pagod na ako" umiiyak niyang sabi

"Jaya please no, kung dahil to sa pag sampal ko sayo please Jaya I'm telling you nandilim lang ang paningin ko dahil sa galit at selos"pag papaliwanag ko

"Jason ano bang sabi ko sayo? Diba sabi ko sayo pagkatiwalaan mo ko? Pero bakit di mo magawa?"tanong niya

"Kasi natatakot ako... Natatakot ako na baka makuha ka sakin ng iba" sagot ko. Nanatili parin akong naka yakap sa kanya

"Jason bakit ka nag seselos?"tanong niya dahilan para mapatahimik ako.

Hindi ako maka sagot, parang nalunok ko ata ang aking dila kaya di ko magawang maka sagot.

"Sabi ko naman sayo wag kang mag seselos ng walang dahilan" sabi niya at kumalas sa yakap ko. Nandon parin yung dugo sa kanyang labi.

"Jaya tara gagamutin natin yang--"

"Kaya kong gamutin ang sarili kong sugat"sabi niya at pinunasan ang kanyang luha

"Pero yung sugat sa puso ko pwede bang yun nalang ang gamutin mo?"tanong niya

"J-Jaya--"

"Mahal kita kahit masakit na, Mahal kita kahit di ko na kaya. Iniisip kong bumitaw ngayung mga oras na ito pero napaka babaw naman ata ng dahilan na iyon. Kung may isang daang dahilan man para hiwalayan kita at bitawan kita, hahanap ako ng isang dahilan para manatiling lumaban at mahalin ka"sabi niya na nag paiyak sa akin

"Jaya--"

"Yung nakita mo kanina... Nag pasama lang ako kay Ashton na  matulog dito dahil natatakot ako, di ako sanay na wala akong kasama. Akala ko kasi dadating ka kahapon pero sabi ni Ashton ay di ka makaka uwi. Ayus lang naman sakin yun Jason"sabi niya at ngumiti

"Hindi naman ako nag hintay haha joke lang sige na kumain ka na mamaya pa kasi ako kakain"sabi niya

"Pero Jaya--"

"Lalabas na muna ako, gagamutin ko pa sugat namin ni Ashton"sabi niya

"Jaya Please--"

"Please kahit ngayun lang. Kahit ngayun lang Jason, Palayain mo muna ako kaihit ilang oras lang"

Ngumiti siya pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon. Lumabas na siya sa kwarto habang ako naman ay naiwang naka tulala sa pintong nilabasan niya

Palayain mo muna ako kahit ilang oras lang....

"Ang laki kong tanga"bulong ko saka muling rumagasa ang luha ko pababa sa pisngi ko

~~~~

Tweet me @redious_in
Instagram: rediousinpaper
Facebook: Arline Laure ll
Tiktok: rediousinpaper

Secretly Married to Mr PresidentWhere stories live. Discover now